Alamin naman natin ang detalye ng conclave o eleksyon ng magiging kapalit ni Pope Francis sa report ni Mark Salazar.
State of the Nation is a nightly newscast anchored by Atom Araullo. It airs Mondays to Fridays at 11:05 PM (PHL Time) on GTV. For more videos from State of the Nation, visit http://www.gmanews.tv/stateofthenation.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream #BreakingNews
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
State of the Nation is a nightly newscast anchored by Atom Araullo. It airs Mondays to Fridays at 11:05 PM (PHL Time) on GTV. For more videos from State of the Nation, visit http://www.gmanews.tv/stateofthenation.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream #BreakingNews
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Category
🗞
NewsTranscript
00:00Alamin naman natin ang detalyan ng conclave o eleksyon na magiging kapalit ni Pope Francis sa report ni Mark Salazar.
00:09Tumatak sa mga katoliko ang mga katangian ni Pope Francis na mapagkumbaba at progresibo.
00:17Ang kanyang payak na pamumuhay at pananaw masisilayan maging sa kanyang burol at libing.
00:23Noong isang taon kasi, binago ni Pope Francis ang papal funeral rites.
00:27Kung karamihan sa mga naon ng Santo Papa nakalibing sa St. Peter's Basilica sa Vatican,
00:32si Pope Francis piniling mahimlay sa Basilica of St. Mary Major sa Roma.
00:38Para mapalapit sa paborito niyang icon ng Birhing Maria, ang Madonna,
00:42isa ito sa apat na major papal basilica o pinakamataas sa ranggo ng mga simbahan sa Katolisismo.
00:49Siya ang magiging unang Santo Papang ililibing sa labas ng Vatican matapos ang mahigit isang siglo.
00:55Hiniling din niyang malagak sa isang simpleng kabaong na gawa sa kahoy,
00:59hindi gaya sa mga nauna sa kanya na inilagay sa tatlong layer ng kabaong.
01:04Ayaw rin niyang i-display sa St. Peter's Basilica ang kanyang mga labi.
01:08Lunes ng gabi sa Roma o Martis ng Madaling Araw sa Pilipinas,
01:13pangungunahan ng Camerlengo na si Cardinal Kevin Farrell ang ritual ng Assertainment of Death.
01:19Dadalo ang Dean ng College of Cardinals at mga kaanak ni Pope Francis.
01:24Ilalagak ang kanyang labi sa Casa Santa Marta.
01:26Wala pang anunsyo ng Petsya ng Libing na karaniway apat hanggang anim na araw pagkamatay ng Santo Papa.
01:34Labing lima hanggang dalawampung araw mula sa pagpanaw sisimulan ang proseso ng conclave.
01:40Dito magtitipon-tipon ang mga Cardinal sa Sistine Chapel
01:43at hindi makakalabas para pagbutohan kung sino sa kanila ang hahaliling Santo Papa.
01:48Lahat ng mga Cardinal na wala pang edad walumpu maaaring bumoto sa pamamagitan ng secret ballot.
01:54Kailangang makamit ang botong hindi bababa sa two-thirds plus one.
01:59Sa dalawang nagdaang conclave, inabot ng dalawang araw ang botohan.
02:03Sinusunog ang mga paper ballot kada voting round.
02:06Kung walang nailukluk, itim na usok ang lalabas sa chimney ng Sistine Chapel.
02:11At kung meron na, lalabas ang usok na puti at pormal nang ipoproklama ang
02:16Abengus Papa
02:18Mark Salazar, nagbabalita para sa GMA Integrated News.