Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 2 days ago
24 Oras Weekend is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Ivan Mayrina and Pia Arcangel. It airs on GMA-7, Saturdays and Sundays at 5:30 PM (PHL Time). For more videos from 24 Oras Weekend, visit http://www.gmanews.tv/24orasweekend.

#GMAIntegratedNews #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00This is the video of the Tricycles in Antipolo Rizal.
00:08In the video, the motorcycle is on the drag race.
00:12The uploaded videos are on the right side of the Tricycles in Antipolo Police.
00:18They are on the plate number and they are on the LTO
00:22to send the show cost order.
00:26They are on the right side.
00:28Bavala nila.
00:29Tigilan ng ilegal na karera na posibling magdulot ng disgrasya.
00:35Habang pumapadyang ang isang siklista,
00:37dinukutan siya ng cellphone ng isang rider
00:39sa Sumulong Highway sa Antipolo City.
00:41Ang nahulikam na highway robbery sa pagtutok ni Bea Pinlak.
00:48Normal lang ang takbo ng mga sasakyan sa Sumulong Highway
00:51sa Antipolo Pasado alas 7 ng umaga kahapon.
00:54Maya-maya, ang motorcycle rider na ito,
00:57Unti-unting lumapit sa isang siklista.
01:00Nang makachempo, biglang tinangay ng rider ang cellphone na nakasuksok sa may likuran ng siklista.
01:07Napaka-delikado yung ginagawa ng snatcher na ito.
01:10Dahil kung nagkatao ma-outbalance yung biktima niya or kahit siya mismo,
01:14posible na maging malala, magiging kalalabasan.
01:18Agad, ibinulsa ng rider ang cellphone at mabilis na tumakas.
01:22Nayak na lang ang 16-anyos na biktima ng balikanang nangyari.
01:27Sa tagal raw kasi niyang siklista.
01:29Ngayon ay takot na raw siyang makipagsabayan sa mga motorsiklo at iba pang sasakyan sa kalsada.
01:35Natraumatized po kasi ako dun sa...
01:37Nung bago ko po siya habulin, parang may bubunotin po siya.
01:42Kaya, ngayon po.
01:44Nung kinuha po talaga, hindi ko na po alam kung anong gagawin ko.
01:48Kung ira-risk ko po ba yung buhay ko or what.
01:51Ang nasnatch na mamahaling cellphone, birthday gift pa raw sa kanya ng magulang niya.
01:57Buti cellphone lang nawala sa'yo.
01:59Paano kung aksidente ka?
02:01Naiiyak ako.
02:02Siyempre makakatakot.
02:04Patuloy pang tinutugis ng pulisya ang rider na makaharap sa reklamong theft.
02:08Yung kanyang motorsiklo na ginamit, mayroon naman tayong inisyal na pagkakakilanlan.
02:14Para sa GMA Integrated News, Bea Pinlak, nakatutok 24 oras.
02:19Asia's Queen of Songs ang mga umiidolo sa kanya sa pag-awit.
02:25Sa mga malapit naman at mahal sa buhay, kilala siya bilang mamita.
02:28Yan ang mga tawag sa icon ng Philippine showbiz na si Pilita Corrales na pumanaw sa edad na 87.
02:35Narito ang report.
02:35Ang iconic na pagliyad sa pag-awit, nakatatak na sa mundo tuwing nababanggit ang pangalang Pilita Corrales.
02:59Ang tinaguriang Asia's Queen of Songs na mahigit anim na dekada na sa Philippine showbiz.
03:06May dugong Kastila.
03:08Proud Cebuana.
03:10Mula sa pag-aaral sa Spain, pumasok sa pag-awit si Pilita nang bumalik sa Pilipinas.
03:17Namayagpag siya sa musika at nakapag-record ng nasa 130 singles at albums.
03:25Nagtanghal siya kasama ang mga kilalang artista sa buong mundo at front act sa mga konsert.
03:32In town doon, buhay pa itong papa nitong ako mga anak.
03:35Isa ring magaling na aktres si Pilita.
03:38Sa pelikula o telebisyon.
03:41Sa pagpapaiyak o pagpapatawa.
03:44Napamahal sa mga manunood at kapwa-artista.
03:48Si Pilita o Mamita.
03:49Ang bote natin ng asukal, ang naisulat ko ay asin.
03:59Para huwag lang gamin.
04:03Pumanaw kahapon sa edad na 87 si Pilita Corrales.
04:07Kinumpirma ito sa Instagram post ng aponyang si Janine Gutierrez na inalala ang kanyang lola.
04:14Hindi pa isinasa publiko ang dahilan ng pagpanaw.
04:18Dalawa ang kanyang anak na nasa showbiz din na sina Jackie Lou Blanco at Ramon Christopher Gutierrez.
04:26Sa Instagram stories ng actress TV host na si Isa Leton.
04:31Kitang emosyonal si Jackie Lou Blanco sa curtain call ng stage play na The Pax Strut.
04:37Nireshare ito ni Jackie Lou at inalay ang performance sa kanyang pumanaw na ina.
04:41Alamalagyan saan ka pa'y narunod.
04:53Isang senior citizen ang nasawi sa sunog sa Mandaluyong.
05:07Yan at iba pang insendente ng sunog sa pagtutok ni Darlene Cai.
05:12Halos hindi na makilala ang katawan ng lalaking senior citizen na na-trap sa sunog kahapon sa barangay Barangka itaas sa Mandaluyong City.
05:22Ang 87 daunggulang na biktima hindi nakalabas mula sa ikalawang palapag ng paupahang bahay.
05:28Natagpuan natin siya malapit dun sa may pintuan so may indication na mukhang lalabas siya ng bahay niya.
05:33So maaring nasupukit na siya ng usok at din doon na siya inabutan.
05:37Sabi ng isang anak ng biktima, mag-isa lang noon ang kanilang ama sa itaas ng bahay ng magkasunog.
05:43Nasa trabaho ko ng sire.
05:45Dumating ako dito, sunog na eh.
05:46Apektado ang walong pamilya kabilang ang ilang nangungupahan.
05:52Nasa 150,000 piso ang tinatayang danyos ng sunog na iniimbisigahan pa ang sanhi.
05:57Kita naman sa drone video ang lawak at tindi ng forest fire sa Abra-Kalinga Road na bahagi ng sityo pasikad sa Likwan Baay Abra kahapon.
06:05Magkatuwang ang mga bumbera TNR Senro Bantay-Gubat sa pag-apula.
06:09Tuluyang napuksang sunog kaninang alas 8.30 ng umaga.
06:12Motorcyclo naman ang nagliyab sa gitna ng isang motocross event sa Alabel, Saranggani noong biyernes.
06:19Lupa at putik ang ginamit ng ilang rider at saksi sa pag-apula ng apoy.
06:23Rumesponde rin ang safety personnel sa lugar.
06:26Ang rider agad nakalayo sa sunog.
06:28Ayon sa isang barangay kagawad, nag-overheat ang motorcyclo kaya umapoy ito.
06:32Para sa GMA Integrated News, Darlene Kay nakatutok, 24 oras.
06:36Dagsa na rin ang mga pasahero sa Batangasport.
06:41Problema nga lang ng mga pasahero ang ubusang tiket.
06:44Wala sa Batangas City, nakatutok live si Dano Tincunco.
06:48Dano!
06:53Iban, gaya nga ng inasahan, habang umuusad ang araw ngayong linggo ng Palaspas,
06:58eh lalong napupuno ng mga pasahero itong Batangasport.
07:01Pahaba ng pahaba ang pila ng mga pasahero sa Batangasport papunta sa Mindoro, Romblon at Visayas.
07:11Si Lisa, napapuntang Odjongan, Romblon, laking pasasalamat daw na nag-advance booking siya ng tiket online.
07:17Dati kasi, bali, Wednesday, ganon, sobrang dami.
07:22Eh ngayon po, Sunday pa lang, so wala na pong tiket.
07:25Medyo kampante ka lang yan.
07:27Yes, kasi nga po, may tiket na lang.
07:30Kasi kung hindi, kinakabahan talaga pag-advance.
07:33Pero si Janet, na naghahabol makarating ng Romblon para sa moving up ceremony ng Apobukas,
07:38nakapila kanina pang umaga para pala sa biyahing 5pm bukas pa Odjongan.
07:44Ang biyahe pala kasi ngayong araw, kanina pang 10am ang cut-off.
07:48Hindi nga kasi inaasahan na ganito.
07:50At sa kami trabaho, syempre, kasi ang graduation nga eh Monday pa ng hapon.
07:54Sa palara na nga lang, yung pila namin dito.
07:58Pag hindi inaabot, yung nangyayari?
08:00Hindi, sorry na lang sa aking apo.
08:03Napansin nga ng pamunuan ng Batangasport na mas maagang umalis ang mga pasahero ngayon
08:07kumpara sa Semana Santa nung isang taon.
08:10Nakikipagugnayan na raw sila sa marina, shipping lines at sa DOTR
08:13para makapag-issue ng special permit para mapunan ang backlog sa mga biyahing pa Odjongan.
08:19Tinatrabaho rin daw na madagdagan pa ang ship calls o yung mga biyahe ng barko.
08:24Kung hindi mapabawasan ang pasahero na tatawi pa puntang Odjongan, tuloy-tuloy yan.
08:29Para kulang tayo ng isang barko palagi hanggang Rebe Santo.
08:32Sa tala ng Batangasport, nasa labing siyam na libo ang mga pasaherong dumaan sa pantalan kahapon.
08:38Tanghali ngayong araw, nakakasampun libo na.
08:40Malaking bagay raw ang mas malaking passenger terminal na mas komportable para sa paghihintay ng mga pasahero,
08:46lalo na yung mga maiiwanan ng barko.
08:49Nasa 8,000 passengers at any given time ang kapasidad ng passenger terminal.
08:54Hindi katulad ng araw, nasa labas sila ng port kasi wala maupon.
08:58Fully completed siya last November.
09:00At ibang tulad kanina, dalawa magkaibang sitwasyon yung nandito sa Batangasport.
09:11Maluwag at halos walang pila dun sa mga pabiyaheng Mindoro, particularly yung Calapan at Occidental Mindoro area.
09:19Pero ang mga papuntang Odjongan, nandun ang mahabang pila at pati na rin sa ibang bahagi ng Romblon.
09:25Sa datos ng Batangasport, nasa 15,000 na inabot ngayong araw yung mga disembarking passengers
09:33o yung mga paalis papunta sa iba't ibang lugar mula rito sa Batangasport.
09:38Nasa 5,000 naman yung embarking o yung mga parating dito mula sa ibang lugar.
09:43Ivan.
09:44Maraming salamat, Dano Tingkungko.
09:48Naka-code white ngayon na Department of Health bilang alerto sa mga emergency sa Semana Santa.
09:53May mga biyahero na rin sa Manila Northport para sa mahal na araw at sa eleksyon.
09:59Mula sa Maynila, nakatutok la si Jamie Santos.
10:03Jamie?
10:08Pia, may mangilang-gilang na tayong kababayan ang nagtungo rito ngayong linggo ng Palaspas dito sa Manila Northport.
10:15At kahit mainit ang panahon, hindi nila ito alintana, makauwi lang sa kanika nilang probinsya ngayong Semana Santa.
10:21Bukas, Lunes Santo, inaasahan ng unti-unti ang dagsa ng mga pasahero, kaya naman naka-high alert na ang lahat ng transportation facility sa bansa.
10:34Sunod-sunod na ang dating ng mga pasaherong pauwi ng Dumaguete, Dipolog at Zambuanga ngayong hapon.
10:40Ilan sa kanila, piniling mauna kaysa sumabay sa dagsa ng mga pasahero sa Mierkole Santo.
10:46Bakasyon sa mga baapo.
10:48Iiwas sa gulo.
10:49Pagaman mamayang gabi pa ang biyahe ng barko, maagang pumunta ang mga biyahero sa port para iwas hasel.
10:56May ilan March pa lang bumili na ng tiket.
10:58Susuliti na raw nila ang pag-uwi sa probinsya para sa Semana Santa at makasyon at eleksyon.
11:05Sama-sama, Hollywood at saka buboto po doon.
11:07Fiesta rin po.
11:08Todo bantay ang security officials sa palibot ng port.
11:12Panay din ang ikot ng kawali ng Philippine Coast Guard.
11:14Gamit ang canine, may at maya ang ikot at inspeksyon sa mga dalang bagahe ng mga pasahero.
11:20May nakaantabay ding ambulansya.
11:22May apat na shipping lines na hindi pinahintulutan ng marina bumiyaheng ngayong Semana Santa
11:27dahil sa ilang paglabag tulad ng walang life jacket at mga sirang sirena ng barko.
11:32Patuloy ding minomonitor ang mga kolorum.
11:34Kaya pakiusap ni DOT or secretaries sa publiko.
11:38Sana, huwag na natin gawin yun.
11:41Kasi ano yan, very risky yung ganyan.
11:44At your own risk po yan sa mga kababayan natin.
11:49Sinusugog nila ang buhay nila.
11:50Kasi syempre, unang-una pagka kolorum, huwag ang insurance yan.
11:56Wala siga makukuha kahit anong ano kung may mangyari.
11:58Mas istrikto rin ang pag-checheck sa mga barko para maiwasan ng overloading.
12:03Paalala naman sa mga pasahero ng ilang ferry operator.
12:07I-check ang inyong tiket at dumating ng maaga o apat na oras bago ang departure time sa port
12:13para sa maayos na boarding process.
12:15Ang cut-off time daw ay isang oras bago ang biyahe.
12:19No physical ticket, no entry.
12:21Samantala, ang Department of Health nagdeklara ngayong araw ng Code White Alert
12:25para sa Semana Santa bilang paghahanda sa mga posibleng insidente na maaring mangyari
12:30habang marami ang bumibyahe.
12:33Pia, tuloy-tuloy din naman ang operasyon dito sa Manila Northport ngayong Semana Santa.
12:42Maliba na lamang sa Biernes Santo na may temporary suspension sa yard, gate, and vessel operation.
12:48Pero tuloy-tuloy ang operasyon ng disembarkation and embarkation ng mga pasehero.
12:53Balik ang kanilang 24 oras na operasyon sa Easter Sunday.
12:56At yan ang latest mula rito sa Manila Northport.
12:59Balik sa Yupia.
13:01Maraming salamat, Jamie Santos.

Recommended