Rafael Concepcion

@rc_dnbcmusic
Si Rafael Concepcion na kilala bilang si RC ay isang rapper, songwriter, record producer at isang audio engineer. Sya din ang may ari ng independent record label na DNBC Music Productions na naka-base sa Gen. Mariano Alvarez Cavite, Philippines.

Nagsimulang sumulat si RC ng sarili nyang Rap noong siya ay labing dalawang taong gulang pa lamang (12 years old).

Nagkaroon narin ng appearance sa TV at nai-ere narin ang mga nagawang kanta ni RC sa ilang local radio stations tulad ng "Wave 89.1", "EnergyFM", "DZME 1530 khz" at iba pa.

Si RC ay hindi lang nakilala bilang isang rapper, nakilala din ito bilang isang beatmaker na naglalabas ng mga libreng beats online (DNBC Beats). Minsan nadin na mention si RC ng "Beatstars.com" sa Twitter dahil sa sales nito sa kanilang platform. Naimbitahan narin sya bilang "Guest Producer" ng radio talk show na "Jambongga sa Kinse Trenta w/ Jug HoneyLuv & Bebe Riz".