Java Juggs coffee stands sa Seattle, isa palang lugar ng prostitution!

  • 9 years ago
Mga Java Juggs coffee stands, nasita para sa prostitution!

Ni-raid ng mga pulis ang Java Juggs Drive-thru coffee shops malapit sa Everett, Washington, noong isang taon.

Inakusahan ng mga awtoridad ang may-ari na si Carmelo Panico, ng paggamit ng Java Juggs para sa pag-promote ng prostitution at money laundering, na kanyang pinagkakitaan ng 2 million dollars sa loob lamang ng tatlong taon.

Ang base price para sa isang basong java ay 6 dollars, pero ang talagang nagpapasok ng pera sa negosyo ay ang jugs.

May mga barista na kumita ng 30,000 dollars sa isang buwan, salamat sa mga cash tips na natanggap nila para sa kanilang mga strip show performances.

Ayon sa mga court documents, nag-hire si Panico ng mga babaeng may experience sa pagiging strippers o escorts…mga skills na nakabenta ng maraming basong kape, lalo na’t may kasabay itong D-cup na boobs!

May daily quota ang mga employado sa kung magkano ang dapat nilang ibigay kay Panico; ang sumobra ay maari nilang iuwi.

Nagbabawas ng sahod si Panico kapag tumangging magsuot ng high heels ang mga babae, o kung hindi sila nagpa-tan o nagpa-makeup.

Ayon sa mga pulis, nag-perform diumano ng mga sex acts ang mga barista para sa kanilang mga customers.

Kung napapatanong kayo kung sino ang magbabayad ng napakalaking halaga para sa kape at sex, tingnan niyo na lang ang Snohomish County Sheriff sergeant Darrell O’Neill --- isang 30-year veteran na naaresto, dahil nagbigay siya ng impormasyon kay Panico, kapalit ng lireng kape, at iba pa.

Si O’Neill ay nakasuhan ng promoting prostitution at official misconduct.

Para sa mga nakatira sa Seattle, at nakakaranas ng motorboat latte withdrawal…condolence po sa inyo.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended