World Cup 2014: Costa Rica, ginulat ang Italy; superstar Ronaldo, may pagkakataon pa!

  • 9 years ago
World Cup Weekend Update: Costa Rica, ginulat ang Italy; si Ronaldo, nakakuha ng isa pang pagkakataong manatili sa World Cup!

Ang ikalawang linggo ng World Cup ay nagsimula sa isang nakakagulat na laro, nan gang pinaka-underrated na team sa Group D, ang Costa Rica, ay pangalawang beses na nanalo!

Nag-score si Bryan Ruiz, habang pinag-iikutan ng Costa Rica si Andrea Pirlo at ang kanyang mga Italian teammates. Nanalo ang Costa Rica, 1-0.

Samantala, nagpatuloy ang France sa kanilang magandang simula sa World Cup, at natalo nila ang Switzerland, 5-2.

Na-miss ng striker na si Karim Benzema ang isang first-half penalty, pero bumawi siya sa second half, kung saan naging joint top scorer siya, matapos ang tatlong goals.

Noong Sabado, nahirapan ang Argentina sa laro nila laban sa napaka-well-organized na Iran.

Halos matapos na ang laro, bago nag-score si Lionel Messi -- salamat sa kanya, at nanalo ang Argentina.

Si Miroslav Klose naman ay malapit nang maging all-time top scorer sa World Cup, salamat sa kanyang mga goals sa 2-2 draw ng Germany vs. Ghana. Ang 36-yearold na German player ay naka-score ng kanyang kauna-unahang goal, matapos siyang ipasok sa laro, bilang isang sub sa laro ng Germany laban sa mga Africans. Na-match niya na ang tally ni Ronaldo, na 15 World Cup coals.

Noong Linggo, nasorpresa ng Algeria ang South Korea, nang nag-score sila ng tatlong goals sa first half ng kanilang laro. Nanalo sila, 4-2. Ito ang unang pagkapanalo ng Algeria sa World Cup, mula pa noong 1982.

Ang substitute naman na si Silvestre Varela ang nakatulong sa Portugal na umabot sa 2-2 draw sa kanilang laro laban sa US...na siya ring nakaligtas kay superstar Ronaldo, na muntikan nang mapauwi.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH