Typhoon Haiyan (Yolanda), winasak ang Leyte, 10,000 namatay

  • 9 years ago
Typhoon Haiyan (Yolanda), winasak ang Leyte, 10,000 namatay

Ilang araw na ang nakalipas nang unang tamaan ng Super Typhoon Yolanda ang Pilipinas. Ang siudad ng Tacloban sa probinsiya ng Leyte ang nakatanggap ng pinakamalalang pinsala mula sa bagyo. Halos walang gusali ang naiwang nakatayo. Ayon sa isang UN official, ang eksena sa Leyte ay maikokompara sa Indian Ocean Tsunami, kung saan may lampas dalawang daang libong tao ang nasawi, noong 2004.

Araw-gabi na nagtatrabaho ang rescue teams para mailigtas ang mga nakulong sa ilalim ng debris.May dalawang daang libong residente ang Tacloban, pero dahil sa bagyo, may sampung libong tao na namatay -- ayon sa mga awtoridad. Maging ang mga survivor ay hindi pa rin ligtas sa kalamidad, dahil kulang ang supplies sa Tacloban, at may mga taong nagkakagulo at nagnanakaw.

Bagamat nawasak na ang airport sa Tacloban, ay ginagamit pa rin ito sa pag-evacuate ng mga tao sa pamamagitan ng helicopters at military aircrafts. Mabilis na kumilos ang Estados Unidos at Australia sa pagtulong sa Pilipinas.

Si Yolanda ay tumama sa anim na isla sa Pilipinas noong Biyernes, dala ang hangin na umabot sa 235 kilometers per hour. Apat na milyong mamamayan ang apektado.

Tatlong wind chasers ang bumiyahe mula Hong Kong hanggang sa Tacloban para masaksihan ang malupit na hanging dala ni Yolanda. Binaha ang kanilang hotel, at ayon sa kanila, ang eksenang kanilang nasaksihan ay parang eksena ng isang pelikula.

Tumuloy si Yolanda sa Vietnam, matapos dumaan ng Pilipinas. Humina man ang lakas ng bagyo, ay nakuha pa rin nito ang buhay ng anim na tao sa Vietnam.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended