Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 2 days ago
- Panayam kay DOTr Sec. Vince Dizon kaugnay sa iba't ibang isyu sa transportasyon

- Abot sa 300 pamilya, apektado ng sunog sa Port Area

- 1,500 na pamilya, apektado ng sunog sa Brgy. 123, Tondo; sunog, nakataas pa rin sa Task Force Charlie | Ilang residente, tumutulong din sa pag-apula sa sunog sa Brgy. 123, Tondo | Ilang nasunugang residente sa Brgy. 123, Tondo, walang naisalbang gamit; nananawagan ng tulong | Residente sa Brgy. 123, Tondo, sugatan matapos tumalon mula sa bintana ng kaniyang bahay sa kasagsagan ng sunog

- Labi ni Pope Francis, nakatakdang ilipat sa St. Peter's Basilica ngayong araw; bukas sa publiko hanggang Biyernes | Prusisyon, isasagawa sa paglilipat ng labi ni Pope Francis sa St. Peter's Basilica | Funeral mass para kay Pope Francis, idaraos sa April 26

- Ilan sa mga nagsimba sa Baclaran Church, nagdasal at sinariwa ang mga alaala ni Pope Francis

- Base sa testament ni Pope Francis, ibinilin niyang gawing payak ang kaniyang kabaong at paglilibingan | Personal healthcare assistant ni Pope Francis, ikinuwento ang mga huling sandali ng Santo Papa | Mga kardinal, nagtipon-tipon na para sa First General Congregation

- Panayam kay Pablo Virgilio Cardinal David kaugnay sa botohan ng Papal Conclave at iba pang detalye sa burol ni Pope Francis

- Michael V, iginuhit si Pope Francis bilang pagbibigay-pugay

Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time).

For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita. For Kapuso abroad, subscribe to GMA Pinoy TV (http://www.gmapinoytv.com/) for GMA programs.
Transcript
00:00Thank you very much.
00:30Thank you very much.
01:00Thank you very much.
01:30Thank you very much.
02:00Thank you very much.
02:30Pagandayin natin yung public transport para ma-discourish yung ibang bumili pa ng mga bago sa sakyan at makadagdag sa traffic.
02:37Kasi mas mabigis naman po talaga yung mass transit.
02:40Dito pong Holy Week, nagsagawa kayo ng random drug testing sa mga bus driver, pati konduktor.
02:45Anong resulta? May mga nagpositibo po kasi. So, anong mga plano ng DOTA sa kanila?
02:49Opo, napakaganda po nung tanong nyo, Igan.
02:52Kasi, after this po, didiretso po ako ng LTO. May maglaki po kaming announcement.
02:57Ano po yung? Baka pwedeng mauna na.
02:58Opo. Yung mga nag-test po sa drugs, suspendido po kagad.
03:04Yung positibo.
03:05Yung positibo. Yung nag-positibo. Na-test na nag-positibo. Marami po ito. May hit isang daan.
03:12Opo, marami po talaga. At marami din mga isususpinde dahil dun sa reckless driving.
03:23Alam nyo, first time po in the history ng LTO na ganito kabigat na penalty ang i-impose natin sa ating mga driver.
03:31Lalo na po yung mga pro. Yung mga public utility drivers natin.
03:36Kasi, kapag ikaw ay pro, kapag ikaw ay nagkakarga ng pasahero, napakilaki po ng responsibilidad mo.
03:44Kasi, kargado mo ang buhay ng mga sinasakay mo.
03:47Kaya, hindi po tayo papayag na magbabiolate sila.
03:51At prebigayin yun po itong...
03:52Pag-suspension, ilang buwan na hindi sila makakahanap buhay?
03:55Mamaya po, i-announce po ni LTO chief.
03:57Kasi iba yung revocation eh, di ba?
03:58Medan po isususpend, pero mayroon din po i-re-revo.
04:02I-re-revo, hindi siya makakapagpanayo?
04:05May period po yan.
04:07Pwede nιang i-applia, pero kagaya nga na sinabi mo, Igan, napakahirap pong mawagan ng trabaho ngayon.
04:14At mahirap mawagan ng kabuhayan.
04:16Pero pasinsahan po tayo.
04:18Disiplina dapat.
04:19Disiplina po yan.
04:20Kagaya nga na sinabi ko, may kargado kang pasahero.
04:24Hindi ang buhay mo ang buhay ng ibang tao.
04:26O yung kumpanya naman ng bus sa sangkot sa Carambola, sa Enlex, Valenzuela, Kamakailan, bukod sa suspension, ano pa mga parusa nakaabang dyan, yung mga reckless driving.
04:36Opo, ongoing po yung proseso ng LTFRB. Pero habang may proseso, suspended po siga, hindi po siga makakabiyahe.
04:44Kasama na rin dito, nag-show cost order na rin kami sa 25 bus companies na nakita namin, nakita namin nag-ooperate ng mga hindi magandang terminal ng bus.
04:55Yung mga substandard na terminal na nakita po natin noong Holy Week, pina-show cost din po natin yan at pinapatawag po natin yung 25 bus companies na yan.
05:04Ito bang nagsulputang terminal sa EDSA, nagdudulot ng traffic, may review ba yan?
05:09Kasama po yan sa mga review natin.
05:11Ito, may isa pang malaking proyekto, kailan po matatapos ang MRT7?
05:14Ayan po, napakaganda. Nung kapon po, nagpirmahan na po ang San Miguel at ang Core Rail ng kanilang operations agreement.
05:25Ibig sabihin po, tutulong po ang Korea sa pagpapatakbo ng MRT7. Napakagandang balita po nito.
05:31At nag-witness po ang DOTR. At nagpapasalamat po tayo kay Mr. Ramon Ang at San Miguel.
05:37Kasi mukha pong magapit na pong matapos finally ang MRT7.
05:43At tingin ko po, kampanti po tayo na sa loob ng termino po ni Pangulong Bongbong Marcos.
05:49Tumatakbo na po ito.
05:49Tumatakbo na yan.
05:50Yung muling pagpapareview sa PUV Modernization Program,
05:54may posibilidad bang mabigyan ulit ng pangkisa, yung mga traditional jeepney natin?
05:58Hindi ko po masasabi yung detalyan.
06:00Pero kasama po sa...
06:01Nag-uusap na.
06:02O, kasama po sa gagawin ng review committee.
06:05E tignan kung paano po ba ibabalik naman natin yung mga nasaraduhan noong Abril noong nakaraang taon.
06:13Kasi nga, habang inaayos natin itong mga problema,
06:16na napakaraming problema, Igan, dito sa ating PUV Modernization,
06:21e baka naman may paraan para naman mabigyan ng opportunity na sumali pa rin
06:27ang mga nasaraduhan noong Abril dito sa PUV Modernization natin.
06:32Pero tuloy-tuloy pa rin po ang ating PUV Modernization.
06:35Pero kailangan nga natin talagang ayusin ang tama.
06:37Okay.
06:38Sana virus ka, mahawa yung ibang cabinet members sa kasipagan mo.
06:42Marami naman pong masisipag na mga kasama tayo.
06:44So, after na interview, diretso ka na LTO.
06:46Opo.
06:46Salamat dun sa iyong binigay na informasyon sa suspension ng license.
06:51At maraming salamat.
06:52DOTR Secretary Vince Dizon, ingat. God bless.
06:55God bless po.
07:00Samantala, balikan natin ang sunog sa Port Area sa Maynila
07:03kung saan nasa tatlong daang pamilya ang apektado.
07:07At naroon pa rin para sa unang balita live si Jomera Presto.
07:10Jomera.
07:16Ivan, narito ako sa bahagi ng Port Area sa Maynila
07:19kung saan nasunog ang nasa dalawandaang bahay kanina.
07:22Umabot sa Task Force Alpha ang sunog.
07:25Narito ang aking report.
07:25Ganito kalaking apoy ang inabutan ng mga bombero
07:31sa bahaging ito ng Port Area sa Maynila
07:34pasado alas 12 ng hating gabi kanina.
07:36Dahil pawang gawa sa light material sa mga bahay,
07:39mabilis na kumalat ang apoy.
07:41Hanggang sa inakyat ito sa Task Force Alpha.
07:44Hindi bababa sa 25 truck ang kailangang rumisponde.
07:47Karamihan sa mga residenteng nasunugan,
07:49wala halos na isalbang gamit.
07:51Tulad ng 45 years old na si Riza
07:53na natutulog na noong mga oras na magsimula ang sunog.
07:57Kwento niya, wala silang supply ng kuryente
07:59mula pa alas 2 ng hapon kahapon.
08:02Kababalik lang daw ng kuryente nila
08:04ilang minuto bago nagsimula ang sunog.
08:07Tapos bigla-bigla na lang po na
08:09nagsigawan na sila na may sunog na daw.
08:12Kaya ni gamit, wala po kaming naisalbang gamit.
08:16Sobra po, bigla-bigla lang po.
08:17Paglabas po, grabe na yung init.
08:19Kaya takbuhan kami.
08:21Kasama niyang lumikas ang ilang kaanak
08:23na pansamantalang tumutuloy sa kanyang bahay
08:25at papunta na ng Saudi Arabia sa katapusan ng Abril.
08:29Mabuti na lang daw at hindi na damay sa sunog
08:31ang kanilang mahalagang dokumento.
08:33Ang 18 years old naman na si Lalein
08:35nakatambay sa kanto ng sumiklabang apoy.
08:38Malaki, parang ano, parang iperno.
08:43Yung tabi-tabi ng bahay,
08:44dun daw nagsimula yung sunog, tapos lumaki.
08:47Habang ang karamihan ay abala sa paglikas,
08:49ang lalaking ito naman, sumasali si Rao sa mga bahay na walang tao
08:54ayon sa mga pulis na humuli sa kanya.
08:56Bibikyo, huwag ka magbibikyo.
08:58Kungulong lang po.
09:00May ilang residente rin umano ang binasag pa ang windshield ng firetruck na ito
09:04sa hindi pa malamang dahilan.
09:06Ayon sa Bureau of Fire Protection,
09:08naging pahirapan ang pag-apola sa sunog
09:10dahil sa mabababang kable na nakahambalang sa lugar.
09:14Gayun din ang kakulangan ng supply ng tubig
09:16kahit pa maraming bumbero ang rumesponde sa lugar.
09:19Ang ilang bumbero,
09:20kumuha ng supply ng tubig mula sa mga tubo sa lugar.
09:23Sa pagtaya ng BFP,
09:25aabot sa 200 bahay ang natupok ng apoy.
09:29Hirap po na i-control yung mga tao.
09:30At the same time, yung mga alis po natin,
09:33yung daanan po ng mga hos,
09:34is sobrang sisikip din po.
09:35300 families po ang affected.
09:37More or less, 1,000 individuals din po.
09:40Wala namang napaulat na nasaktan o namatay sa sunog.
09:43Patuloy na inaalam kung magkano ang halaga ng pinsala sa mga ari-arian
09:46at kung ano ang sanhi ng apoy.
09:54Ivan, as of 6.59 a.m. kanina,
09:56tuluyan ang naapola ang sunog dito sa bahagi ng port area.
10:00Pangunahing kailangan ng mga residenteng nasunugan dito
10:02ay malilinis na damit, mga underwear at mga hygiene kit.
10:06Live mula dito sa Maynila,
10:08ako po si Jomer Apresto para sa GMA Integrated News.
10:13Isang residente ang sugataan matapos tumalon mula sa bintana ng kanyang bahay
10:17sa kasagsagan ng sunog sa barangay 123 sa Tondo, Maynila.
10:21Live update tayo sa unang balita ni James Agustin.
10:24James.
10:29Ivan, inaimisigan pa ng BFP yung posibleng sanhi ng apoy na tumupok sa 500 bahay
10:34dito po yan sa barangay 123 sa Tondo, Maynila.
10:38Apektado ang aabot sa 1,500 pamilya base sa pagtataya ng BFP-NCR.
10:44At sa ngayon, Ivan, idineklara na yung fire under control bandang 7.09 a.m.
10:48Ginising ng malaking sunog ang mga residente ng barangay 123 sa Tondo, Maynila,
10:56mag-alas 2 sa madaling araw kanina.
10:59Sa laki ng apoy, itinasang Bureau of Fire Protection ang ikalimang alarma.
11:02Pumwesto ang mga fire trucks sa Melopes Boulevard.
11:05Ang ibang bombero umakit sa bubong ng mga bahay para malapit ang mga pagbuga ng tubig.
11:10Nagbayanihan din ang mga residente sa pag-igib ng tubig at pagsasayos sa mga firehose.
11:15Buwis buhay naman ang ilang residente sa pagkatanggal ng mga yero.
11:19Alas 13.30 na na madaling araw, ganito pa rin po kalaki yung apoy na tumutupok sa magkakadikit na bahay
11:24dito po sa residential area sa Tondo, Maynila.
11:27Gumapang pa po yung apoy dun pa sa ibang bahay.
11:29Kaya pahirapan ang operasyon ng Bureau of Fire Protection sa mga oras na ito.
11:34Matapos ang isa't kalahating oras, kinailangang itaas sa Task Force Charlie ang suno.
11:39Nasa sandaang fire truck ng BFP ang rumisponde, bukod pa sa mga fire volunteer group.
11:45Lalo pa kasing lumaki ang apoy at kumalat pa ito.
11:48Kanya-kanya nang salba ng mga gamit ang mga residente na sunugan.
11:51Si Gina ay ilang damit lang ang nadala dahil biglaan daw ang pangyayari.
11:55May sinigawan kasi yung may sunog daw.
11:59Nang ano kami doon, na tingnan namin kung ano ba, may sunog din.
12:04Alkamin, lumabas kami.
12:06Ito lang yung ano namin, ginalaw.
12:08Mahirap kasi walang nagtira.
12:11Ito lang yung nasalba namin, yung naggamit.
12:14Emosyonal naman si Rima Flor dahil wala siyang naisalba ni isang gamit.
12:17Mga anak ko, kasama ko, wala na rin nasalba.
12:24Kapit na lang sa Panginoon, wala na mangyayari.
12:26Ganun, nandyan na eh.
12:30Diglaan lang eh.
12:31Kinilang respondehan ng rescue team si Yuki na iniinda ang kanyang kaliwang paa na sumabit sa wire.
12:37Tumalon kasi siya mula sa bintana ng nasusunog na bahay para makaligtas.
12:41Kasama niya muntik matrap ang tatlong taong gulang niyang anak na si Sakura.
12:44Pagkabukas ko, nataranta na ako. Ang nakita ko nalang kulay pula. Tapos puro-usok na talaga.
12:50Kaya ang ginawa ko, kinuha ko na yung anak ko. Tapos pagkatanaw ko sa bintana, may nakita ko isang lalaki doon na nakatayo, sinigawang ko.
12:57Sabi ko, kuya, isaluhin mo anak ko.
12:59Tapos pagkasalo niya, ako po no choice na tumalim na rin po ako.
13:03Nananawagan ng tulong ang mga residente na naapektuhan.
13:05Lumalapit po kami sa inyo, sana tulungan niyo kami. Dito kami sa barangay 123 na sunugan.
13:10Samantala Ivan, sa mga oras na ito, hindi pa rin nadaraanan ang bahagi nitong northbound lane ng Mel Lopez Boulevard.
13:21Mula po yan doon sa kanto ng Moriono Street hanggang sa mga sumunod na kanto dahil nakapeso pa rin dito yung mga firetruck na rumisponde dito sa sunug.
13:29Yung mga residente naman po na naapektuhan dito sa sunug ay pansamantalang tumutuloy ngayon sa covert court ng barangay.
13:36Yan muna yung unang balita mula rito sa Tondo, Maynila.
13:38Ako po si James Agustin para sa GMA Integrated News.
13:42Nakatang na ilipat sa St. Peter's Basilica ang labi ni Poe Francis mula sa chapel ng Casa Santa Marta ngayong araw.
13:49Live mula sa Vatican City, hingi tayo ng update kay GMA Integrated News Tringer Pia Gonzalez-Abukay.
13:55Pia, anong oras ililipat yung labi ni Poe Francis sa St. Peter's Basilica?
14:01Ililipat bukas April 23, araw ng Merkules, umaga dito, alas 9 ng umaga, hapo na diyan sa Pilipinas.
14:12Mula sa Casa Santa Marta, ililipat ang labi sa St. Peter's Basilica.
14:19Ayon sa ulat ng Holy Seat Press, ang labi ay dadaan sa dalawang square sa loob ng Vatican City.
14:27Ito ay ang Casa Marta Square at ang Square of Roman Proto Martiri.
14:36Lalabas ang labi sa Ark of the Bells, papuntang St. Peter's Square,
14:43at papasok ito sa Basilica sa central doors nito.
14:50Sa loob naman ng St. Peter's Basilica ay magkakaroon ng pagdiriwang ng Banal na Bisa
14:56sa main altar ng Basilica.
15:00Ito yung altar of the confession kung saan karaniwang nagmimisa ang Santo Padre.
15:06At sa ilalim mismo ng altar na ito, ay nandun ang tomb ni St. Peter.
15:14May gagawin bang prosesyon sa paglilipat kay Pope Francis at yung mga pumupunta diyan?
15:21Pwede ba silang sumama doon sa prosesyon?
15:23Ang Basilica ay magbubukas ng alas 11 umaga dito, Italy time.
15:33Pero ang simula ng prosesyon, Italy time pa rin, is alas 9.
15:38So tulad ng aming iniisip, ang public viewing ay magsisimula sa alas 11 umaga
15:48at ito ay nangangahulugan na ang prosesyon ay most probably sa mga piling tao lamang nakalaan.
15:58At haba hinihintay yan, Pia, ano yung mga aktividad sa St. Peter's Basilica Square?
16:04Ano yung mga pwedeng gawin ng mga kababayan natin o yung mga taong pumupunta diyan?
16:09Susan, sa dami nang dumadating dito, maraming pumapasok pa rin sa loob,
16:14syempre ng St. Peter's Basilica at doon sila time team na nanalangin.
16:19At maraming kababayan natin mga Pilipino ang nandito mismo sa labas ng square
16:27at time team din na nagdadasal ng Santo Rosario.
16:30Alam natin lahat na malakas ang debosyon ng Santo Padre kay Mama Mary.
16:36Kaya ngayong gabing ito, kaninang alas 7.30 ng gabi dito sa Italia,
16:42talagang marami at talagang nagkalat yung mga kababayan natin.
16:47Nakakatuwang makita ang kanilang pakikiisa at pakikiramay,
16:54kasabay ng pakikiramay din sa mga panahon ito.
16:58May mga pumunta diyan, Pia, na para lang talaga makita
17:01at sa huling pagkakataon yung labi ni Santo Papa, ni Po Francis,
17:07mula dito sa Pilipinas.
17:08Marami, maraming marami din po at marami din tayong mga kababayang Pilipino
17:14na dapat sana ay nakabalik na, yung mga turistang kababayan natin Pilipino
17:18na dapat sana ay nakabalik na sa kanilang countries.
17:21Pero mas pinili nila na ipospo ng kanilang pagbalik sa kanilang bansa
17:27at kumaasa silang matunghayan.
17:30Kaya nga maraming nagtatanong kailan ba ang living,
17:34kailan ba ang funeral, kailan ba ang public viewing.
17:36Dahil talagang kahit pa ang kahilingan ng Santo Padre ay isang simpleng living lamang,
17:43sa katunayan hiling niya nadalihin siya sa St. Mary Major at doon siya ilibing.
17:49Hiling niya isang payak, walang palamuti at may isang inscription lamang,
17:55yung Franciscus.
17:56Pero kahit gano'ng kapakasimple yung kanyang gustong gawing living o funeral,
18:02talagang inaasahan ang napakaraming tao na nagmamahal sa kanya
18:07ang umaasang makasama sila sa paghatid na ito mula St. Peter's Basilica
18:16papuntang St. Mary Major sa Sabado.
18:20Wala pang detalye ukol doon at ang kanging detalye lamang na alam natin sa ngayon
18:26ay ang magaganap na public viewing bukas matapos ang misa.
18:31Maraming salamat, GMA Integrated News Stringer sa Vatican, Pia Gonzales-Abukay.
18:39Maraming salamat, Kapuso Susan.
18:41Araw ng Merkulis, Baclaran Day.
18:43Ilan sa mga debotong nagsimba ngayong umaga ay nananalangin para sa pumanaw na si Pope Francis.
18:49Live mula sa Paranaque, may unang balita, Bam Alegre.
18:52Susan, good morning. Matayim-tim na nagdasal yung mga magaganagpunta ng Baclaran Church ngayong Merkulis.
19:02Karamihan, nagluluksa sa pagpanaw ni Pope Francis.
19:10Bago pa man ang unang misa kaninang 5.30am, marami na ang nasa National Shrine for Mother of Perpetual Health ngayong Merkulis, Baclaran Day.
19:17Sa kaniga nilang tahimik na paraan, inalala nila at pinagdarasalong namayapang si Pope Francis.
19:21Si Jaime Soner, nakakakuha ng inspirasyon sa pinanggalingan ni Papa Francisco na isa lang ding pangkaraniwang tao.
19:28Unang-una, tinignan ko yung kanyang biography talaga.
19:33Nagmula siya sa isang pangkaraniwan lang na ano.
19:36Sabi nga, naging bouncer pa siya sa isang club, parang gano'n na.
19:42Baga sa ano eh, ang pinanggalingan niya talaga ay isang pangkaraniwang tao lang.
19:47Yung napakalungkot, mawala ng isang santo papa na kinikilala namin namumuno bilang isang katolito.
19:59Ang nagtitinda naman ng puto na si Annaline Hudilla, may galak sa kanyang puso dahil personal niya nakita si Pope Francis
20:05na bumisita siya sa Maynila noong 2015, isang dekada na nakakaraan.
20:09Si Pia Santos naman na-inspire kay Pope Francis na nagkaroon pa ng public appearance noong Easter Sunday, isang araw, bago siya sumakabilang buhay.
20:29Tagus pa rin sa puso yung makita mo siya na kahit nahirap nahirap na siya, pero nagawa pa rin niyang kahit ilang words na makapagsalita para sa lahat.
20:39Malungkot dahil isa sa mga nirerespeto po natin sa buong mundo, hindi lang po sa bansang Roma, ang pagpanaw po ng santo papa po natin.
20:50So saan ngayong Baclaran Day, dalawa ang misa ngayong umaga, isang 5.30am na patuloy sa ngayon at mamayang 7.45am.
21:02Ito ang unang balita mula rito sa Baclaran, Bama Legre, para sa GMA Integrating News.
21:07Dahil kwento ng personal healthcare assistant ni Pope Francis, ang mga huling sandali ng santo papa bago siya pumanaw.
21:13Dahil naman sa kanyang testament noong 2022 ang simpleng kabaong ni Pope Francis,
21:18pati ang lugar kung saan siya ililibing. May unang balita si Ian Cruz.
21:26Kung paanong payak ang buhay na ipinangaral ni Pope Francis noong nabubuhay pa siya,
21:31ganoon din ang kanyang pinagihimlayan ngayon sa Casa Marta sa Vatican kung saan siya nanirahan sa loob ng labin dalawang taon.
21:40Gawa sa kahoy ang kanyang kabaong, iba sa nakagawi ang tatlong kabaong na gawa sa cypress, lead at oak ng mga naunang santo papa.
21:51Dadalhin ang kanyang labi sa St. Peter's Basilica para sa huling pagkakataon,
21:55makapagpaalam ang publiko sa 88 anyos na pinuno ng simbahang katolika.
22:01Sa habili ni Pope Francis na isinulat niya noong June 2022 at inilabas ng Vatican,
22:08nais niyang mailibing sa Papal Basilica of St. Mary Major kung saan nagdarasal siya bago at pagkatapos ng bawat apostolic journey.
22:18Payak lang daw dapat ang kanyang puntod na kabaon sa lupa at ang tanging nakalagay ng mga kataga, Franciscus.
22:26Ang gasto sa kanyang pagpapalibing, magmumula raw sa isang benefactor na di niya inangalanan.
22:33At ang kanyang paghihirap sa huling bahagi ng kanyang buhay,
22:37iniaalay raw niya sa Diyos sa kapayapaan ng mundo at kapatiran ng sangkatauhan.
22:42Ayon sa Vatican, 7.35 a.m. April 21, namatay ang Santo Papa.
22:49Ang cause of death, stroke, coma at irreversible cardiovascular collapse.
22:55Inindaraw niya ang dating insidente na acute respiratory failure
22:58dahil sa double pneumonia, multiple bronchi-ecstasis, arterial hypertension at type 2 diabetes.
23:07Sa ulat ng Vatican News, ikinuwento ng kanyang personal healthcare assistant
23:11ang bahuling sandali niya kasama si Pope Francis.
23:14Kwento ni Massimiliano Srapetti.
23:17Nakasama rin ng Santo Papa sa 38 araw niyang pagkakonfine sa Gemelli Hospital sa Roma.
23:24Nag-alinlangan pa si Pope Francis kung kakayanin niyang mag-ikot sa St. Peter's Square noong Easter Sunday.
23:30Pero itinuloy pa rin niya ito.
23:33Pagod man, kontento raw si Pope Francis at nagpasalamat kay Srapetti
23:37dahil tinulungan daw siyang makabalik sa St. Peter's Square.
23:42Hapon ng linggo, nagpahinga raw si Pope Francis at naghaponan.
23:46Madalas 5.30 ng umaga kinabukasan, unang lumabas ang inisyal na senyales ng karamdaman.
23:52Matapos daw ang isang oras, tila nagpaalam daw si Pope Francis kay Srapetti
23:57habang nakaratay sa kanyang apartment sa Casa Santa Marta.
24:01Doon na raw na koma si Pope Francis.
24:04Ayon sa mga kasama niya, noong mga huling sandali,
24:07hindi raw nahirapan ang Santo Papa at mabilis ang mga pangyayari.
24:12Nagtipon-tipon na rin ang mga cardinal sa Vatican para sa First General Congregation
24:17para talakayin ang mga gagawin ngayong panahon na sede vacante o walang nakaupong Santo Papa.
24:25Alas 10 ng umaga ng April 26, oras sa Vatican,
24:28inaraos ang funeral mass para kay Pope Francis
24:32na pangungunahan ng Dean ng College of Cardinals na si Cardinal Giovanni Battistare.
24:39Pagkatapos ang misa, sisimulan ang Novem Diales, osyam na araw ng pagluluksa.
24:46Mula sa St. Peter's Basilica,
24:49tadalhin ang labi ni Pope Francis sa Basilica of St. Mary Major para ilibing.
24:54Ito ang unang balita, Ian Cruz para sa GMA Integrated News.
24:59Kabilang sa mga Cardinal Elector, naboboto para sa susunod na Santo Papa ang tatlong Pinoy.
25:08Isa sa kanila si Catholic Bishops Conference of the Philippines President, Pablo Virgilio Cardinal David.
25:15Cardinal David, magandang umaga po.
25:18Magandang umaga, Ian. Magandang umaga sa lahat ng mga tagapakinig.
25:21Kailan po kayo nakischedule pumunta ng Vatican, Cardinal?
25:25Ang bukas ng hapon, alis na ako, lilipad patungong Roma.
25:29May inanusyo na po ba sa mga Cardinal Elector kung kailan naman sisimulan yung PayPal Conclave?
25:35Bago yung PayPal Conclave, syempre yung funeral muna.
25:40Pag-ilipin sa ating mahal na Santo Papa na magaganap itong darating na Sabado.
25:47Yung nagbibilang tayo ng mga 15 to 20 days pagkatapos pagkamatay ng Santo Papa para masimulan ang Conclave.
25:56Siyempre, nagbabago yun depende sa availability ng mga Cardinal Electors na magagaling sa iba't ibang sulok ng naigdig.
26:04At man tayo nakakasigurado na lahat ng mga Cardinal Electors ay makakarating.
26:11Pero, syempre, kailangan kasi ng two-thirds vote na magiging Santo Papa.
26:19Opo. Totoo ba na kayo parang ikukulong, hindi pwedeng lumabas sa loob ng Sistine Chapel?
26:27O, magandang description yun na ikukulong.
26:32Actually, the better word is mag-re-retreat.
26:36Retreat, okay.
26:37Yes, kasi ganoon ang election para sa Simbahang Katolika.
26:42Malayo-malayo sa kilala nating mga eleksyon na maingay, na maraming kumakandidato, at may mga tarpaulin, at mga ayuda, at kung ano-ano.
26:54Malanggan yan sa halalan ng Santo Papa.
27:00At ito ay isang retreat.
27:03Kasi ang mahalaga ay hindi yung malaman namin kung sino yung iboboto namin, kundi gusto ng Panginoon na piliin namin.
27:13So, we can't do that sa konteksto ng prayer and discernment.
27:17So, puro dasal, puro panalangin, puro gabay mula sa Panginoon.
27:20Yes, kaya siya tinawag, kaya sinasabi nila ikukulong kasi ang conclave,
27:26you know, ang ibig sabihin niyan, conclave, ang clave sa Espanyol ay susi.
27:33Parang papasok ka kami doon sa lugar kung saan magkahalalan.
27:40Pero isasara ang pinto.
27:42Ibig sabihin, walang ibang tao doon, kundi kami-kami lang talaga para makapagdasal.
27:50So, it has to be done really in the mood of prayer and discernment.
27:54Ito po ba, Cardinal, first time niyo po o dati na po kayong nakapag-participate po sa ganitong butohan ng Santo Papa?
28:03Hindi, first time ko.
28:04Ah, first time po.
28:05Si Cardinal Tagle, second time niya.
28:08O, nabangit si Cardinal Tagle.
28:10Isa po siya sa matunog na pangalan.
28:13Sa iba-ibang news organization, lagi siya binabagit na nasa listahan.
28:16Malaki po ba talaga ang chance ni Cardinal Tagle base po sa mga kriteria na kailang nakakaalam?
28:26Ganito yun, wala namang kandidato sa eleksyon ng Santo Papa.
28:32So, siyempre, hindi kami hihinto hanggang hindi kami makakukuha ng two-thirds vote.
28:40At so, kahit na sino sa mga cardinal, eligible na cardinal, ay pwedeng, pwedeng i-voto.
28:50So, madalas lang pag-usapan si Cardinal Tagle dahil very prominent siya, dahil nakikita siya madalas.
29:00But in general, medyo yung hindi mo inaasahan, yun yung pinipili ng Espiritu Santo.
29:07So, hindi natin alam.
29:11So, andun kasi siya sa Vatican and very visible siya.
29:16Sino ba yung mga visible doon?
29:18Siyempre, ang Secretary of State, ang Hed ng Propaganda Fide, yung Kamerlengo.
29:24Parang masyado bang obvious na yun yung common notion kasi ng mga prospective candidates.
29:33Yung mga tipong popular o nakikita, gano'n.
29:37Eh, hindi ganyan. Si Pope Francis nga, hindi man siya kilala eh.
29:41So, parang magugulat ka na lang. Bakit? Gano'n.
29:44So, ibig sabihin, talagang nagdasal at kinilatis na mabuti ng mga Cardinal Electors.
29:53Kung sino ba? Sino ba ang pwedeng gumabay ngayon?
29:59Sino kaya ang pwedeng tumayo bilang Pontifex Maximus, ang tawag sa title ng Santo Papa.
30:06Sumum Pontifex Maximus. Sa Tagalog, tagpagtayo ng mga tulay.
30:14Bridge builder. Greatest bridge builder.
30:18So, ibig sabihin, siya yung simbol ng unity, ng Universal Church.
30:23Pero hindi lang sa Universal Church nagiging instrumento siya ng unity, kundi sa buong daigdig.
30:29So, parang siyempre, malaki yung inaasahan ng bawat Cardinal Elector sa pwedeng maging papel.
30:40Kaya wala, nobody in his right mind, ika nga, nangangarap na malagay dyan sa pwesto tonight.
30:47Carl David, nagkaroon mo ba kayo ng personal experience kay Pope Francis?
30:51At ano ang talagang tumatak sa inyo?
30:53Ang, marami. Pero ang pinaka matindi, ang pinaka tumatak sa akin ay yung pagiging human niya, mapagbiro, yung ganon.
31:07Tapos yung, bukang bibig niya yung, don't take yourself too seriously, yung ganon.
31:13Yan nga yung sinabi niya nung nahalal akong maging Cardinal kasi shocked ako, siyempre.
31:18Parang, yun siguro pare-pareho yung tinatanong ng mga napipili at ginagawang Cardinal.
31:24Eh, siya pa naman, inalis niya yung advance notice kasi dati-dati, at least pinapaalam sa'yo.
31:32Ngayon, ia-announce na lang sa publiko, tapos magugulat ka na lang.
31:35Kaya, hindi ka talaga makapaniwala.
31:38Kaya, front ko nga siya, sabi ko, ba't naman kayo ganyan?
31:41Hindi man kayo nagpadala ng advance notice.
31:44Opo.
31:44Sabi niya, oh, don't take that thing too seriously.
31:47Ang sabi niya, take it with a divine humor.
31:51Ganyan siya, mapagbiro si Pope Francis.
31:56At yun ang matinding tumatak sa akin.
32:00Kasi nilalagay natin siya sa pedestal na parang napaka-taas-taas niya.
32:03Pero binababa niya yung sarili niya para maging napakalapit niya sa sino mang makakatagpo niya.
32:10Okay. Ay, maraming salamat si BCP President Pablo Virgilio Cardinal David.
32:15Ingat po kayo sa biyahe.
32:17Salamat. Bye-bye.
32:19May tribute si Comedy Genius Michael V. para kay Pope Francis.
32:25Inaalala ni Bitoy si Pope Francis sa pamamagitan ng pag-drawing sa mukha ng Santo Papa.
32:31Sinerya yan sa kanyang IG account.
32:33Kapuso, mauna ka sa mga balita.
32:37Panoorin ang unang balita sa unang hirit at iba pang award-winning newscasts sa youtube.com slash gmanews.
32:44I-click lang ang subscribe button.
32:46Sa mga kapuso abroad, maaaring kaming masumaybayan sa GMA Pinoy TV at www.gmanews.tv.
32:52www.gmanews.tv

Recommended