Toddler, seryosong napaso nang walang paliwanag sa isang daycare sa Georgia!

  • 9 years ago
Toddler, seryosong napaso nang walang paliwanag sa isang daycare sa Georgia!


Isang daycare facility sa Georgia, pinagtakpan ang pagkaroon ng third-degree burns ng isang 18-month-old na baby boy!

Isang ina sa Georgia ang hindi malaman kung paanong nasunog ang legs ng kanyang 18-month-old na anak na lalake, matapos itong manayili sa isang daycare noong isang linggo.

Noong Biyernes, hinatid ni Megan Seabolt ang kanyang anak na si Damon sa daycare, at iniwan ito sa pag-aalaga ni Eddye Pittmon.

Maaring naiwang ni Pittmon ang bata nang walang supervision. Hindi pa nalalaman kung ano talaga ang nangyari. Ang alam lang natin, ay pinagtakpan ni Pittmon at ng may-ari ng daycare na si Minnie Dupree, at ang anak nitong si Tara Miller, ang nangyari sa bata.

Nilagyan ni Pittmon ng ointment ang sunog sa katawan ng bata. Makalipas ang walong oras, sinabi niya kay Seabolt na may kumagat na insekto sa kanyang anak.

Dinala ni Seabolt ang bata sa Northeast Georgia Medical Center, kung saan nalaman niyang may second at third-degree burns na pala ang kanyang anak!

Nagpapagaling na ang bata, na kakailanganin ang iilang buwan para gumaling nang maayos.

Naaresto na ang tatlong babaeng nasa daycare, para sa mga kasong child endangerment, child cruelty, at testimony influence.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended