Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 4/14/2025
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Balik ban sana ang mga Pilipinong naging bahagi ng Humanitarian Assistance at Disaster Response Mission sa Myanmar, kasunod ng magnitude 7.7 na lindol doon.
00:11Balit ang hatid ni Bam Alegre.
00:16Sinalubong ng mga sundalo ng Philippine Air Force ang pagbabalik sa Pilipinas ng delegasyon na pumunta ng Myanmar para sa Humanitarian Assistance at Disaster Response Mission doon.
00:25Pasado hating gabi na lumapag ang Philippine Interagency Humanitarian Contingents sa Villamore Air Base sa Pasay.
00:30Binubuo ang grupo ng 80 siyam na individual mula sa iba't ibang ahensya ng pamahalaan tulad ng Philippine Air Force, Philippine Army, Bureau of Fire Protection, MMDA, Department of Health, DENR at Office of Civil Defense.
00:43Kabilang sa mga sumalubong sa kanila si Secretary of National Defense Gilbert Chudoro at si Health Secretary Ted Herbosa.
00:49I know you've just undergone several days of sleepless nights, a long journey, mahabang biyahe, papunta at pabalik.
00:58So sa ngala ng ating Pangulo at ng Sambayanan, kami po'y nagpapasalamat.
01:03Unang-una sa Panginoon na inuwi niya kayong ligtas sa kapahamakan.
01:09Pangalawa, na naipamalas po ninyo ang espirito ng Pilipino na tumutulong sa kapwa.
01:17Inilahad ni Dr. Ivy Lozada ang team leader ng DOH Philippine Emergency Medical Assistance Team,
01:23ang mga hamo na hinarap nila sa kanilang misyon sa Myanmar.
01:26Lalo at marami sa mga kababayan natin doon ang nangangailangan ng medical assistance.
01:30Karamihan sa kanila natutulog pa rin sa labas.
01:33Like sa hospital, ayaw nilang matulog sa loob ng mga wards.
01:37Doon po sila sa parang open space.
01:41May mga aftershock pa rin daw na naramdaman sa ilang araw nila sa Myanmar.
01:44Nang dumating po kami ng 1, and noong April 2 po, nabigyan kami ng worksite assignment doon sa Naubitao, Myanmar,
01:50which is na-assign sa amin yung Jade City, which is merong reported na mga trap victims.
01:56And we perform search operations using our technical equipment.
02:01So wala pa kami nakitang sign of life.
02:03Narito yung dalawang C-130 aircraft na nagdala sa ating delegasyon pabalik dito sa Pilipinas.
02:08Sa ngayon, naghihintay pa yung ating pamahalaan ng karagdagang request mula sa Myanmar kung magpapadala pa tayo ulit ng panibagong team.
02:16Nagsasagawa ng briefing ng Department of National Defense at ang buong delegasyon para malaman ang sitwasyon sa Myanmar,
02:21lalo na ang update sa dalawang nawawalang Pilipino roon.
02:23We still have to make a full accounting.
02:27As far as I know, may naman na-identify na, but hindi pa nabavalidate.
02:33So we'll have to wait for the validation.
02:36At kung nabalidate ito, ma-inform yung next of kids.
02:41Bam Alegre, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
02:45Música

Recommended