Teacher, dinemanda ang school, dahil sa mga upskirt photos na kinuha ng mga estudyante!

  • 9 years ago
Teacher, dinemanda ang school, dahil sa mga upskirt photos na kinuha ng mga estudyante!


Biology teacher, dinemanda ang isang Catholic school, matapos siyang makunan ng mga upskirt photos ng mga estudyante!

Ang biology teacher na ito, sa California, ang dinedemanda ang isang elite, all-boys Catholic school, matapos niyang mahuling kinukunan siya ng mga upskirt photos ng mga estudyante.

Ang eskuwelahan ay Junipero Serra High School sa San Mateo, kung saan nasa 17,000 dollars ang tuition fee bawat taon.

Ayon kay Kimberly Bohnert, ang sagot lang ng administrasyon sa sexual harassment ay, "boys will be boys."

Ang eskuwelahan ay alma mater ng mga sports stars gaya ni Barry Bonds, Tom Brady at Lynn Swann.

Nagsimula ang harassment noong 2012, nang nakakita si Bohnert ng graffiti sa pader ng banyo, na nakakainsulto sa kanya.

Noong November 2012, nakita niya ang mga seksuwal at nakakabastos na mga tweet tingkol sa kanya, pero walang ginawa ang administrasyon.

Nabalitaan ni Bohnert ang isang contest ng mga estudyante, tungkol sa pagkuha ng mga upskirt na litrato ng mga teachers -- kung saan ang estudyanteng makakakuha ng pinakamaayos na litrato ang panalo.

Ayon kay Bohnert, ang pinakaimportanteng ebidensiya ay na-delete, nang nalaman ng administrasyon ang tungkol sa contest na ito.

Ayon sa eskuwelahan, nakipag-koopera naman sila sa pulis, at sinuspinde nila ang anim na estudyante, at nai-expel ang anim pang estudyante.

Pero kahit na may mga natanggal nang estudyante mula sa eskuwelahan, walang nakasuhan ng krimen, kahit na labag sa batas ang pagkuha ng mga upskirt photos.

Dapat bang idala sa kasong ito ang criminal charges? Mag-iwan ng inyong opinyon sa comments.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH