• 3 years ago
Narito ang mga maiinit na balita sa Balitanghali Express ngayong Miyerkules, March 23, 2022:

-UV express van, bumaglitad matapos bumangga sa puno at gate ng bahay; isa patay, 14 sugatan
-Philippine Airlines, umaapela sa Civil Aeronautics Board para sa karagdagang fuel surcharge / AirAsia Philippines, nagsimula nang maningil ng fuel surcharge noong March 14 /Ilang biyahero, nangangamba sa pagtaas ng presyo ng pamasahe sa eroplano/ Airline companies, titiyakin daw na hindi magiging malaki ang taas-presyo sa pamasahe
-Presyo ng petrolyo, posibleng tumaas sa susunod na linggo, ayon sa DOE / Libreng Sakay tulad ng sa Edsa bus carousel, ibabalik ng DOTr sa susunod na linggo
-Ilang pasahero ng EDSA Carousel at ilang ruta ng jeep, makakatipid daw dahil sa libreng sakay simula sa susunod na linggo
-Hiling ng isang grupo, bilhin ng gobyerno ang mga sibuyas at direktang dalhin sa mga pamilihan
-Ilang nag-aasikaso ng mga papeles pa-abroad, ilang araw na raw nakapila sa DFA office
-2 kapwa neophyte ni RR Rabutazo, nagtamo rin ng mga paso at pasa dahil sa umano'y frat hazing / Nobya, kaisa sa pamilya ni RR Rabutazo sa paghingi ng hustisya sa kanyang pagkamatay
-Binatilyo, sugatan matapos barilin ng shotgun ng guwardiya / Lalaki, nasaksak matapos mapagkamalang siya dumura sa suspek
-Ilang LGU, kinilala ng National task force dahil sa galing sa COVID-19 Vaccination
Paggamit ng bisikleta, alternatibong transportasyon nang magsimula ang pandemic at pagtaas ng presyo ng petrolyo / Ilang problema sa kalsada, nararanasan ng mga siklista / MMDA, isinusulong ang mas ligtas na bike lane para sa mga siklista /Transportation engineer: delikado ang mga bike lane sa Metro Manila / MMDA: pinag-aralan ang mga bike lane sa Metro Manila
-Panayam kay POEA administrator Bernard Olalia
-DILG: Tuloy pa rin ang bakunahan kahit may kampanya dahil may mga lugar na hindi pa rin naabot ang 70% total target population
-Weather update
-Russian Amb. to the Philippines Pavlov, iginiit na ginagawa nila ang lahat para makapag-supply ng langis sa Europa
-David Beckham, ipinahiram ang kanyang social media channels sa isang Ukrainian doctor
-Miss Eco International 2022 Kathleen Paton, balik- bansa na / Bea alonzo, stunning sa blue and white ootd sa Spain; balik-Pilipinas na
-"The First Journey Around the World" exhibit na inilunsad ng National Museum, puwede nang mabisita ng publiko bukas

Category

😹
Fun

Recommended