• 6 years ago
Ama ng limang batang namatay sa sunog sa tondo manila, Kinuyog ng mga tao sa araw mismo ng libing ng limang paslit, Hindi pa malinaw kung paanop nag umpisa ang insidente.

Subalit ayon sa ilang mga saksi marami umanong galit sa ama ng mga biktima dahil sa nangyaring sunog kung saan iniwan umano nitong naka kandado ang kanilang bahay dahilan para ma trap sa loob ang kanyang mga anak na naging sanhi ng kanilang pagkamatay.

Matapos na masunugan, agad na nagbigay ng ayuda si Manila Mayor Joseph Estrada ng P300,000 at libreng libing sa pamilya ng namatayan ng limang anak sa sunog kamakalawa ng umaga sa Tondo, Manila.

Sa panayam kay Estrada, inatasan niya ang Manila Department of Social Worker na tiyaking may almusal, tanghalian at hapunan ang mga biktima ng sunog sa Laperal St. corner Herbosa St. sa Tondo.

Namigay din ng mga cons­truction materials si Estrada sa mga biktima upang agad na maitayo ang kanilang mga bahay.

Kinilala ang mga nasawi na sina John Mike Twister Geminiano, 12; Michael , 7 ; Marcelo Miko, 4; Mhiel Mikael, 3; at Mikaela, 1–taong gulang.

Mapalad namang nakaligtas ang isa pa nilang kapatid na si John Michael, 9 na nagtamo ng sunog sa ulo dahil tinangka umano nitong yayain ang mga kapatid na bumaba sa pamamagitan ng pagdaan sa bintana.

Ayon kay Sr. Inspector Reden Alumno Manila BFP Arson Chief napag-alaman na umalis umano si Emily Tulig ang nanay ng mga biktima upang bumili ng almusal habang ang kanilang ama ay nagpagawa ng pedicab nang mangyari ang sunog.

Napag-alaman na pinag­laruan umano ng mga biktima ang lighter kaya’t sumiklab ang apoy sa Laperal at Herbosa Street sa Tondo Manila sakop ng Barangay 91 na umabot sa ika-apat na alarma.

#LimangPaslit
#TondoManila
#FireIncident

_________________________________

Endscreen Sounds: BADASS
Music:


Facebook:
Twitter:
YouTube:

If you have any Complaint, Question or Suggestion please contact us at: contact@theyoungobserver.com

Category

🗞
News

Recommended