Teacher, 42, pinakasalan ang estudyante, 16, para makaiwas sa mga sex charges!

  • 9 years ago
Teacher, 42, pinakasalan ang estudyante, 16, para makaiwas sa mga sex charges!


Teacher, nagtangkang makaiwas sa mga sex charges, sa pamamagitan ng pag-asawa!

Ang 42-year-old na drama teacher na ito ay iniimbestigahan para sa pakikipag-sex niya sa isang 16-year-old na babaeng kanyang pinakasalan.

Ang teacher ay si Ilich Guardiola, at siya ay nagturo ng acting sa Houston Family Arts Center sa Texas.

Noong April 14, pinahinto siya ng pulis para sa isang routine traffic violation. Kasama niya sa kotse ang 16-year-old na babae.

Naghinala ang pulis, at kinausap ang babae, na umamin na siya ay in-love sa kanyang teacher.

Kinumpiska ng mga imbestigador ang telepono ng teacher, at natagpuan nila ang mensahe mula sa babae, na nagsasabing, "I love having sex with you."

Habang naghahanda ang mga pulis ng mga kasong isasampa laban sa kanya, dinala ni Guardiola ang babae sa Vegas, at sila ay ikinasal.

Pero para mapangasawa ang isang 16-year-old sa Nevada o Texas, kailangan mo ang pahintulot ng magulang ng teenager --- at oo, pumayag ang ina ng babae sa kanilang pagpapakasal!

Kaya ngayon, ay okay lang na makipag-sex si Guardiola sa kanyang teenager na asawa, at wala nang magagawa ang mga awtoridad.

Pero gusto pa rin nilang maaresto si Guardiola, para sa premarital sex na kanilang isinagawa, bago sila ikinasal.

Ang kasong ito ay parang ang kaso ng isang 16-year-old na babae, na pinakasalan ang kanyang acting teacher.

Remember Courtney Stodden at Doug Hutchinson? Dalawang taon lang ang lumipas, bago sila nag-divorce.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended