Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • today
Narito ang mga balitang ating tinutukan ngayong Linggo, April 20, 2025:


-Mailap na suspek sa illegal recruitment, naaresto sa simbahan sa Bulacan
-Buhos ng mga motorista pabalik ng Metro Manila, ramdam na sa SLEX
-Trapiko sa NLEX, unti-unti nang bumibigat dahil sa mga motoristang galing Norte
-PITX, puno ng mga galing probinsiya at mga luluwas pa lang
-Mga Aeta, hinarangan umano ang trail paakyat sa Bulkang Pinatubo
-Bus terminal sa Dagupan, dinagsa ng mga pabalik ng Metro Manila; mga bus pa-Maynila, tuloy-tuloy ang biyahe
-Easter Salubong sa Baguio Cathedral, dinayo ng mga katoliko
-Kotse ng anak ng isang DJ, ninakawan ng riding-in-tandem
-Ilang bakasyunista, dagsa pa rin sa beach destinations sa Boracay at Iloilo
-Batangas port, dinagsa na ng mga pasaherong pauwi gaya ng mga galing sa Puerto Galera
-PNP: 31 drowning incidents ang naitala nitong Semana Santa
-Senatorial candidates, itinuloy ang paglalatag ng plataporma at adbokasiya ngayong tapos na ang campaign break
-4 na kandidatong nangampanya umano sa Socmed noong Huwebes at Biyernes Santo kahit bawal, iimbestigahan ng COMELEC
-PBBM, "Call to action" ang mensahe sa Linggo ng Pagkabuhay
-Pinay Beauty Queen Alexie Brooks, kinoronahang Miss Eco International 2025
-Noranians, katrabaho, pamilya, at kaibigan, inalala ang makulay na buhay at karera ni Nora Aunor
-Lechon Cebu, pinipilahan at paboritong pagsaluhan sa Larawan Beach
-Commercial-residential bldg. sa Sta. Cruz, Maynila, natupok; residente, sugatan
-BTS Jin, surprise guest sa concert ng Coldplay sa Seoul
-Lawasan River sa Bulacan, dinarayo ng mga gustong magbakasyon na malapit lang sa Metro Manila 

24 Oras Weekend is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Ivan Mayrina and Pia Arcangel. It airs on GMA-7, Saturdays and Sundays at 5:30 PM (PHL Time). For more videos from 24 Oras Weekend, visit  http://www.gmanews.tv/24orasweekend.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews


GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00For more information, visit www.fema.org
01:30Sa simbahan, nakatotok si Marisol Abduraman, Exclusive.
02:00During the process, wala pong babayaran ang ating mga victim ma'am sa processing.
02:05At the same time, babanggitin po na wala po silang gagawin kundi maging server or mga waitress lamang po sa restaurant or sa mga bar po sa Malaysia.
02:14Pero laking gulat daw ng mga nirekrut dahil pagdating ng Malaysia,
02:18Bukod po sa wala po silang working visa, ang mga biktima po natin ay ginagawa pong mga prostitutes.
02:23Naipupusik daw ang mga babae sa pamamagitan ng back door.
02:28Mula Bulacan, ebebiyahe sila pampuntang Naiya sa kasasakay ng eroplano papuntang Palawan.
02:34Pagdating po ng Palawan, may susundu daw po sa kanilang mga van at dadalhin po sila sa Brooks Point.
02:41Then from Brooks Point ma'am, sasakay po sila ng speedboat papunta naman po sa Balabak Island, Palawan.
02:47Then from there, yun na po, another speedboat po, lilipat po sila, saka na po sila dadalhin ma'am sa Kudat, Malaysia.
02:54Doon na raw sila susunduin ng mga kasamahan na akusado, saka pinagtatrabaho sa mga bar bilang mga prostitute.
03:01Pero hindi pa rito natatapos ang kalbaryo ng mga biktima.
03:05Hinuhuli po sila ngayon sa mga pinagtatrabahoan po nilang bar dahil wala pong kaukulang papeles.
03:11Ayon sa Balagtas Police, napakailap ng babaeng kanilang target.
03:15Kaya kahit sa simbahan, hindi na pinalagpas ng mga otoridad ang pag-aresto sa kanya.
03:20Nadami lang po talaga ako dyan, ma'am.
03:23Hinahanap pa ang kanyang mga kasamahan na wanted din sa mga nasabing kaso.
03:28Sana po maging masyado po tayong vigilant sa nakakausap at pinagkakatiwalaan po natin.
03:35Para sa GMA Integrated News, Marisol Abduraman, Nakatuto, 24 Oras.
03:42Ramdam na po ang buhos ng mga motorista pabalik ng Metro Manila matapos ang Semana Santa.
03:56At ang sitwasyon sa South Luzon Expressway, tinutukan na ni Von Aquino.
04:02Von?
04:03Pia nagsimula ng dumagsa rito sa South Luzon Expressway o SLEX,
04:11yung mga motorista ang pauwinan ng Metro Manila ngayong linggo ng pagkabuhay.
04:15Sa monitoring ng South Luzon Expressway Traffic Management Control,
04:23Pasadola 7 ng umaga nang magsimulang tumaas ang volume na mga sasakyan sa SLEX Northbound
04:29dahil sa buhos ng mga palabas ng Star Tollway.
04:32Mag-alas 3 ng hapon, may bottleneck sa SLEX Northbound sa bahagi ng Santo Tomas
04:37dahil sa merging traffic ng mga galing Star Tollway at entry ng Santo Tomas Town proper.
04:43Paglagpas dito, banayad na ang trapiko.
04:46May mga motorista ang pinili ng bumiyahe ngayon pa uwi ng Metro Manila
04:49tulad ng Pamilya Yuzo na galing Batangas.
04:52So far, very smooth. Tsaka, ang ganda ng ride.
04:56Sa salubong naman sa mga mag-uuwian ang nakaambang taas presyo sa petrolyo sa darating na Martes.
05:03Ayon sa Oil Industry Sources, posibleng tumaas ng hanggang 1 peso and 20 centavos per liter ang diesel at gasolina.
05:10Kaya ang ilang motorista, magpapa-full tank na bago sumipa ang presyo.
05:15Malaking ano po yun, pahirap po yun sa mga motorista ang kagaya namin.
05:18It affects the budget of going out of town. Kasi medyo mahal eh.
05:32Pia na rito naman ang live na kuha ng trapiko dito sa SLEC.
05:36Sa mga oras na ito, bahagyang bumabagal na ang daloy ng trapiko sa northbound lane ng SLEC, Santo Tomas.
05:42Ang volume ng mga sasakyan na dumaraan dyan ay mula sa Star Tollway o yung mga galing Batangas at pauwi ng Metro Manila.
05:49Samantala, mabilis naman ang daloy ng trapiko sa magkabilang lane ng Kalamba.
05:53At maluwag din po ang north at southbound lane ng Santa Rosa at Alabang.
05:58At yan ang latest mula rito sa SLEC's Traffic Monitoring Center. Balik sa Yupia.
06:02Maraming salamat, Bon Aquino.
06:07At ang mga pauwing biyahero galing naman sa norte, buhos na rin sa North Luzon Expressway.
06:13Silipin natin ang traffic sa NLEC sa live na pagtutok ni Jamie Santos.
06:18Jamie?
06:22Ivan, unti-unti na ang nararamdaman dito nga sa North Luzon Expressway.
06:26Ang pagbigat ng daloy ng trapiko pabalik ng Metro Manila ngayong hapon ng Easter Sunday.
06:32Kaninang umaga, light to moderate pa ang trapiko sa bahagi ng NLEC mula Marilaw hanggang Balintawak, southbound.
06:42Pero sa hapon, dumami na ang mga sasakyang pauwi ng Metro Manila.
06:46Sa monitoring kaninang hapon, mabigat na ang trapiko sa San Fernando bago makarating sa San Fernando Exit.
06:53Gayun din mula Santa Rita hanggang Bukawetol Plaza.
06:55Ayon sa pamunuan ng NLEC, kahapon ang dagsa ng mga motorista at inaasahan nilang magpapatuloy ito ngayong gabi hanggang bukas ng umaga.
07:04Naka-apekto rin sa trapiko ang grass fire sa bahagi ng Mexico-Pampanga at road crash sa southbound sa Maykawayan.
07:11Ngayong hapon, binuksan na ang counterflow lane mula Bukawet hanggang Balintawak.
07:16May binuksan ding mga zipper lane para mapaluwag ang traffic.
07:19Ayon sa NLEC, maliban sa bus accident itong Merkulis Santo ng gabi, wala namang naitalang major accident ngayong Semana Santa.
07:28Ang tansya rin ng NLEC, nadagdagan ng 10% mula sa daily average ang mga dumaang sasakyan sa NLEC ngayong bakasyon.
07:34For NLEC alone, around $35,000 per day yung increase po. And for SETEX is around $8,000 per day.
07:43Yung normal daily average po natin for NLEC is around $350,000 and for SETEX is $79,000.
07:51At matapos ang maikling pahinga, oil price hike naman ang haharapin ng mga motorista sa Martes.
07:57Maka-apekto ka po kami kasi ti-invest po ako eh. Mababawasan po yung kita namin.
08:02Baba naman nila. Opo. Para hindi kami mayarapan.
08:07Tuloy-tuloy pa rin daw ang pagbabantay ng mga tauhan ng NLEC sa mga bumabiyahe.
08:11Hanggang bukas ng alas-ais ng umaga ang kanilang libreng towing services sa mga Class 1 vehicles to the nearest exit.
08:21Ivan, paalala ng mga otoridad, iwasan ang pagbiyahe ng PAKRs at lanuhin ang kanilang biyahe.
08:27Ugaliin ding mag-check ang RFID load para iwas aberya sa kalsada.
08:32At yan ang latest mula rito sa North Luzon Expressway. Balik sa'yo, Ivan.
08:37Maraming salamat, Jamie Santos.
08:40Sa Paranaque Integrated Terminal Exchange, halo-halo ang dagsan ng mga pasahero.
08:45May mga nagbabalik Metro Manila at meron ding ngayon palang luluwas.
08:49At mula sa PITX, nakatutok live si Darlene Kai.
08:54Darlene?
08:54Pia Bacteriality na nga yung marami sa ating mga kapuso, ilang oras na lang.
09:01Kaya naman dagsan yung mga pasahero dito sa PITX.
09:03Yung iba sa kanila ay pauwi na galing bakasyon.
09:06Yung iba naman ngayon palang makakabiyahe dahil naubusan daw sila ng tiket noong nakaraang linggo.
09:12Pauwi na sa Bicol ang pamilya ni Emma matapos idaos ang mahal na araw sa kanyang anak sa Valenzuela.
09:21Maaga na siyang pumila sa PITX.
09:23Mahihira po ang haba ng pila.
09:25Nakahabol kami mga alas 5 ng hapon.
09:29Sa ilang bahagi ng PITX, nakatayo na ang mga pasahero dahil walang maupuan.
09:33Sabi ko, parang ang dami yata ngayon.
09:37Baha po walang wala ito dito eh.
09:39Kung ano ang available na schedule, wala tayong magagawa.
09:43Una nang sinabi ng pamunuan ng PITX na maaaring umabot sa dalawat kalahating milyon ng mga pasahero rito ngayong Semana Santa.
09:50Kaya naganda na sila sa sekuridad, karagdagang bus units at mga mismong pasilidad sa terminal.
09:55So kami naman dito, nakahanda naman tayo sa lahat.
09:58Kasi alam naman natin pag bawalik nila, ang inaayos naman natin ngayon dito yung facilities
10:02and then yung mga routes interconnecting dito sa Metro Manila.
10:06Sa Naiya, isang unattended baggage ang kinordunan sa isang bahagi ng departure area sa Terminal 3.
10:11Matapos maklear ng mga otoridad, dinala ito sa lost and found baggage ng airport para makuha ng may-ari.
10:17Mula umaga, abala na rin ang Naiya Terminal 3 sa rami ng mga pasaherong paalis at parating.
10:22Anong pakiramdamang na mabalikan sa bahagi?
10:28Masaya din naman kasi kailangan, pera po eh.
10:31Pinaghandaan din daw ng pamunuan ng Naiya ang dami ng mga pasahero na inaasahang mas mataas ng 14%
10:37kumpara sa Semana Santa noong isang taon.
10:40Ayon sa Nuna Ia Infra Corporation o NNIC,
10:43dinagdaga ng mga magmamando sa trapiko sa labas ng paliparan at mga mag-a-assist sa check-in counters.
10:49Gayon din ang immigration officers at passenger assistance desks.
10:52Pia, hanggang Wednesday, naka-heightened alert ang pamunuan ng PITX
11:01para sa mga magsisiuwi ang pasahero pagkatapos ng Semana Santa.
11:04Pagkatapos niya, naikakasan na rin daw agad yung mga paghahanda para naman sa Labor Day Exodus
11:09at sa mga uuwi sa darating na eleksyon.
11:12Yan ang latest mula rito sa Prañaque.
11:14Balik sa iyo, Pia.
11:15Maraming salamat, Darlene Kai.
11:19Pakuterno natin ang nasasabi ang ilang maaasahan namin yung insiety.
11:23Anong naminong ginagawa naman ng insiety?
11:26Walang ginagawa sa...
11:27Nakuha na ng isang hiker noong Bienes Santo ang pagharang-anila ng ilang aita sa isang trail paakyat ng Mount Pinatubok.
11:35Sabi ng hiker, dahil dito napilitang bumalik ang ilang 4x4 vehicle na sinakya ng mga hiker.
11:41Ayon sa kapitan ng barangay sa Capastarlac na may sakop sa bahagi ng trail, hindi na bago ang pangaharang ng mga aita.
11:47Dati na raw itong ginawa ng mga aita dahil gusto nilang mabigyan na mas malaking parte sa kita sa turismo roon.
11:54Ang trail ay nagsisimula sa Capastarlac at nagtatapos sa crater ng vulkan sa Botolan Zambales.
12:01Piniyak ng barangay-captain, nakakausapin nila ang leader ng mga katutubo.
12:07Pahirapan na ang pagsakay, pabalik ng Metro Manila sa ilang bus terminal sa norte.
12:11At mula sa Tarlac, Pangasinan, La Union, Expressway o T-Plex, nakatutok live si Jasmine Gabriel Galvan ng GMA Regional TV.
12:20Jasmine?
12:23Ivan, bandang tanghali ng maranasan yung build-up o yung volume ng mga sasakiyang papasok sa T-Plex pabalik ng Metro Manila.
12:31Karamihan sa mga sasakiyan galing sa Baguio City at maging sa May Ilocos Region.
12:35Samantala, sa probinasyon naman ng Pangasinan, dagsana yung mga pasahero sa mga bus terminal.
12:41Maaga nang dinagsana mga pasahero ang mga bus terminal sa Dagupan City ngayong Easter Sunday para di na mahirap ang sumakay.
12:51Pamay nila ang karamihan matapos ang ilang araw na bakasyon.
12:54Mahirap pabalik, papuntang trabaho kasi maraming pasaheros.
13:00Sabay-sabay?
13:01Oo, sabay-sabay.
13:02Hanggang ngayon, wala pa akong bus na masakyan. Paaga pa naman akong pumunta dito. Baka sakaling makaasakay din ang maaga.
13:12Ayon sa pamunuan ng mga bus terminal sa Dagupan City, tuloy-tuloy ang biyahe ng mga bus na Pamaynila.
13:18Hindi na ipinapatupad ang 30-minute trip interval. Agad ding umaalis sa mga bus kapag puno na.
13:23Meron ding ibang extra bus na lumalargan na kahit di papuno.
13:27Nagsasakay na lang sila ng mga pasahero sa mga madaraan ng bayan.
13:30Hanggang mamayang gabi, inaasahan ang nagsapan ng mga pasahero.
13:34May mga motorist assistance center pa rin para umalalay sa mga motorista.
13:39Sa Valer Aurora, ilang oras naghintay sa bus ang maraming pasahero na Pamaynila at Panueva Ecija.
13:45Karamihan din sa mga terminal na may biyaheng Pamaynila, fully booked na.
13:49Ivan, sa mga oras nga na ito ay mas kumapal pa yung volume ng mga sasakyan na papasok sa May Tiplex.
13:59Partikular, dito nga sa aming kinaroonan sa May Rosario La Union.
14:03Actually, mas makapal yung volume ng mga sasakyan ngayon kumpara kaninang umaga at maging nung tanghali.
14:08At inaasahan daw na mas kakapal pa yung volume ng mga sasakyan hanggang bukas ng madaling araw.
14:14Ivana?
14:15Maraming salamat, Jasmine Gabriel Galvan ng GMA Regional TV.
14:21Kung meron pong last-minute shopping sa Baguio, meron ding last-minute side-tripping sa mga lugar na patok sa mga turista.
14:29At inabagan din sa City of Pines ang pagdiriwang ng Easter sa Lubong.
14:33Nakatutok dun lahat si Maag Gonzalez.
14:37Maag?
14:39Pia, maagang gumising yung mga nandito sa Baguio City para sa Easter sa Lubong kanina.
14:43Marami rin ng mga nag-last-minute pasyal bago umuwi.
14:5017 degrees Celsius kaninang alas 5 ng madaling araw sa Baguio City.
14:55Malamig ang simoy ng hangin sa Baguio Cathedral habang nag-aabang ang mga tao para sa Easter sa Lubong.
15:00Maaga, ito ni mga four para may pwesto.
15:05Tapos, ma-feel yung ambience ng joy that soon God will rise.
15:14Mag gusto ko kasama yung family na nagsa-celebrate kami ng Thanksgiving.
15:21May hiwalay na prosesyon ang imahe ng Jesucristo at ng nakabelong inang Maria.
15:29Nagsalubong sila sa Baguio Cathedral.
15:37May pagtatanghal ang ilang batang nakabihis anghel.
15:41Sa Bukang Liwayway, nagsimula ang misa.
15:44Bisita iglesia kami from manawag to vegan.
15:52Dito na kami nagunabot ng salubong.
15:54Paggunita natin siya ng paghihirap ng Diyos.
15:58Lenten season po yung.
15:59Kaya ito na yung huling part.
16:01Reason na siya.
16:02The Lord has risen.
16:03Dahil huling araw na ng long weekend,
16:05sinulit na ng ilang turista sa Baguio ang pamamasyal tulad sa Dragon Treasure Castle.
16:10Ang akala po namin eh, ano, kakaunti ang tao.
16:15Kasi ang akala namin nasa beach, gano'n eh.
16:18Tsaka po kasi sa baba, mainit.
16:21Dito po kasi, malamig.
16:23Maraming backdrop worthy rito.
16:25Gaya ng Dragon Eggs, mga tore at castle moat.
16:29Pwede rin sumakay sa kabayo.
16:31Maganda po siya in your life.
16:34Kahit po din sa TikTok, maganda din po siya.
16:36Iba pala din pag-persona.
16:38So, yun po.
16:39Ang ganda din, kaya under construction pa siya.
16:41Pero yung the rest dito sa baba, very instagramable po.
16:45Galing dito sa taas, may panoramic view ka ng Baguio dahil mataas na ito.
16:49At syempre, hindi kompleto ang photo ops natin kapag wala ang mga hiniram na kosyong
16:55para parang may sariling kastilyo.
16:59Bukas ang Dragon Treasure Castle mula alas 6 ng umaga hanggang alas 6 ng gabi.
17:03Pia, halos wala ng traffic dito sa Baguio City.
17:09Maluwag na rin yung mga tourist attractions dahil marami na ngang umuwi.
17:12Yan ang latest. Balik sa'yo, Pia.
17:15Maraming salamat, Mav Gonzalez.
17:18Huli ka po ang pagnanakaw ng riding in tandem sa isang kotse sa Maynila.
17:22Nabigtama ang kotse ang pag-aari na anak ng isang DJ.
17:25Nakatutok si Bernadette Reyes Exclusive.
17:28Nakuna ng CCTV na ito sa barangay 756, Santa Ana, Maynila
17:35ang riding in tandem na sinisipat ang loob ng isang kotse.
17:40Nang walang makitang tao, binasag ang salamin at unti-unting tinulak ang bintana.
17:45Ipinasok ng isang lalaki ang kalahati ng kanyang katawan sa loob ng sasakyan na tila may hinahanap.
17:51Lumambas ito pero muling bumalik at muling ipinasok ang katawan sa sasakyan.
17:56Doon na niya nakuha ang isang bag na naglalaman ng laptop, hard drive at perang nagkakahalaga ng limang libong piso.
18:04Ang sasakyan pagmamayari ng anak ng radio DJ na si John Gemperle o mas kilalang Papa Jackson.
18:10Parang pinalo nila ng something tapos tinutulak po nila parang di mag-create ng tunog.
18:16Inuga po nila muna tapos tinulak.
18:18Hindi po nag-trigger yung alarm.
18:20Sabi ni Papa Jackson, sandali lang niyang inilabas ang kotse dahil nililinis noon ang kanilang garahe.
18:26Kakalabas lang talaga ng kotse.
18:28Galgaling po ko na lamang yung magdamag eh.
18:30So walang tulog talaga.
18:31Yun lang.
18:32Na sobrang pagod siguro.
18:33Biktima rin ng basag kotse ang isa nilang kapitbahay na natangayan din daw ng isang laptop.
18:39Agad din namang naibalik ang laptop ni Gemperle.
18:42Mahigit 6 na kilometro ang layo nitong Antonio Rivera Street mula sa pinangyarihan ng basag kotse.
18:47Pero sa lugar na ito na-recover ang laptop ng biktima.
18:50Ah, isipan lang po ng daughter ko sabihin na, tignan mo sa find my iPhone.
18:56So nag-pin po yung location sa Antonio Rivera, street sa Rivera po.
18:59Tapos pinuntahan po namin yung lugar.
19:01Kami po magtatela, sinurevillance namin yung lugar.
19:04Nag-pin po doon.
19:05Tapos hinanap po namin yung pinakamalapis na police station sa lugar.
19:08Yung apat na policeman po ang tumulong sa amin.
19:10Nakita naman sa CCTV na doon iniwan.
19:12Tinakbo po ng police, nandun pa rin po yung laptop.
19:14Mensahe ni Gemperle sa mga sospek.
19:17I'm ready to file the case.
19:19I think we have to send them to jail for them to learn.
19:21Nagpa-blutter si Gemperle sa Manila Police District Station 9.
19:25Para sa GMA Integrated News, Bernadette Reyes nakatutok 24 oras.
19:32Dagsa pa rin ang mga bakasyonista sa mga patok na beach sa Boracay at Iloilo.
19:37Kala sa Boracay nakatutok live si John Salang ng GMA Regional TV.
19:42John.
19:42Ivan, marami na ang natapos ang kanilang long weekend sa isna ng Boracay at umuwi na.
19:49Pero marami pa rin talaga ang on the way pa lang sa Boracay para magbakasyon.
19:57May si Pangs na raw si na Mary Grace sa Boracay, kung saan sila nagbakasyon ng apat na araw.
20:03Yung kayak, island hopping, saka yung white sand at saka yung mga view.
20:08Kasi sobrang ganda ng view dito sa Boracay.
20:13Sina Dory, sinulit din daw ang activity sa isla.
20:17Na-experience namin ang kung ano ang wala sa lugar namin.
20:21Sina Carmina, sa April 23 pa uuwi at susulitin daw ang second time nila sa Boracay.
20:26Ang ganda po ng view, saka yung surroundings po dito nakaka-relax talaga.
20:34Kahit tapos ng long weekend, makikitang marami pa rin ang patawid pa lang sa Boracay.
20:39Pero meron na rin mga paalis ng isla.
20:42Nananatiling mahigpit ang pagbabantay sa siguridad sa isla, gayon din sa Kagbanjati Port.
20:47Bukod sa Boracay, dinarayo rin ng iba pang beaches sa Panay.
20:52Sa isang beach sa Oton, Iloilo.
20:55Enjoy sa pagtampisaw at pag-chill ngayong Easter Sunday ang mga pamilya.
20:59At magkakaibigang dumayo kahit patirik ang araw.
21:02Gaya ng pamilya Ladisla, na ito na raw ang nakagis ng paraan sa pag-celebrate ng Easter Sunday.
21:09Wait, isang dalagang halin. Sabay ba na dagat?
21:11No ka? Kalangoy.
21:12Nagpuruk. Pero kung nakalangoy.
21:14Sadya ay 100% kita na sa feeling.
21:18Todo bantay naman ang PCG, Iloilo at PNP para masigurong ligtas ang mga naliligo sa dagat.
21:24Ivan, kanina nga ay punong-puno pa rin na mga turistang beachfront area ng Boracay.
21:32Dito naman sa Katiklan, Jetty Port, ay patuloy pa rin ang pagbiyahe ng mga pump boat papunta ng isla ng Boracay.
21:39Kasi marami talaga ang ngayon palang magsisimula na kanilang bakasyon.
21:43Yan ang latest dito sa Malay Aklan. Balik sa inyo.
21:46Maraming salamat, John Sala ng GMA Regional TV.
21:49Matapos mag-party sa Puerto Galera, uwian ng ilang mga nagbakasyon doon nitong Semana Santa.
21:58Ang latest na sitwasyon sa Batangas Port, alamin sa pagtutukla ni Dano Tincunco.
22:04Dano?
22:09Iagaya nga ng inaasahan, halos sabay-sabay ang uwi ngayong araw ng mga bakasyonista.
22:14Ngayong panamang araw ng Linggo ng Pagkabuhay.
22:19Party kagabi, back to reality today.
22:25Ito ang mood sa Balatero Port sa Puerto Galera kung saan sabay-sabay nang nagsisiuwian ng mga nagbakasyon sa Puerto Galera nitong Semana Santa.
22:33Maayos naman ang sitwasyon, mahigpit ang siguridad, marami lang talagang tao.
22:37Hindi pa nga ito eh, as in, madami pa ito. May paparating pa.
22:42Mas maaga lang kaming kumuha ng tiket. Alam na kasi namin. Kumbaga ano na namin dito. Pabisado na namin yung pagtuha ng tiket.
22:52Sa dami ang ilang tinangkang umuwi kahapon, Sabado de Gloria, inabutan ng cut-off at muling susubok na makauwi ngayon.
22:59Ang araw pa namang iniiwasan nila.
23:01Medyo ubus na din po yung tiket.
23:03Sa Batangas, Port Ramdam, ang dami ng pasahero.
23:07Sa mga tiketing booths sa loob ng pantalan, may pila pa rin.
23:11Pero hindi tulad nung kasagsaga ng pagdating ng mga bakasyonista.
23:14Pero kung ang iba, pauwi na may ilan na magbabakasyon pala ngayong linggo ng pagkabuhay.
23:19Tulad ni Brenda na papuntang Odjongan galing malabor.
23:23Union po ng buong baryo nila, family.
23:26Tagal na po binalak talagang ganitong araw po kasi piyesta po eh.
23:29Piyesta po kasi bukas.
23:31Mas maluwag ngayon kaysa yung makikisabay kami nung Holy Week na uuwi.
23:38Maraming salamat, Danutin Kungco.
23:41Mahigit tatlongpong kaso ng pagkalunod ang nakitala ng PNP ngayong Semana Santa.
23:46Sa Quezon, isang binatilyong nalunod sa dagat matapos makapitan ng dikya.
23:51Nakatutok si Bernadette Reyes.
23:53Para mapawi ang init sa inflatable pool, nagpapalamig ang ilan ngayong Semana Santa Long Weekend.
24:03Gaya ng ilang bata sa Tondo, Manila na want to sawas sa paliligo dahil sa init ng panahon.
24:08Para po ano, walang gastos. May birthday din po kasi. Sobrang init po.
24:14Kagabi pa po yan naliligo, tas pag-isinang magaligo na naman po sila.
24:18Kung ang iba't yung bahay, may ilang sa beach o ilog nag Semana Santa.
24:23Pero may ilang naitala ng pagkalunod.
24:25Sa Tagkawayan, Quezon, patay ang 12 anyos na lalaki.
24:29Matapos malunod noong Huwebes.
24:31Then on arrival ang bata sa pagamutan.
24:34Base sa investigasyon, lumangoy ang biktima kasama ang mga pinsan at kaibigan.
24:38Tumalo ng biktima mula sa balsa pero hindi na raw siya lumutang.
24:42Wala na siyang malay ng masagip.
24:45Ayon sa maotoridad, nalunod ang bata matapos kapitan ng dikya.
24:49Sa Madela, Quirino, isang dalaking 12 anyos din ang muntik malunod.
24:54Ayon sa maotoridad, nangyari ito habang lumalangoy sa malalim na bahagi ng ilog ang bata.
25:00Nailigtas siya ng mga kaanak at naitakbo sa ospital.
25:03Sa kabawaan, nagkaroon po tayo ng 53 incidents po nationwide.
25:09Sama na po dyan yung 31 ground incident.
25:12Para sa GMA Integrated News, Brinadette Reyes, nakatutok 24 oras.
25:17Ngayon tapos na ang campaign break, itinuloy ng mga senatorial candidate
25:30ang paglalatag ng kanilang plataforma at adbukasya para sa eleksyon 2025.
25:36Nakatutok si Darlene Kay.
25:41Isinusulong ni Sen. Bonggo ang suporta sa mga manging isda.
25:45Nag-motorcade sa Northern Luzon si Atty. Raul Lambino.
25:52Transparency sa yaman ng public servants ang itutulak ni Ariel Kerubin.
25:56Kinumusta ni Sen. Francis Tolentino ang mga manininda sa Cagayan de Oro.
26:01Iginiit ni David D'Angelo na dapat wakasan na ang political dynasty.
26:05Patuloy naming silusundan ang kampanya ng mga tumatakbong senador sa eleksyon 2025.
26:11Para sa GMA Integrated News, Darlene Kay, nakatutok 24 oras.
26:16Iibisigahan ng Comelec ang apat na kandidatong nangampanya pa rin daw noong Webes at Biernes Santo kahit naka-campaign break.
26:24Ay kay Comelec Chairman Attorney George Irwin Garcia, nakatanggap sila ng mga sumbong mula sa mga netizen.
26:30Sa social media, ginawa ang pangampanya.
26:32Kaya pag-aaralan pa kung sakop ba ito ng batas na ginawa noong wala pang internet.
26:37Mag-iimbestiga rin ang Comelec kung may tuturing na vote-buying ang pamigay-umano ng kandidato at kampo ng mga kandidato ng ATM card sa Quezon City.
26:48Sa ngayon, mahigit isandaan na raw ang vote-buying cases na kanila raw a-aksyonan.
26:53Kahunday naman ang election parafernelia tulad ng ACM at ballot boxes na kumpleto na raw ng Comelec ang pamamahagi ng mga ito.
27:00Sa Martes, ipamamahagi ang mga balota sa iba't ibang bahagi ng bansa.
27:07Isang call to action ayon kay Pangulong Bongbong Marcos ang mensaheng paalala sa mga Pilipino ngayong Easter Sunday.
27:14Anya, ang muling pagkabuhay ni Jesus Cristo ay hindi lamang isang selebrasyon.
27:18Ito raw ay panawagan din sa lahat na makabangon sa kahirapan, mahabag at makabuo ng isang bansang may pagmamalasakyo.
27:30For the third time na sa Pilipinas ang korona ng Miss Echo International 2025.
27:40Angat ang wit and beauty ng pambato natin si Alexi Brooks na binigyang din ang importansya ng pangangalaga sa kalikasan.
27:47Winner din si Alexi sa National Costume Competition kung saan she no-case niya ang kanyang Philippine Eagle-inspired costume.
27:53Surreal moment raw ito for Alexi na inalay ang panalo sa kanyang late grandmother.
28:00Congratulations, Alexi!
28:04Patuloy ang pagdagsa ng mga tagahanga sa burol ni National Artist for Film and Broadcast Nora Unor.
28:10Mga taong lumaki, natuto at nangarap kasama ang kanyang mga pelikula.
28:14Pitpit ng ilang dumalaw sa burol ni Nora Unor, ang mga alaalang hindi na mauulit kasama ang superstar.
28:26Maging sa bituin ni Nora Unor sa Eastwood Walk of Fame, nagdaos ng DJIL ang mga noranyan.
28:32Walang himala! Ang himala ay nagkakuso ng tao!
28:39Batid ng kapwa national artist niyang si Ricky Lee kung bakit malapit sa puso ng mga Pinoy si Nora.
28:46Naging simbolo siya na nagbigay ng hope, pag-asa sa mga Pilipino, yung mga nasa baba, so cold, mga nasa gilid,
28:55na may pag-asa silang mangarap at pwedeng matupad, so yung pagkataon niya mismo ang kanyang naging pinakamahalagang kontribusyon.
29:03Ang pagluluksan ng Philippine showbiz, ramdam din sa mga itinuturing siyang haligi o salamin ang kanilang buhay.
29:12Bit-bit ko, mula nag-work ako bilang comedian, bit ko ang pangalang Nora Unor. At nagpapasalamat ako sa kanya.
29:21Si Kapuso Actress Jo Berry, naging malalim din daw ang ugnayan kay Nora dahil sa pinagsamahan nilang seryeng unanay.
29:30Yung pagiging mabait niya po sa lahat ng tao, literal po yun, kahit na sinong kausap niya, mabait po talaga siya.
29:37Ang anak niyang si Matet at kaibigan at long-time confident na si John Rendes, patuloy ang tapang sa gitna ng pagluluksa.
29:46We're gonna try to make her proud and be strong and keep our head up and look for the future, look for the best for the future.
29:57Essential na po kayo, I'm at a loss for words po.
29:59Malaking-malaking pasasalamat namin kay mami dahil kinuha niya kami para maging anak niya, maiparamdam niya sa amin yung pagmamahal niya.
30:07Umasa ako sa iyo pero wala kang ginawa.
30:09Inaayos na rin ang pagpapalabas ng huling obra ni Nora, ang 2022 film na Kontrabida na umani ng papuri sa mga international film festival.
30:21This can be a fitting tribute kasi ito yung film na kung saan makita mo si Ate Gai in her best form.
30:31Namahinga man ang superstar, hindi kailanman mamamahinga ang kanyang mga naging pamana sa ating kultura.
30:39Ikaw ang superstar, ang star ng buhay ko.
30:54Nakakatakam na lechon ang pinipilahan sa isang food park sa Talisay City sa Cebu.
30:59Sa dami ng mga customer, tanghali pa lang, nasa 30 lechon na ang naibenta.
31:04Perfect na baon yan. Sa outing, lalo't sa likod lang ng food park, ay ang magandang Larawan Beach.
31:10Kaya ang lechon by the beach, pato, lalo na ngayong Easter Sunday.
31:14Tuwang-tuwa naman ang ilang beachgoers na nakapag-swimming na nabusog pa sa lechon.
31:20Walong isabdisimento sa Longo Post City at isang gusali sa Santa Cruz, Maynila, natupok at nakatutok si John Consulta.
31:33Yung mga motor!
31:35Mabilis dinabalot ng usok at apoy ang tatlong panapag-gusaling ito sa Santa Cruz, Maynila, pasado alasyes kanilang umaga.
31:41Hala! Lord, pataasin niyo po yung hangin, Lord. Wala pa ito matawag ng bumbero.
31:49Iniligtas na isang bumbero ang isang residenteng 37 anyos na nagtamo ng first at second degree burns sa ulo at katawan.
31:56Second and third are residential po. Ang ground po ay commercial. Ito po yung tapsilugan at saka yung bakery.
32:03Sa initial po na investigasyon ng ating arson, investigators, ay tinitingnan po nila yung sa baba, doon po ang origin ng fire.
32:09Nasa 1.2 million more or less pang estimated damages.
32:13Kwento ng may-ari ng bakery si Grand Floor. Ginamit nila ang kanilang fire extinguisher sa kanapit na tapasinugan, pero di ito obobra.
32:20Bumalik ako sa loob, ginawa yung fire extinguisher po. Nagluto po, biglang lumiyab, tapos sa ibabaw may tri ng itlog.
32:26Umapoy po yun. Tapos yun sabay labas po, iiwan, iniwan po nila yung tindahan nila.
32:31Sumisilong muna ang mga nasunugan sa kanapit na barangay hall.
32:33Sa Barenzuela, may at maya pa rin ang pasok ng mga truck na bombero sa private warehouse na ito.
32:40Na umabot sa Task Force Alpha, kalarma ang sunog na sumikab nun Bernice at hindi pa rin tuluyang naapula.
32:46May usok pa kasi may meron pa rin talagang naiiwan yata na fire doon na malaliit.
32:51So yan, pupunta sa amin.
32:53Sana matutali ma-out na kasi especially may mga senior citizens around the area.
32:57Walong establishmento naman ang natupok ng apoy sa magsisay drive sa Olongapo City pasado alas 12.30 na tanghari.
33:06Ayon sa BFP, nagpahirap sa pag-apula ang malakas na hain.
33:10Magamat na control din ito ng alas 2 ng hapon.
33:13Wala pa namang ulat ng mga nasaktan o nasawi.
33:16Patuloy rin ang ibasikasyon sa sunog.
33:18Para sa GMA Integrated News, John Consulta, nakatutok 24 horas.
33:27Sinurpresa ni BTS member Gene ang fan sa isang special performance with Coldplay in Seoul.
33:36Nagdala ng sariling sign si Gene with the message na
33:39Pick me at can I sing Astronaut with you?
33:43Wish granted yan at kinanta ni Gene at Chris Martin ang single ni Gene na
33:47The Astronaut na co-written ng Coldplay.
33:50Pati ang BTS Coldplay collab song na My Universe.
33:54Muling nagsama on stage si Gene at ang Coldplay sa soul leg ng tour ng banda.
34:03Mga kapuso, gusto nyo bang i-beat ang heat ngayong tag-init?
34:07Pero ayaw na masyadong lumayo sa Metro Manila.
34:10About perfect sa inyo, ang dinarayong tampisawan sa Bulacan.
34:14Silipid niyan sa pagtutok ni Nico Wahe.
34:20Summer Getaway na malapit lang sa Metro Manila.
34:23Tara na, San Norosagiray, Bulacan.
34:27Nasa dalawang oras lang ang biyahe mula Quezon City.
34:34Isa sa mga dinarayo dito, ang Lawasan River.
34:38Dito raw nag-a-outing tuwing tag-init ang pamilya ni Roname na mula Balagtas, Bulacan.
34:43Ilog po, ilog. Kasi malinaw, mas malamig at tubig at walang bayad.
34:48Dito na rin daw nakulayan sa wakas ang drawing na gala ng barkadang ito mula Kaloocan.
34:53Mas natutuloy pagbiglaan.
34:55Sikat po kasi yung nurse agaray, kaya po dito namin na piling puntahan.
35:00Mapabata o matanda, sige lang sa tampisaw sa malinaw at malamig na tubig.
35:05Pero hindi rin papahuli ang mga fur baby.
35:07Sinama ko po yung mahal na malagong mga alaga kasi kawawa, sobrang init sa bahay.
35:12Dito sa Lawasan River, libre naman ng entrance.
35:15Pero pwede naman magrenta ng cottage na sa 400 to 500 pesos.
35:19Pero yung ibang pamilya, ang gusto ay nakababad dito sa ilog habang kumakain.
35:23Kaya ganito ang ginagawa.
35:25Nagpapatong-patong na lang ng mga bato na ginagawa nilang lamesa.
35:30Mas presko po sa pakiramdam at saka po sulit din kasi malamig.
35:35May sarili rin naman po kaming basurahan.
35:38Sinisiguro po namin na malinis bago po kami umalis.
35:42Hanggang tuhod lang ang tubig dito sa ilog.
35:44May ilang bata naman kaming nakitang tumatalon mula sa tulay.
35:48Pinagbabawal daw ito dahil lubhang delikado.
35:50Nagiikot naman ang mga may-ari ng mga nagpaparenta ng cottage
35:54para tiyaking ligdas ang kanilang mga customer.
35:56Daalang life car dito dahil na napakabawang nga ng tubig dito.
35:59Yung mga magulang naman, yung mga batang maliliit, sabi ko babantayan nila.
36:03At mula pa rao ng Webesanto, nagsimulang dumagsa yung mga nagbabakasyon
36:07at gustong magtampisaw dito sa Lawasan River.
36:10Kaya naman yung mga nagpapacattage ay sinusulit na rao yung dami ng tao
36:14dahil malamang pagdating ng lunes ay magbabalik normal na muli rito.
36:19At yan po ang mga balita ngayong Easter Sunday
36:28para po sa mas malakimisyon at mas malawak na paglilingkod sa bayan.
36:32Ako po si Pia Arcanghel.
36:34Ako po si Ivan Mayrina mula sa GMA Integrated News,
36:37ang News Authority ng Pilipino.
36:39Nakatuto kami 24 Horas.
36:49Nakatuto kami 24 Horas.

Recommended