Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 2 days ago
Bawal daw masugatan o maligo tuwing Biyernes Santo? Matutupad daw ang hiling mo kapag nakumpleto mo ang Visita Iglesia sa 7 simbahan? Ilan lang ito sa mga paniniwala at tradisyong sinusunod tuwing Semana Santa.

Ano nga ba ang kahulugan ng mga tradisyon tuwing Semana Santa? Here’s what you #NeedToKnow!

Category

🗞
News
Transcript
00:00Hindi kumpleto ang Semana Santa ng mga Pilipino kung wala ang mga pamahiin, tulad ng bawal masugatan dahil matagal daw itong gagaling,
00:11bawal gumala at maglakwatsa dahil baka ikay madisgrasya, at tuwing Piyernesanto, bawal ng maligo paglampas ng alas 3 ng hapon.
00:22Nanatili rin buhay ang ating mga tradisyon, gaya ng Visita Iglesia, Sanakulo, at Pagdiriwang ng Pasko ng Pagkabuhay.
00:32Himayin natin, ano nga ba ang kahulugan ng mga paniniwala at tradisyong ito? Here's what you need to know.
00:42Titulad ng Pasko at Bagong Taot, walang exact dates ang Semana Santa.
00:47Nakadepende ito sa pecha kung kailan papatak ang Easter Sunday.
00:52Tinutukoy ang pecha po ng Holy Week, batay po sa kalendaryo po ng litoryo ng simbahang katolika na gumagamit ng Gregorian calendar.
01:03Ang mga pecha po nito ay nakabatay actually sa pecha po ng Pasko ng Pagkabuhay na itinakda sa unang linggo pagkatapos po ng unang kabilugang buwan pagkatapos po ng tinatawag nating unang araw ng Tagsibol.
01:19Sa ganito pong paraan, ang mga petsa ng Malna Araw ay nag-iiba bawat taon, ngunit ang kanilang pagkasunod-sunod ay nananatiling pare-pareho.
01:31Sa linggo ng Palaspas nagsisimula ang Semana Santa. Dito ay winawagayway ang mga Palaspas sa Misa.
01:38Ang pagwawagayway po ng Palaspas tuwing Pamsunday ay isa pong tradisyon na nagsisilbing paggunita sa pagpasok na Yesu sa Jerusalem.
01:50Ang mga Palaspas po ay sumisimboli din po ng tagumpay at kapayapaan.
01:55Ito po ay nagpapakita ng pananampalataya at pag-ahalang sa Panginoon at nagsisilbing paalala rin po sa atin ang kanyang sakripisyo at pagdating bilang tagapagligtas natin.
02:13Yung may mga kahilingan, hindi lang basta dumadalo ng Misa, nagbibisita iglesia rin sila na ang literal na ibig sabihin ay pagbisita sa simbahan.
02:24Sabi nila, kapag nakapunta ka sa pitong simbahan at nakumpleto mo ang Stations of the Cross sa mga ito, matutupad daw ang wish mo.
02:33Well, ang tradisyon ng bisita iglesia ay nagsimula pa noong ika-16 na siglo pa sa Espanya, kasabay ng pagpapalawag ng katulosismo noon.
02:42Ang pagbisita po sa pitong simbahan ay isang simbolikong paglalakbay na naglalarawan ng mga pagdurusan ni Isus.
02:49May mga diboto talagang katoliko na naniniwala na ang pagkompleto ng pagdarasa sa pitong simbahan,
02:56ito po ay nagdadala ng biyaya at katuparan ng kanilang kahilingan.
03:01Ngunit sabi ko nga kanina, depende pa rin po, takasalalay pa rin po ito sa pananampalataya po ng individual na tao.
03:09Isa rin sa mga tradisyon sa simbahan tuwing Simana Santa, ang paghuhugas ng paa tuwing Webe Santo.
03:16Ang paghuhugas po ng paa ng mga pari sa doseng tao ay isang tradisyon na isinasagawa tuwing Monday-Thursday
03:26bilang bahagi ng paggunita sa huling hapunan po ni Isus kasama ang kanyang mga alakan.
03:34Karaniwang po, mga ito ang pinipili para sa paghuhugas po ng paa ay miyembro po ng komunidad.
03:40Halimbawa, mga sektor, mga manggagawa, nandito naman yung mga kabataan.
03:45So pwedeng ganun po.
03:46At ang aktibidad po na ito ay naglalayong ipakita ang kahalagan po ng serbisyo.
03:53Isinasadula rin ang pagpapakasakit, paggamatay at muling pagkabuhay ni Jesucristo.
04:00Ito naman ang sinakulo.
04:02Tinatayang noong late 17th hanggang early 18th century, nagsimula ang sinakulo sa bansa.
04:08Sa ibang mga komunidad sa Pilipinas, tradisyon pa rin ang ilang self-flagellation acts o pagpapahirap ng sarili tulad ng pagpapapako sa krus.
04:19Bagaman matagal na itong dinidiscourage ng simbahang katoliko.
04:23Ang pagpapapako sa krus ay karaniwang po isinasagawa bilang isang paraan ng pagpapakita rin po ng debosyon at pagsasakripisyon ng isang tao.
04:32Para po sa ilan, ito po ay isang anyo ng pinitensya upang ipakita ang kanilang pagsisisi sa mga kasalanan at kanilang mga nagawang hindi maganda at pagpapakita rin po ito ng kanilang pagmamahal kay Jesus.
04:47Ang simbahang katolika po ay hindi po sumusuporta sa mga ganitong uri ng ritual.
04:52Dahil naniniwala po ang simbahan na ang tunay na pinitensya ay dapat nagmumula sa puso at hindi sa physical na pagdurusa.
05:01Ngayon pa man, may mga lokal ng komunidad na patuloy na nagsasagawa ng mga ganitong ritual bilang bahagi ng kanilang tradisyon at kultura.
05:11Makailang beses nang sinabi ng Catholic Bishops Conference of the Philippines o CBCP na imbis sa sakta ng sarili, may ibang paraan para ihayag ang pananampalataya.
05:22Gaya ng pag-abstain sa mga makamundong bisyo at pag-aayuno o pag-iwas sa pagkain ng karne, pero may mga exempted sa tradisyong ito.
05:32Para sa ating mga katoliko, ito po ay isang paraan ng pagninilay-nilay, paraan ng pinitensya, kasi magsasakripisyo ka.
05:42At pagpapakita rin po ito ng debosyon, ang pag-aayuno ay nakakatulong din po sa atin upang idisiprina natin ang ating mga sarili at lalo't pagtibayin ang pagpapahalaga sa mga bagay na espiritual.
05:59Ang sinumang katoliko na may kakayahang mag-fasting ay pwedeng mag-fasting o mag-aayuno.
06:05Ngunit, may mga exempted na individual.
06:08Karaniwang exempted sa pag-aayuno o pag-fasting ang mga bata na may edad na 7 o 7 years old, pababa.
06:17At kabilang din dito mga matatanda na may edad na 60 years old, pataas.
06:23At yung mga buntis din o na nagpapasuso, mga nanay na nagpapasuso, exempted din po sila.
06:30Lalo na yung mga may sakit o may particular na kondisyon sa kalusugan.
06:36Paalala naman ng Department of Health, mahalagang unahin pa rin ang kalusugan habang isinasagawa ang mga tradisyong ito
06:43para maiwasan ang dehydration, heat exhaustion at heat stroke ngayong mainit ang panahon.
06:49Nagtatapos ang Holy Week sa Pasko ng Pagkabuhay o Easter Sunday.
06:56Pagdiriwang ito ng muling pagkabuhay ni Yesus.
06:59Hudyat ng Linggo ng Pagkabuhay ang salubong o ang pagsasadula sa muling pagkikita ni Yesus at Inang Maria.
07:07Ipinuprosisyon muna ang imahe ni Yesus at ng nagdadalamhating birhing Maria.
07:13Pagsasalubungin ang mga imahen at tatanggala ng itim na belo ang Inang Maria.
07:19Sa paglipas ng panahon, kinaya na rin ang ating mga kababayan ang ilang Western traditions tulad ng paghahanap sa Easter Bunny at Easter Eggs.
07:34Ano nga ba ang kaugnayan nito sa Easter Sunday?
07:36Ang Easter Bunny na kadalasang kumakatawan sa pagkayabong, paglago, o fertility.
07:42So ang mga itlog naman, ito pa ay sumasagisag sa bagong buhay at muling pagkabuhay ni Yesus.
07:49So dito po sa Pilipinas, ang Easter Sunday ay ipinagdiriwang sa tradisyonal na paraan sa pamamagitan ng iba't ibang ritual at aktividad.
07:58So kasama po rito ang Banal na Misa.
08:01At matapos ang Banal na Misa, may mga salo-salo na mga pamilya sa ilang mga lugar.
08:08Ang pagsunod sa mga tradisyon ay nagbibigay din po sa atin ang pagkakataon para mag-nilay-nilay, mag-reflect sa ating espiritual na buhay.
08:17So ang mga ritual tulad ng sinakulo, pabasa at mga pag-aayuno ay nagsisilbing paalala din po sa atin ng mga halaga, ng sakripisyo, pagmamahal at pagkakawang gawa.
08:31Bukod po dito, ang mga tradisyon ay nag-uugnay sa mga tao, sa kanilang komunidad at pamilya na nagiging dahilan upang magsama-sama.
08:40At sa pamamagitan po ng mga ito, na ipapasa natin ang ating kultura, ang ating kasaysayan, at mga aral ng ating pananampalataya mula sa ating henerasyon patungo po sa susunod.
08:56Higit sa mga pamahiin na tradisyon, ipinapaalala sa atin ng Simana Santa ang halaga ng pagninilay, pagbabalik loob, pananampalataya, at pagkakawang gawa.
09:08Dahil sa bawat tradisyon at paniniwalang ating isinasabuhay, mas dumalalim at tumitibay ang ating pagmamahal sa sarili, sa Diyos, at sa bawat isa.
09:38Pagkakakakakakakakakakakakakakakakakakakakakakakakakakakakakakakakakakakakakakakakakakakakakakakakakakakakakakakakakakakakakakakakakakakakakakakakakakakakakakakakakakakakakakakakakakakakakakakakakakakakakakakakakakakakakakakakakakakakakakakakakakakakakakakakakakakakakakakakakakakakakakakakakakakakakakakakakakakakakakakakakakakakakakakakakakakakakakakakakakakakakakakakakakakakakakakakakakakakakakakakakakakakakakakakakakakakakakakakakakak

Recommended