Korean actor Song Seung-Heon, nagtanggal ng damit para sa ratings!

  • 9 years ago
Korean actor Song Seung-Heon, nagtanggal ng damit para sa ratings!


Korean drama star, Song Seung-Heon, nagtanggal ng damit para sa ratings!

Palaging mabenta ang sex. Pero ito lang ang makukuha ng mga viewers, sa isang national TV station na strikto at kontrolado ang lahat ng seksuwal na laman ng bawat palabas sa South Korea. Walang boobs...pero merong abs!

Ang sikat na Koreanong aktor na si Song Seung-Heon (宋承憲, 송승헌) ay nagsimulang magtanggal ng damit sa TV series na Summer Scent (夏日香氣), labing-isang taon nang nakalipas. Kahit na hindi pa siya masyadong maskulado noon, ay nakakuha pa rin ng pinakamataas na rating na 19.7 ang kanyang show sa panahon na iyon.

Nang magsimula siyang magpalaki nang magpalaki ng mga muscles, ay mas marami nang nakita ang kanyang mga fans. Ang kanyang dibdib...ang kanyang V-line abs...at ang kanyang basa, at see-through na damit!

Naging inspirasyon ngayon si Song ng ibang mga Koreanong aktos, na nagsimula na ring magtanggal ng mga damit sa kanilang mga TV series. At kapag sinabi naming shirtless, ay talagang shirtless sila -- as in, kahit na nasa isang shower scene sila, gaya ni Kim Soo-Hyun (金秀賢, 김수현) sa My Love From the Star (來自星星的你), shirtless lang siya. Bawal pa kasi ang pants-less!



For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended