VIDEO: Pulis sa Iowa, binaril ng 19 na beses ng isang brokenhearted na lalaki!

  • 9 years ago
VIDEO: Pulis sa Iowa, binaril ng 19 na beses ng isang brokenhearted na lalaki!


Police shootout sa Iowa, nakunan ng dash cam.

Nagkaroon ng firefight sa Maquoketa, Iowa, alas tres ng madaling araw, April 1st.

Nagsimula ito nang napansin ni Officer Brendan Zeimet ang isang truck na nakapark sa maling gilig ng kalsada.

Nilapitan niya ang sasakyan, at napansin niyang may nakaupo sa loob.

Iyan si Aaron Scott,
Na isang oras lang ang nakalipas ay nakipaghiwalay sa kanyang girlfriend.

Bukod sa pagiging brokenhearted,
Ay may seryosong firepower na dala itong si Scott: isang 308 deer rifle, isang shotgun, at handgun.
Bumaba siya sa sasakyan, hawak ang isang SKS assault rifle.

Nagpaputok ng labing-siyam na beses si Scott kay Officer Zeimet.

Natamaan ang officer ng isang bala sa braso, habang binabaril niya ang suspect mula sa likod ng kanyang squad car.

Matapos ang shootout, ay bumalik si Scott sa kanyang pickup, at umalis -- tinamaan siya ng bala sa paa.

Hinabol ng pulis ang suspect sa Maquoketa, pero natakasan sila ni Scott, na nagpunta sa dirt road sa Clinton County.

Sa isang punto ay nawalan siya ng kontrol sa pickup, at natagpuan ng pulis ang sasakyan na nakabaligtad sa isang kalsada.

Naligtas sa car crash si Scott, pero nagpakamatay din ito sa pamamagitan ng pagbaril sa sarili niyang ulo.

Si Scott ay maraming beses nang naaresto; siya rin ay may mga mental health problems, at alcohol abuse issues. Pero hindi siya pinagbawalang magdala ng concealed firearm.

Ang dala niyang mga armas noong gabing iyon, ay one hundred percent na legal, sa ilalim ng gun laws sa Iowa.

Nailagay sa paid leave si Officer Zeimet, at inaasahang babalik sa active duty itong linggo.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended