• 6 years ago
Bilib na bilib talaga ang mga Netizen sa babaeng staff na ito ni idol Raffy Tulfo dahil sa pagsupalpal niya sa amang ayaw ibigay ang card ng kanyang anak para hindi ito makapag-aral. Nagkasagutan silang dalawa.

Isang mag-ina ang nagsanib pwersa na ireklamo sa himpilan ni Raffy Tulfo ang guro na nanliligaw sa isang grade 7 student.

Pina-hold Na Report Card
Si Marilyn Vilando na isang kasambahay sa Cavite ay naunang dumulog kay Raffy Tulfo upang ireklamo ang guro na nanliligaw umano sa kanyang anak na 12-anyos na nasa grade 7. Problema din ni Aling Marilyn ang dating kinakasama na si Joseph Mendoza na ipinahold umano ang report card ng anak at sya mismo ang kumuha nito mula sa eskwelahan. Pagkauwi galing Qatar ay hinarap ng ama ang kanyang mag-ina.

Verbal Abus3
Sa barangay dinala ang pag-uusap upang magpirmahan ng kasunduan ang dalawang partido. Giit ni Nanay Marilyn ay madalas itong pagmumurahin ng dating kinakasama na sya namang itinanggi ni Joseph. Gayunpaman ay pinatunayan ito ng anak nila na itinago sa pangalang Marimar. Hirit naman ni mister ay hindi sya umano kinokontak ng dating kinasama at kinakausap lamang kapag malapit na ang sweldo. Pahayag naman ni Marimar, laging nagagalit umano ang kanyang tatay at pinagbubuntunan ang ina. Aniya ay kung papapiliin ito ay sasama ito sa kanyang nanay kaysa kay tatay.

Makasariling Tatay
Nagka-tensyon naman sa gitna ng staff reporter ng Wanted Sa Radyo at sa tatay na si Joseph dahil pilit na ayaw ibigay ng nito ang report card ng bata. Kahit pa naipaliwanag na ng staff na wala sa mga magulang ang may karapatan na ariin ang dokumento ng bata. Ngunit nananatiling pinagpipilitan ng tatay na magharap na lang sa korte at magrereklamo ito.

Tensyon
Nagkataasan ng boses ang staff reporter at si Joseph lalo pa nang malaman na hindi pala dala ni mister ang report card. Iniabot nito ang brown envelope kay Aling Marilyn ngunit pagbukas nito ay wala pala itong laman. Nagalit si misis na syang dahilan para maitsa nito ang envelope sa sahig. Galit naman si Joseph nang mas masermunan pa ng staff ni Idol Raffy na syang kinatuwa ng netizens.

Sa kabilang banda ay nagsampa na ng kaso sa Deparment of Education sina Marimar at Aling Marilyn laban sa guro na si Marc Ernest Javier. Pumapayag naman ang Dasmarinas North National High School na makapag-enroll ang bata at isumite ang mga dokumento sa oras na makumpleto ito.

Kinabiliban
Tuwang tuwa at bilib ang mga netizen sa paraan ng pakikipag-usap ng staff reporter. Anila ay tila nagmana ito kay Raffy at nararapat lamang na maging co-anchor ito ng host. Samantala ay komet

Recommended