Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • yesterday
24 Oras Weekend is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Ivan Mayrina and Pia Arcangel. It airs on GMA-7, Saturdays and Sundays at 5:30 PM (PHL Time). For more videos from 24 Oras Weekend, visit http://www.gmanews.tv/24orasweekend.

#GMAIntegratedNews #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Maginakapon po!
00:02Ngayong marami pa rin nakabakasyon at bumabiyahe,
00:05doble ingat po lalo't kabi-kabila ang naitatalang disgrasya.
00:09Unahin po natin sa Bacolod City kung saan isang kotse ang nanagasa sa isang prosesyon.
00:14Tatlo ang patay sa insidente,
00:16ang dayuhang suspect na na tagkapang tumakas na pagalamang nakainom.
00:22Nakatotok si Aileen Pedreso ng GMA Regional TV.
00:30Dumanak ang dugo sa kasalang ito kagabi sa barangay Alangilan, Bacolod City.
00:35Ang prosesyon kasi para sa BNS na uwi sa kalbaryo at magluluksan na isang private vehicle
00:40ang nakaksidente at nakasagasa ng mga tao.
00:43Dumating ang mga ambulansya para tulungan ang mga naaksidente, pero tatlo ang nasawi.
00:48Isa sa kanila si Jonel Solano na nagmamaneho ng tricycle na sumusunod sa prosesyon.
00:53Itong unang nabangga ng pribadong sasakyan.
00:55Naghihinag-peace ang anak niyang si Joneline Solano.
01:00Tapos, damo-damo kasi kabuhin ang gilaloyan.
01:06Nasawi rin ang dalawang sakay ng tricycle na si Naghiel Bintanike at minor ni edad na si Dina Plohinog.
01:12Habang di bababa sa labing tatlo ang sugatan at patuloy na ginagamot sa ospital.
01:15Ayon sa Bacolid City Police, ang driver ng nakadisgrasyang kotse ay 36 anos na Indian National.
01:22Apat pang Indian Nationals din ang sakay nito.
01:25Batay sa embestigasyon ng polisya, matuloy ng sasakyan ng nakasulubong nito ang tricycle na nakasunod sa prosesyon.
01:31Nabangga rin maging isang police vehicle sa prosesyon.
01:34Based on the skid, kung anong ebidensya dito sa may crime scene, it would seem nga wala ginsaya nag-apply brake because there was no skid mark.
01:46Kagang makitaan mo lang ito ang mark sa ruyda ka tricycle.
01:54Ang damage kasalakyan would indicate nga dasig siya akin.
02:00Sinubukan daw tumakas ng kotse pero nanakip din kalaunan.
02:03Nakumpirma rin sa isinagawang alcohol test na positibong nakainom ang driver.
02:08Abot-abot ang paghinginang tawad ng sospek na maharap sa patong-patong na reklamo.
02:13Pasensya, good ma'am. Sorry lang, walaman ko sa ano. Gusto man sila. Bunggo muna. Galing golpe lang mo.
02:19Ang diocese of Bacolod, nagpahatid ng pakikiramay sa mga naulila at kaanak ng mga nasaktana.
02:25Para sa GMA Integrating News, Aileen Pedreso ng GMA Regional TV, nakatutok 24 oras.
02:33Isa pang disgrasya sa Iloilo naman, halos apat na po ang sugatan ng maaksidente isang jeep sa Umanoy overloaded at patungo sa isang resort.
02:43Nakatutok si Kim Salinas ng GMA Regional TV.
02:45Sa halip na magtampisaw sa beach, sa ospital na uwi, ang mga sakay ng isang pribarong jeep matapos itong tumagilid sa baragay Maninila, Miyagaw, Ililo.
02:57Bandang alas 8 ng umaga ngayong Sabado ni Gloria.
03:00Garapta, may mga pasyente ito sa gilid, dili sa gilid, bisandiyan lang. Tapos may duwadi nga nanggabatang sa garapta mga dala nila.
03:09Batay sa investigasyon ng Miyagaw Police, papunta sa isang beach resort sa bayan ng San Joaquin, ang nasa halos 60 sakay ng jeep.
03:17Pero hindi umano na kontrol ng driver ang Maninila, habang nasa korbana at pababang bahagi ng highway hanggang sa ito'y naaksidente.
03:25Lost control lang, subong ang ako, hindi nga inisyal, hindi nga paglantaw, pagpag-interview, is lost control and maybe inexperience.
03:3438 tao ang sugatan sa disgrasya. Labing siyam sa kanila ay mga minor ni edad.
03:41Agad silang tinila sa ospital sa bayan ng Gimbal at sa rural health center na Miyagaw.
03:46May isa namang inireffer sa isang paggamutan sa Ililo City dahil sa tinamong fracture sa binti.
03:52Kasama rin sa mga ginamot sa ospital ang driver.
03:55Ayon sa polisya, overloaded ang jeep.
03:58Ang isa nga sa mga nasugatang pasyero sa bubong na nakapwesto.
04:01Ang ginakaptan sa bawat, ito natabagtakan. Pagtabag ko na kaman, kabigay ko na, ubatkan ko na to man.
04:08Nasa polis koso din na ang jeep at ang driver na posibleng maharap sa kaukulang reklamo.
04:13Sinusubukan pang makunaan ng panig ang driver ng jeep.
04:17Para sa GMA Integrated News, Kim Salinas ng GMA Regional TV, nakatutok 24 oras.
04:25Balik tayo sa Metro Manila na sunog ang isang pabrika ng plastic sa Valenzuela City.
04:30Nasa mahigit 800 bumbero at volunteer ang nagtulong-tulong para umagapay sa mga apektadong residente.
04:36Nakatutok si Salima Refran.
04:38Ganito kalaki ang naglalagablab na apoy at napakakapal nitong uso ng masunog ang isang malaking pabrika ng plastic sa barangay Viente Reales sa Valenzuela.
04:52Pasado alas 5 ng hapon, nang unang naiulat sa Valenzuela Central Fire Station ang sunog.
04:58Mabilis na umakyat ang alarma hanggang sa idekla ng Task Force Alpha pasado alas 7 ng gabi.
05:04Halos abutin na ng apoy ang mga katabing bahay.
05:08Maliit lang po nausok yun mula doon sa dulo.
05:12Tapos ayun po, bigla na lang po lumagaglab eh.
05:16Ang bilis po, ang bilis ng sunog. Talagang kumalat na po bigla dito.
05:21Rumespon din na rin ang mga pamatay sunog na mga karating lugar.
05:25Dala ang kanilang chemical fire trucks.
05:28Isang residente ang nakuna naming inililikas.
05:32Buong tapang na sinagupa ng mga bombero at fire volunteers ang apoy.
05:36Kahit walang tulog at walang pahinga, walang tigil sila sa pag-apula sa apoy.
05:42Pero ang sunog, nagpatuloy sa magdamag.
05:46Magalas dos na madaling araw pero malaki at malakas pa rin ang apoy.
05:50Dito nga sa sunog sa pagawaan ng plastic dito sa Valenzuela City.
05:55Nagsimula ang apoy alas 5 ng hapon.
05:57Ibig sabihin, magwawalong oras ng inaapula ng mga bombero ang sunog na ito.
06:02Ang binabantayan ngayon ng mga otoridad ay huwag nang kumalat ang apoy na yan sa mga kabahayan.
06:09Ang bahay ni Jem, nasa harapan lang ng nasusunog na pabrika.
06:14Hindi po kami talaga nakakapagpahinga kasi syempre kanina pa po yung apoy.
06:19Ang mismong sa pinakalikod na po namin, inabot na nga po yung ano eh, pati yung hiero namin, pati yung pader namin, inabot na talaga doon sa sunog.
06:29Pagputok ng liwanag, nasusunog pa rin ang compound.
06:33Mas kita na ang dinulot nitong pinsala.
06:35Parang mga basura ho nila.
06:39Pag nakita mo, plastic na yan eh, naisip mo talaga na delikado pag masunog.
06:46Gumamit na ng mga bakho ang lokal na pamahalaan para mahakot ang ibang debris at hindi na masunog muli.
06:53Mahigit walong daang mga bombero, volunteers, rescue personnel at social workers ang nagtulong-tulong para umalalay sa mga maaapekto hang residente.
07:02Nagbukas ng evacuation center sa Paltok Elementary School pero wala namang lumikas.
07:09Ayon sa Valenzuela Central Fire Station, walang nasugatan o nasawi sa sunog.
07:14Pasado alas 8 ng umaga nang i-deklara itong fire under control.
07:18Para sa GMA Integrated News, Salima Refra, nakatutok, 24 oras.
07:26Alos 24 oras nang inaapulang apoy sa nasunog na pabrika ng plastik sa Valenzuela.
07:32Nag-aalala naman ang mga residente sa masamang epekto ng usok lalo't plastik ang natupok.
07:36Nakatutok si Chino Gaston.
07:38Alas 5 pa ng hapo ng Biyernes Santo, nagsimula ang apoy sa warehouse na ito sa Valenzuela City.
07:48Ayon sa Bureau of Fire Protection, nagsimula ang sunog sa mga naipong retasong plastik na gamit sa mga packaging sa gilid ng main warehouse ng industrial compound.
07:58Dahil sa matinding init at malakas na hangin, kumalat ang apoy hanggang nadamay ang loob ng warehouse.
08:03Ang inisyal tawag po talaga sa atin is ravish fire ng mga residente.
08:08Eh sa sobrang init po, tuyong-tuyo na po lahat yung basura, ang bilis pong kumalat e.
08:12Pasado alas 8 ng umaga kanina, e diniklarang fire under control ang sunog na umabot sa Task Force Alpha,
08:19kung saan mahigit 20 fire trucks ang kailangang rubisponde.
08:23Pero dahil plastik ang nasusunog, kailangang bantayan ang fire site at bombahin ang tubig para hindi na sumiklab ulit ang apoy.
08:31Kinabukasan, patuloy ang paglabas ng maitim at makapal na usok mula sa natupok na pabrika.
08:38Gumamit pa ang Bureau of Fire Protection of BFP ng bakho para halukayin ang nasusunog na plastic para maabot ng tubig ang baga ng apoy.
08:46Bagaman walang nasaktan o tinama ang mga bahay sa paligid, nangangamba ang mga residente sa masamang epekto ng usok.
08:54May mga chemicals daw kayo sa dyan, baka delikado, so nagmamask lang kami.
08:58Tatatakot din naman kami sa health namin, baka mamaya merda lang nga siyang efekt yung usok.
09:05Bayo ng BFP sa mga apektadong residente, isaram muna ang mga bintana at huwag nang lumabas ng bahay para di maabot ng usok.
09:13Hanggat maaari, iwasan po natin yung mga usok kasi medyo delikado po talaga sa baga pag nalanghap po natin.
09:18Suggest ko na lang siguro, magtago na lang sa bahay yung mga tao para hindi masyado malanghap yung usok.
09:24Magmask po tayo sir, malaking po tulong rin yun.
09:26Para sa GMA Integrated News, sino gasto ng katuto? 24 oras.
09:38Patuloy ang pagdagsa sa mga pasyalan ng mga turistang sinusulit ang long weekend.
09:42Sa Norte, hindi lang Baguio dinarayo, pati La Trinidad sa Benguet, nasikat sa mga strawberry at sariwang gulay.
09:49Nakatutok doon live si Mav Gonzalez.
09:52Mav!
09:55Ivan, bumuhos ang malakas na ulan dito sa Baguio City bandang alas 5 ng hapon,
10:00kaya mas malamig ngayong gabi kumpara dun sa mga naonang araw ngayong Holy Week.
10:04Pero bago nga niyan, ay marami ang dumayo sa La Trinidad para sa strawberry picking.
10:12Sikat na side trip mula sa Baguio City ang La Trinidad, Benguet.
10:15Kalahating oras lang ang biyahe, kaya maraming bumisita rito kanina.
10:19Sa entrance pa lang, pila na ang nagpapalitrato sa higanting strawberry.
10:24Tanaw rin ang value wood sign mula sa farm na inspired ng Hollywood sign sa Amerika.
10:28Pero ang dinarayo talaga rito,
10:31ang strawberry picking.
10:34700 pesos ang bayad kada grupo ng lima.
10:38Ang grupo ito, galing pang South Cotabato.
10:41Kamusta yung strawberry picking ninyo?
10:43Okay lang po.
10:44Oo.
10:45Medyo mainit lang. Masaya.
10:47Masaya. First time.
10:49Enjoy nyo naman kahit medyo matitrik ang araw.
10:52Yes po, medyo mainit lang lang pero okay lang naman. Enjoy.
10:55Oo. Nakain nyo na nga po eh.
10:57Oo.
10:59Maraming farm kung saan pwede mag-strawberry picking.
11:01Pero sa rami ng tao kanina, may pila para makapasok ka.
11:06Gusto daw po kasi mamitas po ng mga bata.
11:08Tsaka ano po, kahit po tanghali na, hindi naman po mainit.
11:12Saya naman po.
11:13Gustong-gusta po nila dito kasi malamig daw po.
11:16Pwede rin isama ang fur babies nyo rito.
11:18Kung ayaw nyo naman mamitas, pwedeng bumili na lang ng strawberries.
11:22102 per pack pero pwede patawaran.
11:24Makakabili rin ng iba't ibang pasalubong at benggat dal kasi sa mga tindahan sa labas.
11:30Pero kwento ng sorbiterong si Darwin.
11:32Mas konti ang turista ngayong taon.
11:34Ngayong taon na to, mam, medyo mahina kasi sumabay yung eleksyon kasi.
11:38Sa mga nakarang taon, luni santo pa lang, hindi na mahulugan ang karayong to.
11:43Kamu sa benta mo, kuwi ah.
11:44Sakto lang naman, pero hindi to tulad ng dati na pumapaldo kami pag ganito.
11:48May mga umiikot naman na polis at canines sa Strawberry Farm para mapanatili ang siguridad.
11:54Pagkagaling ng Strawberry Farm, maraming dumadaan sa bagsaka ng gulay sa Latrindad Vegetable Trading Post.
12:00Gaya nila Gina na bulto-bulto ang ipinamilang gulay.
12:04Nagpakation po kami dito na 3 days.
12:06Kasi pauway na po kami.
12:07Mas maano dito mamili.
12:09Marami.
12:09As fresh.
12:10As fresh yan.
12:11Ngayong Holy Week, karamihan daw nang namimili ay mga turista.
12:14Mga leafy vegetables, medyo mataas ngayon.
12:19Ano mga mga mura ngayon?
12:21Mura ngayon, medyo mura ngayon patatas.
12:23Oo, mga pwedeng ma-stack.
12:26Kakailan mo kaya pupuntasin ang mga turista?
12:29Maybe after holidays.
12:30Kasi magpukuha sila ng gulay pa uwi ng Manila.
12:34Nasa kalahati raw ang bentahan ng gulay rito kumpara sa Metro Manila.
12:38Meron ding discount kapag bulto ang binili.
12:40Ivan, nasa light to moderate pa rin ang daloy ng trafico dito sa syudad.
12:47Pero may mahabang traffic na ngayon sa Cannon Road sa mga pababa naman galing Baguio.
12:51Ivan?
12:52Maraming salamat, Ma'am Gonzalez.
12:55Dahil tapos na ang Bienes Santo, pwede na ulit ang mga beach party at malalakas na tugtugan sa Boracay.
13:01Kaya bago na tapos ang long weekend, sinusulit ang maturista ang last minute na sayaw at tampisaw.
13:08Nakatutok doon lang si John Sala ng GMA Regional TV.
13:13John?
13:14Pia, buhay na buhay ulit ang nightlife dito sa isa ng Boracay matapos sa isang araw na pagbabawal ng mga parties at may ingay na music alinsunod sa memorandum order ng Malay LGU.
13:25Pero ilang mga turista ay pinili pa rin na mag-relax sa mga payapang lugar sa isla.
13:30Maliban sa beachfront area ng Station 1, 2 at 3 sa Boracay, patok din sa mga turista ang malaparaisong Puka Beach.
13:41Maraming pinipiling dito mag-enjoy kasamang pamilya dahil mas bayapa at tahimik ang lugar.
13:46We choose Puka Beach kasi nakita namin mas more relaxing siya, mas more chilling which is yun talaga yung mga hinahanap namin.
13:55Malinis na yung mga area dito at saka very refreshing.
13:59Si Nadjun, maliban sa pamilya, isinama rin ang kanilang fur babies.
14:04Hindi crowded at mga kapag-banding na gusto yung pamilya.
14:08Siyempre, hindi mawawala ang iba't-ibang water activities.
14:12At ano pa ba ang pinakapatok kaya't dinarayo ang Boracay, syempre ang malapulbos na white sand at napakalinis at linaw na dagat.
14:20Mag-relax, kahit gumastos ka, at least nakasama mo yung pamilya mo na enjoy mo pa yung nature.
14:28Epektibo kaninang alas 6 ng umaga, pinayagan na ang party sa isla.
14:32Gayun din ang pagpapatugtog ng malakas.
14:34Kaya naman baliksigla na sa mga party pa pang establishmento.
14:38Ayon sa Malay Police, zero incident o walang mga nai-record ng kulo o anumang paglabag sa protocols at memorandum order mula kahapon.
14:46So far din po, magaganda rin po, no record pa rin po tayo ng mga incident like mga po mga TEF or any kind of na salisi.
14:55Pati po, wala rin po rin po na record ng mga nalulunod kasi kung makikita nyo rin po, marami rin po nagpapatrolyan na mga coast guard.
15:02Pia, kahit na generally peaceful ngayon dito sa isa ng Buracay, ay marami pa rin ang mga polis ng Malay PNP na nakabantay sa mga strategic areas,
15:15lalo na sa beachfront area ng Buracay upang mapanatili ang siguridad ng mga nagbabakasyong turista.
15:21Yan ang latest dito sa isa ng Buracay, balik sa inyo.
15:24Maraming salamat, John Sala ng GMA Regional TV.
15:31Nagsasundog sa Candle Station o tirikan ng kandila sa Antifolo Cathedral.
15:36Nangyari yan, pasado alas 7 ng umaga ngayong Sabado de Gloria.
15:41Nagbagsakan sa gitna ng sunog ang ilang piraso ng kahoy mula sa Kisabe.
15:45Agad namang naapulang apoy sa bahagin yan ng International Shrine of Our Lady of Peace and Good Voyage.
15:51Walang nasaktan sa insidente.
15:53Isinara muna sa publiko ang Candle Station para linisin ang lugar.
16:00Ngayong umaga rin, hindi bababasa 6 na sasakyan na nagkarambola sa Dumalina o Zamboanga del Sur.
16:06Ang ilang sasakyan na hulog mula sa tulay na pinangyarihan ng disgrasya.
16:10Dalawang patay, kabilang isang lalaking nakatambay lang sa lugar.
16:13Nakatotok si Efren Mamak ng GMA Regional TV.
16:21Nahulog mula sa tulay sa barangay Pag-asa Dumalina o Zamboanga del Sur ang nakatagilid na 10-wheeler at ibang mga sasakyan.
16:29Bunsud ito ng karambola mag alas 10 ng umaga kanina sa tapatpamandi ng Dumalina o Police Station.
16:35May mga sakay pa na naipit sa mga sasakyan.
16:38Agad namang nirescue ng MDR-RMO at Regional Health Unit ang mga biktima.
16:43Dalawa ang dead on arrival sa ospital.
16:45Isang babaeng 70 anyos na sakay ng pickup truck at isang lalaking 50 anyos na nakatambay lang.
16:52Wasak ang ilang bahagi ng mga sasakyan dahil sa tindi ng aksidente.
16:55Batay sa paunang investigasyon ng pulisya, galing Zamboanga City at papuntang Pagadian City ang truck nang magloko umano ang preno nito.
17:03Nabanggan nito ang isang pickup truck, minivan, delivery truck, motorcyclo at dalawang tricycle.
17:09Fix ito siya sir, may nakapark at merong tumatakbo on the same direction kung saan nasagi sila ng 10-wheeler truck.
17:19Di bababa sa labing apat ang sugatan, pero patuloy pa itong kinukumpirma ng mga otoridad.
17:24Makaharap sa patong-patong na reklamo ang driver ng delivery truck na sumuko at hawak na ng pulisya.
17:30Sinusubukan pa siyang kuhanan ng pahayag.
17:32Para sa GMA Integrated News, Efren Mamak ng GMA Regional TV, Nakatutok 24 Oras.
17:39Libo-libong kristyano ang sumama sa mga prosesyon nitong Viernes Santo para alalahanin ang sakritisyon ni Jesucristo.
17:53Yan at iba pang tradisyon tuwing Holy Week, tinutukan ni Dano Tingkungko.
18:01Libo-libong deboto sa lawag Ilocos Norte ang nakilahok sa prosesyon ng mga life-size na imahen na tumagal na mahigit dalawang oras.
18:08Naging pahirapan ang paghila ng mga karosa sa dami ng tao.
18:12May mga matatanda, bata at alagang aso.
18:15Ikinatuan ang simbahan ang muling pagdami ng bilang ng mga deboto ngayong Semana Santa 2025.
18:21Dagsare ng mga deboto sa prosesyon sa Our Lady of Atocha sa Alicia Isabela na umabot ng halos isang libo.
18:29Pero pansamantala itong naantala nang sa kalagitan ng prosesyon ang ulo ng imahen ni St. Mater Dolorosa na tanggal.
18:36Agad namang inayos ito kaya nagpatuloy ang prosesyon.
18:38Kaliwat-kanan din ang mga prosesyon ay dinaos sa Batangas.
18:43Sa lipak kasama sa ipinrosisyon ang mga imahen ni Yesus na Patay o Santo Entiero.
18:48Bago ang prosesyon, idinaos ang misa pati ang tradisyonal na pagpapahalik.
18:53Sa National Shrine of St. Padre Pio sa Santo Tomas, Batangas, daandaong deboto ang nakiisa at tahimik na nagprosesyon kasunod ng imahen sa loob ng dambana.
19:03Bukod sa mga prosesyon, may ilang lugar kung saan buhay na buhay pa rin ang tradisyon ng pagpipinitensya.
19:09Gaya na lamang dito sa Kabanatuan City sa Nueva Ecija.
19:12Batid ang hirap at sakripisyo ng mga deboto na hindi lang buhat ang malaking kruz sinusugatan pa ang kanila mga likuran at pinapalo habang naglalakad.
19:20Bago makarating sa simbahan, ilang beses pang napaluhod ang mga deboto.
19:28Sa Tagbilaran City, Bohol, naging tradisyon naman ang pagluluto ng binignit o ginataang halo-halo.
19:36Karaniwang merienda tuwing mahal na araw.
19:39At kahit mainit, talagang masarap pa rin itong pagsaluhan tuwing Semana Santa.
19:43Para sa GMA Integrated News, Dano Tingkungko Nakatutok 24 Horas.
19:47Bukod sa Boracay, isa pang sikat na destinasyon tuwing Semana Santa ang Puerto Galera sa Oriental Mindoro.
19:56Dagsa ang mga bakasyonisa sa kanilang pamosong White Beach, pero may mga maaga na bumiyahin na para hindi sumabay sa mga uuwing turista.
20:04Mula sa Puerto Galera, nakatutok live si Dano Tingkungko.
20:09Dano?
20:09Ivan, marami pa rin yung nandito sa White Beach, pero kanina marami rin yung mga naon na nang umuwi para maiwasan ang inaasahang siksikan bukas.
20:26Pag takip silim nitong Viernes Santo, hindi halos mahulugang karayom ang White Beach, isa sa mga pangunahing puntahan dito sa Puerto Galera.
20:34Kanya-kanyang hanap ng pwesto ang marami sa putim buhangin.
20:39Kinaumagahan ngayong Sabado de Gloria, halos ganito pa rin ang sitwasyon.
20:43Habang umiinit, kanya-kanyang hanap ng lilim.
20:46Pero marami pa rin lumalangoy at nagsiselfie.
20:49Pero kung maraming nagsusulit ng oras ngayong Holy Week break, marami rin ang hindi na hinintay pa ang linggo ng pagkabuhay.
20:57At ngayon pa lang, nagsipag-checkout na at sinimulan na ang biyahe pa uwi.
21:01Sa Balatero Port, ang pinakamalapit na direkt ang biyahe mula Puerto Galera pabalik ng Batangas Port,
21:07marami na rin mga bakasyonista ang paalis na para raw iwasiksikan bukas.
21:13Nakapagbuka si yung anak ko, 17 to 19.
21:17So pauwi na po talaga kami ngayon para hindi kami sumabay sa Sunday ng mga pasahero.
21:22Hindi po namin sumabay sa maraming tao. Ngayon nga po ang dami ng tao ngayon eh.
21:26What more pa sa Sunday?
21:27Merckley Santo po dumating kami dito para makapag-relax po kasama yung aming pamilya.
21:32Uwi na po namin ngayon kasi flytamin pa makaubukas ng gabi.
21:35Masyado po kasing crowded kung makipagsabayan kami.
21:37Happy po kasama ko po yung pamilya ko sa kapamilya na asawa ko.
21:41Dahil kasama ito sa mga inaasahan ngayong Semana Santa,
21:45mahigpit ang ipinatutupad na siguridad sa pantalan
21:47at dirediretsyo na rin ang mga biyahe pabalik ng Batangas.
21:51At Ivan, dito sa White Beach, isa sa mga pangonahing puntahan dito sa Puerto Galera,
22:01hindi nyo man makita sa akin likuran dahil gabi na, no?
22:03Pero kagaya nung ating nabanggit, kagaya rin kagabi,
22:08hindi mahulugang karayong yung mga tao dito.
22:10Hindi lang dahil ito yung huling araw o huling gabi technically
22:14bago ang inaasahan pag-uwi ng mga tao,
22:16meron din concert na gagawin dito mamaya, maya-maya lamang, Ivan.
22:22Dano, kailan nyo inaasahan ang peak o yung dagsa ng mga pasahero
22:26para pauwi naman o pabalik sa Metro Manila, yung mga nagbakasyon dyan?
22:34Ang inaasahan dito, Ivan, ay bukas.
22:37Bukas talaga dahil sa pag-iikot natin
22:40at sa paikipag-usap natin sa ilang mga hotel, mga resort,
22:44marami talaga yung mga bakante simula ngayon
22:48at mas marami yung mga rooms na mababakante simula bukas.
22:52Indikasyon yan na marami na rin talagang nagsisimulang umuwi simula ngayon.
22:57Pero yung talagang peak na inaasahan nila is bukas
23:00at kung merong iba na gusto pang mag-extend nung kanilang bakasyon,
23:04eh hanggang lunes meron pang inaasahan na maghahabol na makauwi sa kanilang mga lugar, Ivan.
23:09Maraming salamat, Dano Tingkungko.
23:14.

Recommended