World Cup crime: mga Japanese na turista, tina-target ng mga magnanakaw sa Brazil!

  • 9 years ago
Japanese soccer fans, ang prime target ng mga magnanakaw sa Brazil!

Nagsimula ang World Cup noong June 13, at nagdagsaan papuntang Brazil ang mga soccer fans mula sa iba't ibang sulok ng mundo.

Pero para sa mga Japanese fans na nasa Brazil, hindi nila masyadong nae-enjoy ang kanilang bakasyon.

Noong June 10, isang Japanese reporter ang na-snatch-an ng backpack, na naglalaman ng kanyang passport.

Sa mga sumunod na araw, nanakawan ng bagahe, ticket at pera ang iba pang mga Japanese na turista.

Dahil sa mga insidenteng ito, nag-issue ng advisory brochure ang Japanese Embassy para sa mga Japanese na turistang kadarating lang sa airport.

Kabilang sa mga warning: huwag maglakad nang may dalang cash. Huwag masyadong magpagabi. Huwag sumakay sa kaduda-dudang taksi.

Habang ang mga lugar na malapit sa arena ay mas secure, ang ibang mga lugar ay delikado at mahirap bantayan ng pulis.

Kailangang mag-ingat at gumamit ng common sense ang mga Japanese World Cup fans, para mahirapan silang gawing target ng mga kriminal sa Brazil.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH