Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 4/13/2025
24 Oras Weekend is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Ivan Mayrina and Pia Arcangel. It airs on GMA-7, Saturdays and Sundays at 5:30 PM (PHL Time). For more videos from 24 Oras Weekend, visit http://www.gmanews.tv/24orasweekend.

#GMAIntegratedNews #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Habang pumapadyang ang isang siklista, dinukutan siya ng cellphone ng isang rider sa Sumulong Highway sa Antipolo City.
00:07Ang nahulikam na highway robbery sa pagtutok ni Bea Pinlak.
00:13Normal lang ang takbo ng mga sasakyan sa Sumulong Highway sa Antipolo Pasado alas 7 ng umaga kahapon.
00:20Maya-maya, ang motorcycle rider na ito, unti-unting lumapit sa isang siklista.
00:25Nang makachempo, biglang tinangay ng rider ang cellphone na nakasuksok sa may likuran ng siklista.
00:43Agad, ibinulsa ng rider ang cellphone at mabilis na tumakas.
00:48Naiyak na lang ang 16-anyos na biktima ng balikanang nangyari.
00:51Sa tagal raw kasi niyang siklista, ngayon ay takot na raw siyang makipagsabayan sa mga motorsiklo at iba pang sasakyan sa kalsada.
01:00Na-traumatize po kasi ako dun sa, noong bago ko po siya habulin, parang may bubunotin po siya.
01:07Kaya, mayun po.
01:10Noong kinuha po talaga ni kuya, hindi ko na po alam kung anong gagawin ko, kung ira-risk ko po ba yung buhay ko or what.
01:16Ang nasnatch na mamahaling cellphone, birthday gift pa raw sa kanya ng magulang niya.
01:22Buti cellphone lang nawala sa iyo. Paano kung aksidente ka?
01:26Naiiyak ako.
01:27Siyempre makakatakot.
01:29Patuloy pang tinutugis ng polisya ang rider na makaharap sa reklamong theft.
01:34Yung kanyang motorsiklo na ginamit, mayroon naman tayong inisyal na pagkakakilanlan.
01:39Para sa GMA Integrated News, Bea Pinlak, nakatutok 24 oras.
01:44Siyempre makakatakot.

Recommended