24 Oras Express: March 1, 2022 [HD]

  • 2 years ago
Narito ang mga maiinit na balita sa 24 Oras Express ngayong Martes, March 1, 2022:

-P6,500 fuel subsidy ng mga jeep, at ilang pampublikong sasakyan, aprubado na at pinamamadali na ng LTFRB at DOTr

-Ilang negosyante, ikinagulat ang malaking taas-presyo ng LPG na dagok sa kanilang kabuhayan

-COVID-19 active cases, bumaba sa 51,592 matapos makapagtala ng 1,652 recoveries; walang naitalang nasawi ngayong araw

-Mga namamasyal sa mga mall, dumami sa unang araw ng Alert Level 1 sa NCR

-Mahabang pila sa mga terminal, balik sa unang araw ng Alert level 1 sa Metro Manila

-Apat na tauhan ng truck na illegal na nagtatapon ng basura sa Maynila, kalaboso

-Manila Mayor Isko Moreno, hindi natuloy ang motorcade sa Caloocan City dahil sa permit na binawi ng LGU

-Tambalang Lacson-Sotto, nais gawing digitized ang mga transaksyon ng gobyerno bilang tugon sa pangongotong sa tricycle drivers

-Pagsisiguro ni VP Robredo sa mga pamilyang apektado ng demolisyon sa Muntinlupa, magkakaroon ng relokasyon sa loob ng lungsod

-Mayor Sara Duterte at kaniyang campaign team, hindi pa napag-uusapan kung dadalo sa mga susunod na VP debate

-Sen. Manny Pacquiao, hiniling na alisin na ang ilang COVID-related restriction sa kampanya ngayong Alert level 1 ang NCR

-Pres'l candidate Ernie Abella, umapela sa mga Pilipinong 'di pa desidido sa kanilang iboboto na pumili ng makakapagbigay ng magandang
kinabukasan sa bansa; Ka Leody De Guzman, lumahok sa forum kasama ang mga lider ng Pasig Civil Society Organization

-Pres. Duterte, ikinatuwa na nakaka-recover na ang bansa sa pandemya

For Kapuso abroad, subscribe to GMA Pinoy TV (http://www.gmapinoytv.com/) for GMA programs, including the full version of 24 Oras.

24 Oras is GMA Network's flagship newscast, anchored by GMA News pillars Mike Enriquez, Mel Tiangco, and Vicky Morales, featuring top news stories from the Philippines and the hottest showbiz news on Chika Minute hosted by Iya Villania. Visit GMA News Online (http://www.gmanews.tv/24Oras) for more.

Recommended