VIDEO: Magnanakaw sa Brazil, tinali at pinakain sa mga pulang langgam!

  • 9 years ago
VIDEO: Magnanakaw sa Brazil, tinali at pinakain sa mga pulang langgam!



Kung ikaw ay isang magnanakaw sa Brazil, siguraduhin mong magaling kang magnakaw, kung hindi ay ganito ang mapapala mo...

Isang araw, sa maliit na bayan ng Teresina, sa northeastern Brazil, isang lalaki ang ninakawan ang isang bahay...

At siya ay nahuli! Matapos siyang bugbugin ng mga residente, tinali nila ito.

Tingnan niyo na lang kung gaano katibay ang tali!

Pagkatapos, ay nilagay nila ang nakataling lalaki sa taas ng isang anthill, o punso, at kumuha pa sila ng video para maipagmalaki ito sa buong mundo.

Base sa kanyang pagsisigaw, nakagat ng maraming galit na pulang langgam ang magnanakaw, na malamang ay naipasa nan g mga residente sa pulis. Pero dahil walang ibang impormasyon na binigay sa video, ay hanggang dito na lang ang aming nalalaman sa kuwentong ito.



For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended