Jamie Oliver, magbubukas ng Italian restaurant sa Causeway Bay, Hong Kong!

  • 9 years ago
Jamie Oliver, magbubukas ng Italian restaurant sa Causeway Bay, Hong Kong!


Jamie Oliver, magbubukas ng restaurant sa Hong Kong!

Ang British chef na si Jamie Oliver ay nag-announce noong Miyerkules na magbubukas siya ng bagong Italian restaurant sa Causeway Bay, sa Hong Kong.

Sinubukan niyang magsalita ng Cantonese, na kinatuwa ng kanyang mga fans sa Hong Kong.

Ang bagong restaurant, na sinet-up kasama ng local partner na Big Cat Group, ay itatayo sa second floor ng isang bagong building, na magbubukas sa July.

Ito ay magiging ikalawang Italian restaurant ni Jamie sa Asia. Ang una niyang restaurant ay nagbukas sa Singapore noong isang taon.

Ayon kay Jamie, desidido siyang magbigay ng masarap na pagkain, na may mataas na quality, sa abot-kayang presyo. Nasa 250 HKD, o 30 USD, ang bayad kada customer.

Ang restaurant ay magkakaroon ng isang daang staff; ang lugar ay nasa 10,000 square feet ang laki, at maaring mag-serve ng dalawang daang customer.



For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended