OCTA Research: Positivity rate sa NCR, nasa 4.95%; mas mababa sa 5% benchmark ng WHO | BT

  • 2 years ago
Bumaba sa 4.9 percent ang COVID positivity rate sa Metro Manila. Mas mababa ito sa 5 percent benchmark ng World Health Organization para masabing kontrolado na ang hawahan ng covid sa isang lugar.


-Metro Manila Council, pagpupulungan ngayong araw kung puwede na bang ibaba sa Alert Level 1 ang NCR


Mahigit 1-thousand ang bagong COVID cases, base sa datos ng DOH kahapon -- pinakamababang bilang ng kaso ngayong taon. Ngayong araw, magpupulong ang metro manila council kung puwede na bang ibaba sa alert level 1 ang Metro Manila.



-Sec. Dizon: mga senior citizen, kailangang mabakunahan bago ibaba sa alert level 1 ang NCR

May kailangan daw munang gawin bago ibaba sa alert level 1 ang Metro Manila. isa ito sa mga napag-usapan sa Talk to the People ng Pangulo kagabi.


-Panayam kay Sec. Carlito Galvez, Jr. (February 22, 2022)

Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.



Recommended