Nevada rancher Cliven Bundy, isa palang super racist!

  • 9 years ago
Nevada rancher Cliven Bundy, isa palang super racist!


Isang Nevada Rancher, nagsagawa ng isang nakakalokang anti-tax standoff!

Si Cliven Bundy ay isang Nevada Rancher na nakakuha ng bill para sa one million dollars, mula sa Bureau of Land Management, dahil dalawampung taon nang nakakakain ng libre ang kanyang mga baka. At dalawang linggo na siyang nasa isnag standoff, laban sa mga federal agents.

Nagsimula ang lahat, dahil dalawampung taon nang nakakakain ng libre ang kanyang mga baka, sa public land, tax-free.

Noong isang taon, inutusan siya ng US District Court of Nevada na ialis ang kanyang mga baka mula sa lupa.

Pero ayon kay Bundy, hindi niya nire-recognize ang federal government ng US, at nire-recognize niya lang ang constitution ng estado ng Nevada.

Kahit na ayon sa Article 1, Section 2 ng constitution ng Nevada ay nagsasabing ang mga mamamayan ng Nevada ay dapat na sumunod sa federal government.

Salamat sa theatlantic.com!

Noong April 5, sinimulang paalisin ng Bureau of Land Management ang mga baka ni Bundy, ayon s autos ng korte.

At si Bundy ay nagtawag ng tulong, mula sa mga self-styled militiamen na nanggaling sa iba't ibang sulok ng Estados Unidos.

Napaawat ang Bureau of Land Management, dahil ayaw nilang magsimulang magbarilan ang mga militiamen na ito.

Si Bundy ay biglang naituring na isang American folk-hero, at pinag-iinterview ng mga journalists at reporters.

Noong April 19, shinare ni Bundy sa New York Times ang kanyang opinyon tungkol sa mga African-Americans.

At ang kanyang mga dating supporters ay nagsitakbuhan at iniwasang masabit ang kanilang pangalan kay Bundy.

Ito, mga dear viewers, ang tinatawag na hillbilly soap opera!


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended