VIDEO: Helicopter rescue team, naligtas mula sa mudslide ang 4-year-old na si Jacob Spillers!

  • 9 years ago
VIDEO: Helicopter rescue team, naligtas mula sa mudslide ang 4-year-old na si Jacob Spillers!



Washington mudslide: ang helicopter rescue ng apat na taong gulang na bata.

Ini-release ng Snohomish County Helicopter Rescue Team ang footage ng kanilang pagligtas sa isang apat na taong gulang na bata, at sa ama nito, mula sa isang mudslide sa Washington.

Si Jacob Spillers, at ang kanyang ama na si Billy Spillers, ay naligtas sa ikalimang araw ng paghanap ng mga survivors, matapos mangyari ang mudslide noong March 22. Si Jacob ay nasa second floor ng kanilang bahay, at nakaiwas siya sa pinsala. Ang tatlo niyang kapatid na sina Jovin, 13; Kaylee, 5; at Brooke, 2, ay nasa first floor, nanonood ng TV, at kasalukuyang nawawala.

Ayon sa mga rescuers, may labing-anim na taong kumirmadong patay, at siyamnapung taong nawawala. Apatnapu't siyam na bahay sa Steelhead at East Steelhead Drive ang nawasak sa mudslide.

Noong 2010, nai-report ng Snohomish County ang bundok na bumigay, bilang isang high-risk landslide area. Ang landslide ay resulta ng pagkakulang ng halaman sa paligid, at sa malakas na ulan itong buwan na ito.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended