Kilalanin natin ang mga sikat na transgender entertainers sa buong mundo!
  • 9 years ago
Kilalanin natin ang mga sikat na transgender entertainers sa buong mundo!

Ang Taiwanese model na si Alicia Liu ay dumaan sa sex reassignment surgery noong siya ay 18 years old. Sumikat ito nang siya ay nagsimulang mag-guest sa mga TV shows.

Si Harisu ay ang kauna-unahang transgender entertainer sa South Korea. Siya ay singer, model at aktres.

Si Bell Nuntita ay isang YouTube sensation at kilala sa kanyang boses, at pagsali sa Thailand's Got Talent.

Ang Lady ay ang kauna-unahang transgender pop group mula sa Korea. Ang kanilang pagsikat ay dahil sa impluwensiya ni Harisu.

Ang Chinese model na si Liu Shi Han (劉詩涵) ay sumikat dahil sa kanyang pagkahawig sa Hong Kong model na si Angelababy, at ang Japanese singer na si Ayumi Hamasaki.

Ang Japanese TV personality na si Ayana Tsubaki ay modelo para sa mga fashion magazine na para sa batang babae.

Ang Canadian model at TV personality na si Jenna Talackova ay sumikat noong 2012, matapos niyang ipaglaban ang karapatang sumali sa Miss Universe Canada.

Ang American fashion model na si Isis King ay naging contestant sa America's Next Top Model. Siya ang kauna-unahang transgender na sumali sa kompetisyon na ito.

Si Lea T. ng Brazil ay isa sa paboritong fashion model na kilala sa buong mundo. Siya ang inspirasyon ng design huse na Givenchy.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH
Recommended