Japanese official, naaresto matapos hipuan ang isang babae sa bus!

  • 9 years ago
Japanese official, naaresto matapos hipuan ang isang babae sa bus!


Japanese official, hinipuan ang isang babae, habang nakasakay sa bus!

Isang government official mula sa western Japan ang naaresto, matapos niyang ipasok ang tatlong daliri sa isang crack sa upuan ng public bus, para hipuan ang isang babae, noong isang linggo.

Ang suspect, ang 55-year-old na si Li-o Kouichirou, ay isang official sa Kobe. Napagsabihan siya ng driver ng bus, at siya ay naaresto.

Ang biktima, isang 46-year-old na child care worker, ay nakaupo sa harapan ng suspect sa bus.

Habang umaandar ang bus, may naramdaman ang babae sa kanyang likod

Pagtayo niya para tingnang mabuti ang upuan, nakita niyang nakasilip sa upuan ang tatlong naggagalaw na daliri!

Pinasok ng government official ang kanyang mga daliri sa upuan ng babae, para hipuan ang kanyang puwit!

Sinigawan siya ng biktima, at humingi ng paumanhin ang suspect, na naaresto ng pulis noong Miyerkules.

Ayon sa isang spokesman para sa prefecture kung saan nagtrabaho si Kouichirou, ang bastos na official ay on leave noong araw ng insidente. Hindi nalalaman kung siya ba ay natanggal na sa trabaho. Ang kanyang mga responsibilidad ay mga foreign investments at recruitment ng foreign nationals.



For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended