Apat na tao, namatay sa sunog at explosion sa bahay ni tennis star James Blake!

  • 9 years ago
Apat na tao, namatay sa sunog at explosion sa bahay ni tennis star James Blake!

Apat na katawan, natagpuan sa nasunog na bahay ng tennis star na si James Blake.

Nadiskubre ng pulis ang mga patay na katawan sa loob ng bahay ng dating professional tennis player na si James Blake, noong Lunes.

Ayon sa isang spokesman para kay Blake, pina-upa ni Blake ang bahay sa Tampa, Florida, sa isang mag-asawa at dalawa nilang teenager na anak. Ang pamilya ay nakilala bilang sina Darrin Campbell, ang asawa niyang si Kim, at mga anak na si Colin, 19, at Megan, 16.

Ayon sa mga kapitbahay, nakarinig sila ng pagsabog bago nagkaroon ng sunog sa bahay.

Nag-report din sila ng mga pagpapaputok ng baril, pero ayon sa mga officials maaring ito ay mga bagay-bagay na sumabog dahil sa sunog.

Dumating sa bahay ang mga bumbero, alas sais ng umaga.

Pagkatapos, natagpuan ng mga officials ang mga lata ng petrol sa second floor ng bahay. Nakakita din sila ng mga paputok, pero hindi nalalaman kung anong klase.

Nakahanap ng at least tatlong patay na katawan sa loob ng bahay ang mga bumbero, at may mga report na nagsasbaing nahanap na rin ang ikaapat na katawan. Hindi pa nakukumpirma ng mga awtoridad kung ang mga ito ay katawan ng miyembro ng pamilyang Campbell.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended