• 4 years ago
Narito ang mga maiinit na balita sa Balitanghali Express ngayong November 5, 2021:
- Sitwasyon sa Quiapo Church ngayong unang araw ng pagpapatupad ng alert level 2 sa NCR at first Friday ng buwan
- Minimum health protocols sa Marikina River Bank, mahigpit na ipinatutupad
- Mga pasahero ng EDSA bus carousel sa Monumento, maagang pumila
- Tricycle driver, patay sa pamamaril ng umano'y riding-in-tandem
- Suspek sa pagpatay at wanted din sa iligal na droga, huli
- Mahigit P300,000 halaga ng umano'y shabu, nasabat mula sa 2 arestadong suspek
- Isa sa tatlong barangay sa Tanza, Cavite, may Cholera outbreak
- Mga deboto sa Quiapo Church, dumagsa sa unang Biyernes ng buwan
- Ilang menor de edad, nagpambuno; ilang magulang, nababahala sa hamunang nag-uumpisa raw sa social media
- Batang 2-anyos, inoperahan matapos makalunok ng piso
- Banggaan ng tricycle at truck: 2 patay, 6 sugatan
- Ilang kainan, 24 oras nang bukas matapos alisin ang curfew hours
- DOH: 1,766 ang naitalang bagong COVID cases sa bansa
- SSS, may penalty condonation program para sa mga miyembro nitong nagpatong-patong na ang hindi mabayarang loan
- Tamulaya Elementary School, naghahanda na sa pilot implementation ng face-to-face classes
- Carla Abellana, ibinahagi ang kuwento sa kanilang diamond wedding rings ni Tom Rodriguez
- Bahagi ng bundok sa Brgy. Campo 5, gumuho
- Weather update
- Pangulong Duterte, iginiit na hindi magkakaroon ng hurisdiksyon ang ICC sa kanya
- Panayam kay Tourism Congress of the Philippines President Jojo Clemente
- Pilipinas, pang-apat sa long-term Climate Risk Index
- PSA: Inflation rate o bilis ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin, bahagyang bumaba sa 4.6% nitong Oktubre mula sa 4.8% noong Setyembre
- Teaser ng pagbabalik ng "The World Between Us" sa GMA telebabad, ipinasilip
- Iba't ibang flavors ng bibingka, matitikman sa San Fernando, Pampanga

Category

😹
Fun

Recommended