Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • today
-Lalaking nakasabit sa jeep, nanghablot ng cellphone ng isang pasahero; suspek, naaresto kalaunan






-PNP: "Case solved" na ang pagpatay kay Anson Tan at kanyang driver matapos maaresto ang 3 suspek sa krimen/Mga detalye ng pagdukot at pagpatay kay Tan at Pabillo, inilahad ng PNP batay sa mga kuha ng CCTV






-10 pang Pilipino na nasagip sa scam hub sa Cambodia, napauwi na sa Pilipinas






-Mga retailer ng bigas at karneng baboy na hindi sumusunod sa maximum SRP, pagpapaliwanagin ng Dept. of Agriculture






-Alden Richards, nagpa-block screening ng pelikulang "Samahan ng mga Makasalanan"






-Isa sa mga trail paakyat sa Mount Pinatubo, hinarangan ng ilang aeta






-DOH: 2 kaso ng MPox, naitala sa Davao City; isa sa mga pasyente, nasawi dahil sa non-MPox complication






-DepEd: Walang probisyon na nagbabawal sa pagsusuot ng toga sa graduation at moving up ceremony






-MPV Driver na nang-araro ng prusisyon noong Biyernes Santo, nakumpirmang nakainom ng alak


Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00.
00:00.
00:02.
00:06.
00:08.
00:10.
00:14.
00:24.
00:28.
00:29Case solved na kung ituring ng Philippine National Police ang pagdukot at pagpaslang
00:36sa negosyanteng si Anson Tan at kanyang driver matapos nilang maaresto ang tatlong sospek sa krimen.
00:43Balitang hatid ni Jonathan Andal.
00:47The intention really is to kill.
00:51Ngayong arestado na sina David Tan Liao, Ricardo Austria David at Raymar Catequista
00:56Ang tatlong sospek sa pagkidnap at pagpatay sa negosyanteng si Anson Tan at driver niyang si Armani Pabilio
01:02maituturing na itong case solved, sabi ni PNP Chief General Rommel Marbil sa press release na ipinadala ng PNP sa media.
01:10Hindi raw ito basta kidnap for ransom kundi kalkuladong kidnap for hire operation.
01:15Ganito ang nangyari batay sa pagsusunin ng PNP sa mga kuha ng CCTV.
01:18Sabado, March 29, nagpunta si Natan at Pabilio sa kainang van sa Barangay Langka sa 345 Marta Street
01:26sa Villacour Village sa Mecawayan, Bulacan.
01:293.37pm, nakunan na ang van ni Tan sa toll booth ng Enlex Tambubong exit pero si David na ang nagmamaneho.
01:377.46pm, nakunan siya ng CCTV sa isang convenience store na bumili ng wet wipes na posibli raw na pinampunas ng prints niya sa van.
01:47Sunod siyang nakunang naglalakad sa kalsada at inabandonan na ang van sa seminaryo road sa Barangay Bahay, Toro, Quezon City.
01:54Kinabukasan, March 30, may nag-tech sa pamilya ni Tan na nanghihingi ng ransom.
01:59Dito na sila nagsumbong sa PNP Anti-Kidnapping Group.
02:02April 8, natagpuan sa Quezon City ang abandonadong van ng biktima.
02:07Sa prehong araw, pinatay si Natan at Pabilio sa pinuntahan nilang bahay sa Bulacan, ayon sa PNP.
02:13Kinabukasan, natagpuan ang kanilang bangkay sa Barangay Macabud Rodriguez, Rizal.
02:19Na nakasilid sa nylon bag at balot ng duct tape ang muka.
02:23April 16, nakuha sa bahay sa Bulacan ng sapatos ni Tan, pati sapatos at sombrero ni Pabilio.
02:29May nakita ring nylon bag na katulad ng pinaglagyan sa mga bangkay sa Rizal at iba pang gamit.
02:34Ang mga sospek nakunan ng CCTV sa crime scene na bahay sa may kawayan ilang araw bago ang pagkidnap.
02:41Si Tan Yaw sumuko dahil sa takot.
02:43Natatakot po siya na maaaring ipapatay din po siya.
02:47At mayroon po siyang personal po na reason which we will later reveal po.
02:53May dalawa pa raw na ibang nakunan sa bahay sa Bulacan na itinuturing na principal at kasalukuyang tinutugis.
02:59Isa sa kanila babae na nakunan pa ng CCTV na sumakay sa van ni Tan noong pumunta ito sa naturang bahay sa Bulacan.
03:06Sabi ni PNP chief, kinokontrata si Liao ng mga sindikato para dukuti ng mga Chinese national na may utang sa kanila na may kaugnayan sa Pogo.
03:14Paraan niyang collection agency si Tan Liao pero madugo ang estilo ng kanyang paniningil.
03:19Sangkot daw si Tan Liao sa lima pang kaso ng kidnapping mula 2022 hanggang ngayong 2025.
03:25Pati po yung isang isa pong sasakyan din po diyan na nakita din po natin diyan po sa may Villacor Village ay siya rin pong ginamit doon po sa lima pong kidnapping case involving David Liao Tan po.
03:40Lima po yan na mga kaso po ang masusol po natin maliban po dito po sa kaso po ni Anson Tan.
03:46Ngayon sabi ni Marbil, nakatutok na sila sa mga financier.
03:49Ang aniya ay totoong kapangyarihan sa tinawag niyang blood for hire operations.
03:53Pero paglilino ni PNP chief, isolated case ito at walang talamak na kidnapping sa bansa.
03:59Nagpasalamat din ang pamilya ni Tan kay Pangulong Bongbong Marcos at sa mga opisyal ng PNP sa pag-aresto sa tatlong sospek.
04:06Jonathan Nandal, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
04:09Nagpasalamat din ang Federation of Filipino-Chinese Chambers of Commerce and Industry Incorporated sa pagkaka-aresto ng tatlong sospek sa pagkamatay ni Anson Tan at Armani Mabillo.
04:23Patuloy naman nilang hinihimok ang mga otoridad na matugis ang iba pang sangkot sa krimen, kabilang ang mga mastermind dito.
04:31Dapat din daw magsagawa ng mabusising investigasyon dito maging sa mga katulad na kaso.
04:36Napauli na sa Pilipinas ang sampupang Pinoy na nasagip mula sa Scamhub sa Cambodia.
04:43Ayon sa Department of Foreign Affairs na rescue at nadala sa Embahada ng Pilipinas sa Phnom Penh ang mga Pinoy sa tulong ng gobyerno ng Cambodia.
04:50Nakatanggap ng assistance mula sa DFA, Department of Migrant Workers, Overseas Workers' Welfare Administration at Interagency Council Against Trafficking ang mga nasagip na Pilipino.
05:01Muling pakiusap ng DFA sa mga Pinoy na naghahanap ng trabaho, mag-iingat at maging mapanuri sa mga alok sa social media ng mga trabaho abroad para huwag maging biktima ng human trafficking.
05:12Samantala, padadalhan na rao ng notice to explain ng Department of Agriculture ang mga retailer ng bigas at karneng baboy na hindi sumusunod sa itinakda nilang maximum suggested retail price.
05:30May ulot on the spot si Bernadette Reyes.
05:32Bernadette?
05:33Conny, sa ginawang monitoring ngayong araw ng Department of Agriculture dito sa Marikina Public Market, ay napansin nga nila na marami pa rin mga retailers ang hindi nakakasunod sa maximum SRP sa baboy maging sa bigas.
05:49Ayon sa Department of Agriculture, 20% o isa sa kada limang retailers pa lang ang nakakasunod sa maximum SRP sa baboy na P380 sa kada kilo ng liyempo habang P350 naman sa kada kilo ng kasim at pigi.
06:07Maging MSRP sa bigas, hindi na rin nakakasunod ng ilang retailers.
06:11Profiteering na rao ayon sa FDI kung higit na sa P230 pesos per kilo ang farm gate price ng baboy.
06:18Bumaba na rao kasi ang dollar kaya bumaba na ang presyo ng mga farm inputs.
06:22Hindi rin daw dapat kinakatwira na gusto ng mga nagtitinda na mabawi ang lugi nila noong kasagsagan ng ASF.
06:29Isa nga sa mga pinadalhanang notice na sinasabi niya ay bakit daw sila hindi bibili ng mas mura kung meron naman silang makukuna ng mas murang supply.
06:41Sa bigas naman, P45 pesos per kilo ang maximum SRP sa imported na bigas pero umaabot pa rin sa P49-P52 pesos kada kilo sa ilang retailers dito.
06:51Sabi ng ilang retailers, marami raw kasi silang gastos gaya ng bayad sa pwesto, mga trabahador, gasolina at tour.
06:58Connie, nakikipagtulungan naman ang Food Terminal Incorporated o FDI sa isang pribadong kumpanya para makapagbagsak ng supply ng baboy sa mas murang halaga para maibenta ito sa presyong pasok sa MSRP.
07:13Connie?
07:13Maraming salamat, Bernadette Reyes.
07:15Happy Monday mga maare!
07:23May pa-special block screening si Asia's multimedia star Alden Richards ng pelikulang samahan ng mga makasalanan.
07:31Present sa block screening ang ilang cast members ng pelikula na sina David Licauco, Betong Sumaya, Jay Ortega at Jade Texon.
07:40Present din sa special block screening si GMA Network's Senior Vice President at GMA Pictures President, Atty. Annette Gozon Valdez.
07:49Chika ni Alden hindi na bago para sa kanya ang mag-sponsor ng mga block screening.
07:54Maliit na paraan daw yun para suportahan ang kanyang mga kaibigan sa industriya.
07:59Showing na ang samahan ng mga makasalanan sa mga sinihan nationwide.
08:04This is just to show support and sana makakapulutan ito ng iba nating mga kasamaan sa industriya na let's support each other regardless of what we believe in or kung saan man tayong network.
08:20It just shows that he is a true friend.
08:23He is generous.
08:24I mean, obviously, for someone na mag-block screening na hindi naman niya pelikula, says a lot about his character and nothing but gratitude and I'm really thankful.
08:38Natutuwa ako dahil gustong-gusto ng mga nakapanood na yung pelikula.
08:42Ang pinaka-importante is na meron silang mau-uwing moral lessons pagkatapos sila panoorin yung movie.
08:52Yan ang hinaing ng isa sa mga katutubong Aita na noong ay nasa isa sa mga trail paakyat ng Mount Pinatubo.
09:10Batay sa kuhan ng isang hiker nitong Viernes Santo,
09:13hinarangan ang naturang daanan ng ilang Aita na kumihiling ng mas malaking parte sa tourism income.
09:18Dahil diyan, napilitan umanong bumalik ang mahigit 80 4x4 vehicles na sinakya ng mga hiker.
09:24Sinisikap ang kunin ng pahayag ng National Commission on Indigenous Peoples o NCIP.
09:29Kakausapin naman ng mga katutubo ng mga opisyalang barangay sa Kapastarlak kung saan nagsisimula ang trail.
09:35Dalawang kaso ng monkeypox o MPOX ang naitala ng Davao City Health Office.
09:47Sa pahayag po ng City Health Office, na admit ang dalawang pasyente sa isolation facility ng ospital na pinagdalhan sa kanila.
09:55Isa sa mga pasyente ang nasawi.
09:57Paglinaw ng DOH na matay ang pasyente dahil sa non-MPOX complication at hindi direktang dahil sa MPOX.
10:05CLADE 2 variant o yung mas mahinang variant ng MPOX ang tumama sa kanila.
10:12Patuloy po ang monitoring sa close contacts ng mga pasyente.
10:15Hinihikayat din ang publiko na manatiling kalmado at huwag magpanik.
10:20Mahalagang sundin ang health protocols upang maiwasan ang MPOX infection.
10:24Kabilang po diyan ang paglimita sa skin-to-skin contact at palaging paghugas ng kamay.
10:30Ito ang GMA Regional TV News.
10:39May init na balita mula sa Visayas at Mindanao hatid ng GMA Regional TV.
10:44Nag-viral ang graduation ceremony ng isang paralan sa lawaan ang tike kung saan pinatanggal ng prinsipalang suot na toga ng mga estudyante.
10:53Cecil, ano ang sabi ng Department of Education tungkol diyan?
10:55Raffi nilinaw ng DepEd na hindi naman daw bawal ang pagsusuot ng toga sa mga graduation at moving up ceremony.
11:06Hinihintay pa raw ng DepEd ang incident report ng mga sangkot habang nagpapatuloy ang kanilang investigasyon.
11:12Batay naman sa inisyal na impormasyon mula sa Schools Division of Antique,
11:16posible na hindi na isapinal ang kasunduan ng mga magulang at guro na school uniform at sablay o sash na lang ang suot ng mga mag-aaral.
11:26Base raw sa pahayag ng prinsipal sa SDO Antique, sumusunod lang siya sa pulisya ng DepEd na gawing simple ang sirimonya.
11:34Ayon sa DepEd, opsyonal ang paggamit ng toga o sablay. Sinusubukan pa ng GMA Integrated News na kunin ang panig ng prinsipal.
11:45Positibong nakainom ng alak ang driver ng MTV na nangararo ng prosesyon sa Bacolod City noong Biernes Santo.
11:53Nakumpirma ito ng pulisya matapos sumailalim sa alcohol test ang driver na isang Indian National.
11:59Tatlo ang nasawi na pawang mga sakay ng isang tricycle na nakasunod noon sa prosesyon.
12:05Labintatlo naman ang sugatan.
12:08Ayon sa pulisya, mabilis ang takbo ng MPV nang mabanggan ito ang tricycle, isang police car at ang mismog prosesyon.
12:16Humingi na ang driver ng tawad sa pamilya ng mga biktima at sinabing hindi niya ito sinasadya.
12:23Mahaharap siya sa patong-patong na reklamo.
12:29Mahaharap siya sa patong-patong na reklamo.

Recommended