Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:50 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.
#GMAIntegratedNews #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
#GMAIntegratedNews #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Category
🗞
NewsTranscript
00:30Bago sa saksi, arestado ang apat na sundalo sa San Simón, Pampanga, matapos makipaghapulan sa mga polis at mahulihan ng mga baril.
00:40Ang kay PNP Region 3 Director, Police Brigadier General Gene Fajardo, nagsumbong sa polis siya ang isang residente na limang araw na umano siyang sinusundan ng isang sasakyan.
00:50At nang lapitan ng mga polis ang sasakyan, bumuno't umano ng baril ang isa sa sakyan nito sa kahong marurot palayo.
00:59Binaril na polis ang gulong pero nakalayo ang mga suspect bago naharang sa barangay San Agustin.
01:05Apat ang alistado, kabilang ang isa, nasugatan matapos umanong tamaan ng ligaw na bala sa liig.
01:11Papagaling na siya sa ospita.
01:12Basta sa embesikasyon, mga sundalo sila na mayroon nung manong misyon pero ayon kay Fajardo, wala itong koordinasyon sa pulis siya.
01:20Sasampahan sila ng reklamong ang just vexation at paglabag sa election gun ban.
01:28Hawak na ng mga polis ang isang lalaki na nambastos umano sa altar sa Taal Basilica sa Batangas.
01:34Saksi, Siba Malegre.
01:39Tire-direcho at bigla na lang ipinarado ng rider ang kanyang motorsiklo sa tapat ng altar sa Taal Basilica kahapon.
01:46Ang angkas niyang babae, sabay rin bumaba at lumayo.
01:49Umakyat naman ang lalaki sa altar, umupo sa upuan ng pari at bigla pang pumalakpak.
01:54Itinaas pa niya ang kanyang kaliwang paa.
01:56Sinisiga pa namin makuha ang pahayag ng pamunuan ng Taal Basilica kahapon na isa insidente.
02:01Pinunan ng mga residente at deboto ang viral video.
02:03Parang kabastusan yung ginawa niya eh. Tapos pumalakpak pa.
02:07Maling-mali po talaga. Ang laki na pagkakasalan ang ginawa niya.
02:10Ito ang harapan ng simbahan. Ganito lang kababa ay huwagdan kaya madaling nayakit yung motorsiklo.
02:15Na kataon din na bukas yung pintuan kaya na ituloy-tuloy hanggang sa may looban.
02:19Sa lugar ng altar.
02:21Hawak na ng mga polis ang suspect na ginawa yun dahil gusto raw niya mabasbasan.
02:26Ang gusto ko lang po mabasbasan.
02:28Yun po. Yun po ang gusto ko.
02:31Depende nila sa kanila kung masamang tingin nila sa akin.
02:34Dahil gusto ko mabagang buhay ko.
02:37Ikaw hindi masamang tingin mo sa inyo?
02:39Hindi nga. Sumuko naman ako ako eh.
02:42Kung hindi ako sumuko, wala ko.
02:46Baka yung nagtataguna.
02:47Giit pa niya, wala siyang maling ginawa.
02:49Hindi po. Hindi po mali yun.
02:51Nagsisisi ka pa sa ginawa ko?
02:53Hindi.
02:54Sabi ng magulang, wala daw bisyo yung bata.
02:57Pero nung nandito na yung bata ay nanghihingi siya ng sigarilyo sa mga kapwa preso niya.
03:04Ang tinanong natin ay sabi niya ay nakagamit siya ng mariwana.
03:12Nabili niya online.
03:13Mahaharap ang suspect sa reklamong paglabag sa Article 133 ng Revised Penal Code o Offending Religious Feelings.
03:20Saklaw niya ng mga aksyong notoriously offensive o labis na nakakabasto sa mga mananampalatayan na ginawa sa isang lugar para sa religious worship o sa kalagitnaan ng religious ceremony.
03:30Kakaibat ito ang parusang hanggang 6 na buwang pagkakakulong.
03:34Para sa GMA Integrating News, Bam Alegre, ang inyong saksi.
03:38Umabot na sa apat na lokal na kandidato ang inisyuhan ng show cause order ng Comelec dahil sa mga kontrobersyal na pahayag.
03:44Ang pinakabago, isang kandidato sa pagkagobernador sa Davao de Oro.
03:49At sa Maynila, sinulatan din ng Comelec ang isang kandidato sa pagkakonsihal dahil sa anilay sexually suggestive elements sa campaign jingle.
03:57Saksi, si Sandra Ginaldo.
03:59Kampaign jingle ito ng vlogger na si Moka Uson, kandidato sa pagkakonsihal sa Maynila.
04:13Pero hindi ito pasok sa panlasa ng Comelec.
04:16Kaya sinulatan ng Comelec Task for Safeguarding Against Fear and Exclusion in Elections si Uson
04:21at tinukoy ang sexually suggestive elements nito.
04:25Maaaring maging dahilan daw ito para hindi mapag-usapan ng seryoso ang polisiya, pamamahala at kinabukasan ng mga komunidad.
04:33Itigil na lang po muna yung pagpapalabas niyan.
04:36Kung nagkagasos niyan, eh ganun po talaga yung consequence niyan.
04:40Kasi sana po naman ay napag-isipan muna natin bago natin inilabas o bago natin ginamit yung isa pong materiales
04:46na maaaring pong maka-offend sa sensitivities and sensibilities ng mga tao, lalo na po mga kababaihan.
04:52Sabi naman ni Uson sa kanyang sulat sa Comelec, inutusan na niya ang kanyang campaign team na itigil ang paggamit ng jingle.
05:00Nire-review na raw nila ang lahat ng kanilang content para matiyak na pasok ito sa standard of decency
05:06at akma sa public discourse and electoral engagement.
05:11Sulat pa lang ang pinadala ng Comelec kay Uson pero posible raw itong maging show cause order depende sa gagawing hakbang nito.
05:18Show cause order naman ang in-issue sa gubernatorial candidate na si Davao de Oro,
05:232nd District Representative Ruel Peter Gonzaga dahil sa mga naging pahayag niya sa tatlong magkakahiwalay na pagtitipon.
05:31Ang video ito na nakarating sa Comelec kuha o man noon sa Bulawan Festival noong March 8.
05:36Ginugunita rin noon ang International Women's Day.
05:39Ang mga lalaki, maayo kayo.
05:43Kaumpang mga babae, maayo pa mo ba?
05:52O mas maayo pa mo sa mga lalaki?
05:55Oo.
05:56Oo na yung mga pangutan na kikinahanglan tubago ninyo.
06:00Nga naman, muingon na yun mo.
06:03Kaming mga babae equal me sa mga lalaki.
06:07Di na natinuod ka ron.
06:09Kaya kasagaran sa babae, mupili na asamang ko sa ilalong o sa taas pangho.
06:16Binanggit din sa show call's order ang payag ni Gonzaga sa isang kandidato sa pagka board member sa hiwalay na pagtitipon.
06:24Pero suntihanda mo, si ***, 14 years na na byuda, sigurado ko na pilot na lang iya.
06:34Sokol, sokol magagagway din eh.
06:36Sa isang kampanya, may ganito naman siyang sinabi.
06:42Ayon sa Comelec Task Force Safe, posibleng paglabag ang mga yan sa resolusyon ng komisyon laban sa diskriminasyon at sa fair campaigning guidelines.
06:52Partikular dyan ang probisyon sa discrimination against women at gender-based harassment.
06:57Tatlong araw ang ibigay kay Gonzaga para ipaliwanag kung bakit hindi siya dapat sampahan ng election offense o petition for disqualification.
07:06Hinihingan namin ang reaksyon si Gonzaga pero wala pa siyang tugon.
07:11Pag-aarala naman ang Comelec ang paliwanag ng congressional candidate sa Pasig City na si attorney Christian Sia, kaugnay ng payag niya sa single mothers.
07:20Minsan, sa isang taon, ang mga solo parent na babae na nire-regla pa, pwede sumipin mo sa akin.
07:27Paliwanag ni Sia, hindi naka-discriminate o nakaharas ng babaeng solo parents ang pahayag niya.
07:34Hindi rin daw nawalan ang solo parents ng fundamental human rights at freedom.
07:39Maaring magaspang dawan dating ng kanyang pananalita pero bahagi raw ito ng kanyang freedom of speech o kalayaang magpahayag.
07:47Aminado ang Comelec na hindi nila mababantayan ang lahat ng ito kaya nagpasalamat sila sa mga nagpo-post ng video ng mga kandidato online.
07:55Ayaw natin sa mga ganyang klase na pag-uugali. 44,000 po ang kandidato natin.
08:03And therefore, hindi po namin kaya i-monitor lang. Pero naandyan po lahat ng sambayanan. Para i-monitor yan, nanunood po kami.
08:10Para sa GMA Integrated News, ako si Sandra Aguinaldo, ang inyong saksi.
08:16Pinalaya na ang driver na SUV na nag-viral matapos biglang humarurot pa atras at makabanggan ng ilang sasakyan sa Quezon City.
08:23Saksi, si Rafi Tima.
08:29Hindi lang isa kundi maraming netizen ang nakapag-video sa SUVing bumangga sa isa pang sasakyan.
08:35Kausap na ng polis ang driver ng SUV nang biglang umatras ang SUV at nagpaikot-ikot pa sa isang gastrolinahan.
08:44Paglilinaw ngayon ang Quezon City District Traffic Enforcement Unit, hindi nagtangkang tumakas ang driver ng SUV.
08:49Kung babalikan nga ang unang bahagi ng isa sa mga video, makikita ang may tila inaabot sa loob ng SUV ang polis na kausap ng driver.
09:06Pinapapatay sa kanya yung sakyan, yung kukunin yung SUV. Kaso parang hindi makausap na maayos yung driver. Napaka na naman ulit niya yung silindidor kaya hanggang umatras.
09:18Pinalaya na ang driver na 68 taong gulang at isang retaradong US Navy matapos makipag-areglo sa lahat ng nabangga.
09:25Inako niya ang pagpapaayos sa mga nasirang sasakyan, maayos na rin ang kanyang kondisyon ayon sa polis siya.
09:30Hindi na itutuloy ang reklamang reckless imprudence resulting in damage to properties na unang binanggit ng polisya na posibleng niyang makaharap.
09:36Ayon sa polis siya, may matututunan sa karanasang ito ang iba pang nagmamaneho, lalot marami ang magbabiyahe ngayong Semana Santa.
09:43Pag magta-travel sa daan, dapat maayos yung, di lang maayos yung sasakyan, dapat maayos din ang kondisyon na nagmamaneho.
09:52Para sa GMI Integrated News, Rafi Pima ang inyong Saksi.
09:58Ilang araw, bago ang inaasang dagsan ng mga bakasyonista sa Semana Santa,
10:02nagkasunog po sa barkong nakadaong sa Pantalan sa Occidental Mindoro.
10:08Saksi, si Oscar Oida.
10:09Abala sa pagkakarga ng mga pasahero at kargo ang MV Roro Master 2
10:17nang magkasunog sa parkong nakadaong sa Abra de Ilog Port sa Occidental Mindoro.
10:23Sa ulat ng Philippine Coast Guard District Southern Tagalog,
10:26pasado alas 9 ng umaga, nang biglang sumiklab ang apoy sa deck generator ng barko.
10:32Wala namang nasaktan sa halos 70 sakay ng barko at naapula ang sunog matapos ang 20 minuto.
10:40Iniimbestigahan ang sanhinang sunog.
10:42Sa North Park Passenger Terminal sa Maynila,
10:45tauwi na sa probinsya ang ilang pasahero para sa Semana Santa.
10:49Kasi pag Holy Week na, next week na, dami ng pasahero, makasikip na talaga.
10:59Kaya agahan ko na ang pag-uwi kasi malayo po yung sa amin eh.
11:03Pamahalan yung ticket pag Holy Week na.
11:06Ayon sa Philippine Ports Authority, asahan ng dagsa ng tao simula April 14 hanggang 20.
11:12Posible rong umabot sa halos 2 milyong pasahero ang maglalakbay sa mga pantalan sa buong bansa.
11:18Mas mataas kumpara noong nakarang taon.
11:21Ito po yung bulsot na nagsabay po kasi itong Holy Week sa kayong summer season.
11:25From last year po, it's March.
11:27And ngayon po April.
11:28So karamihan sa mga kapabayan natin, yung iba po isasabay na yung travel nila sa vakasyon.
11:34Ngayon po Holy Week.
11:35Nagbabala naman ang Paranaque Integrated Terminal Exchange sa publiko.
11:40Laban sa isa umurong peking website.
11:42Paalala ng PITX, ang kanilang opisyal na website ay www.pitx.ph.
11:50Mas mabuti raw na bumili ng ticket sa mismong terminal o bus company para hindi maloko.
11:57Naghahandaan na rin ang mga airline company sa inaasahang dagsa ng mga pasehero.
12:02May mga inihandang libring shuttle para hindi maabala sa paglipat sa mga terminal.
12:08Inaasahan naman ang nasa 150,000 turista sa Baguio City sa susunod na linggo.
12:15Mas makabuti raw na maagang planuhin ang biyahe at siguraduhin sa lehitimong booking sites lamang kumuha ng akumodasyon.
12:23Unfortunately, there are fake pages or fake accounts that offers.
12:30We have a tourist support platform.
12:33So, we have, our FB page is active 24-7.
12:38So, they can just message anytime.
12:40We have agents who can address their concerns.
12:44Para sa GM Integrated News, Oscar, oid ang inyong saksi!
12:49Maggit 3,000 na ang bilang ng patay sa magnitude 7.7 na lindol sa Myanmar noong March 28.
12:55At isa po sa kanila, kumpirmadong Pilipino.
12:58Saksi, si Mark Salazar.
13:00Mahigit isang linggo mula nang gumuho ang Sky Villa Condominium dahil sa magnitude 7.7 na lindol sa Mandalay, Myanmar.
13:14Isa sa apat na Pilipinong naiulat na nawawala roon, kumpirmadong nasawi.
13:20Napanood ni Kathleen Aragon via video call ang pagkremate sa nasawing asawang si Francis sa Myanmar kanina.
13:26Yung hope namin sa Panginoon talaga na maibabalik siya sa amin ng buhay.
13:33Yung hope namin.
13:35Though, yun nga, yung sinabalitaan na namin nangyari, nagpapasalamat pa rin po kami kasi naibalik siya sa amin, nakita namin siya.
13:43Naulila ng OFW ang dalawang anak na edad 4 at 2.
13:47Yung sakit na nararamdaman ko ngayon, hindi ganun yung nararamdaman nila.
13:52So gusto kong maalala nila yung tatay nila na masayahin, na mahal na mahal sila, hindi yung pain ngayon na nararamdaman ko.
14:01Patuloy ang pagkahanap sa tatlo pang Pilipinong nawawala kasunod ng lindol.
14:05Pumabot na sa mahigit 3,600 ang nasawi sa lindol noong March 28 ayon sa mga opisyal ng Myanmar.
14:14Mahigit 5,000 ang sugatan at mahigit 140 ang nawawala.
14:19Ayon sa opisyal ng Thailand na bumisita roon kamakailan, kailangan-kailangan ng mga field hospital ang pagkain, water filter, daddag na shelter at kulambo.
14:30Di bababa sa 24 naman ang patay sa lindol sa Thailand.
14:35Labimpito sa kanila mula sa ginagawang skyscraper na gumuho noong lindol.
14:40Mahigit 70 ang nawawala pa rin.
14:42Kabilang sa iniimbestigahan ng construction plan ng gusali, pati ang kalidad ng materyales na ginamit.
14:49Dito sa Pilipinas, binigyan diin ang halaga ng pagiging matibay ng mga istruktura bilang pagkahanda sa the big one.
14:56Ang tinatayang magnitude 7 na lindol, posible raw nasa Metro Manila ang sentro dahil nasa ilalim nito ang West Valley Fault.
15:04Sa mga random inspection na ginagawa ng Philippine Iron and Steel Institute, 30% ng mga bakal na nasusuri nila ay hindi pumapasa sa standards.
15:14Worst case scenario, may guguho po yung bahay nyo or building.
15:19Worst case scenario, yun ang iniiwasan po natin.
15:24Pagbibili po kayo sa tindahan, isukatin nyo po.
15:28Minimum length is 6 meters.
15:30So kung may panukat kayo, kung mas maiksisa sa 6 meters, substandard na po yun.
15:35Ang dapat pong tingnan ng ating consumers ay yung logo po na nandun po sa steel bars.
15:40Yung logo po, approved po yun ng BPS and makikita po yun sa website po ng BPS.
15:45Sa mga bundles po, required po na may bundle tags.
15:48Pinapalagay din po or required po ng ating regulation na nandun po yung PS license mark as well as yung license number ng manufacturer.
15:55Para sa GMA Integrated News, ako, si Mark Salazar, ang inyong saksi.
16:02Halos 14 milyon pisong halaga ng umunoy shabu ang nasabat sa by-bust operation sa Negros Occidental.
16:08Arestado ang isang suspect na siya raw nagbabagsak ng droga sa probinsya at iba pang kalapit na lugar.
16:15Inaalam pa ng PIDEA kung saan galing ang mga droga.
16:19Patuloy ang isnasagawa nilang profiling para malaman kung iisa.
16:23Ang pinanggalingan nito at ng halos isang bilyon pisong halaga ng shabu na narecover naman sa Calapan, Oriental Mindoro.
16:30Wala pa pahayag ang suspect.
16:3342 Chinese national ang inaresko sa isang resort sa Quezon.
16:37At karamihan po sa kanila, hindi dokumentado.
16:40Saksi, si John Consulta, exclusive.
16:46Kasama mga tauan ng Bureau of Immigration at PAO,
16:50pinasok ng mga tauan ng Calabarzon Police ang resort na ito sa Alabat Island sa probinsya ng Quezon.
16:56Inabutan sa loob ng high-end resort ang 42 Chinese nationals.
17:01Karamihan, pawang undocumented.
17:03Ayon sa PRO-4A, nakatanggap sila ng impormasyon ng mayat-mayapagbiyake via Roro
17:09ng by-batch ng mga nakaban na Chinese nationals papasok sa isla.
17:13Iba't-ibang trabaho raw ang pinapasok ng mga nahuling Chinese nationals
17:16na nakatira raw sa resort at sarado sa ibang turista.
17:20Because of the bullion, yung influx nila.
17:23And pag sumasakay kasi sila ng barko papunta dun sa isla,
17:28is hindi na sila lumalabas dun sa van na sinasakyan nila.
17:33Kinukumpirma ng PAO kung ang mga nahuling Chinese
17:35ay galing sa Pogo, Saporak at ibang lugar na nakaiwas sa kanilang mga naging operasyon.
17:40It's quite normal na makakapita ka ng mga foreign nationals doon.
17:44So, ito na naman yung sinasabi nating hiding in plain sight.
17:48So, siguro nakakita sila ng ito yung isa sa pinakamagandang lugar
17:54kung saan pwede silang magsimula ng kanilang scamming activity.
17:59Wala pa rin pahayag ang mga naharestong Chinese nationals.
18:02Dadaluhin sa tanggapan ng BI ang mga naharestong Chinese
18:05para subay nalim sa proseso.
18:07Meron din tayong mga nakita ng mga undocumented aliens
18:10at saka mga working without permits.
18:12Sila po lahat ay sasambahan ng deportation case
18:15dahil sa paglabag po nila sa ating mga batas.
18:19Pagkatapos po nito, sila ay ide-deport at iba-blacklist.
18:23Para sa GMA Integrated News,
18:25John Konsulta ang inyong saksi!
18:28Hindi po gaya sa Senado kung saan kalahati lang ng 24 na pwesto
18:42ang kailangan po na tuwing eleksyon.
18:44Lahat po na upuan sa mababang kapulungan ng Kongreso
18:47kailangan po na katabotohan.
18:49At ngayon po eleksyon,
18:51tatlong daan at labimpitong upuan ang pinaglalabanan.
18:55Dalawampung posyento po yan,
18:57pupunan ng mga mailuluklok na kinatawa ng mga party list.
19:01Pero ano nga ba?
19:02Ang party list at ang kanilang kahalagahan sa pamahalaan.
19:06Alamin sa pagsaksi ni Nico White.
19:081995, nang may isa batas ang Party List System Act.
19:22At sa mga nagdaang eleksyon mula noon,
19:25alam ba ng mga Pilipino kung ano ito?
19:29Hindi, hindi ko alam yung party list na yun.
19:32Eh, paano ka bukubota dati?
19:34Ano na, yung ano na yung makita ko na ano,
19:36na pangalan, katulad pag gawinan sa amin,
19:39mga kasama namin,
19:40na nirecommend?
19:42Hindi ko po talaga alam.
19:44Parang company ba yun o ano?
19:46Pero parang nalilito rin ako kung ano pang ano dyan eh.
19:51May tatlong grupo na maaaring lumahok sa party list system.
19:55Nariyan ang mga sectoral parties or organizations
19:57na kumakatawan sa mga marginalized at underrepresented sectors.
20:02O yung mga hindi napapansing grupo sa bansa,
20:04pati sa mga sektor na walang well-defined political constituencies.
20:09Kasi wala silang baluarte, wala silang teritoryo,
20:12na talagang solid yung support sa kanila.
20:14Dito pumapasok yung party list system.
20:16Ang objective ay i-represent tayong kanilang region,
20:21advocacy, interest, or sector.
20:23Maaaring rin lumahok ang national parties at organizations,
20:27gayon din ang regional parties at organizations.
20:29Depende sa dami ng boto ang basihan para makakuha ng utuan sa House of Representatives ang party list.
20:38Irarank ang mga party list batay sa bilang ng boto.
20:41Ang mga nakakuha ng at least 2%, garantisadong mabibigyan ng tingisang seat.
20:47Ang makakakuha ng lampas sa 2%, pwedeng mabigyan ng hanggang tatlong seat.
20:51Kung di paubos ang mga posisyong nakalaan sa mga party list,
20:55pwede pa rin makakuha ng posisyon yung mga hindi umabot sa 2%,
20:59batay sa kanilang ranking sa boto,
21:02hanggang sa mapuno ang mga posisyon para sa party list.
21:05Sa House of Representatives, 80% o 254 seats ay bubuoy ng mga congressional district representatives.
21:1220% naman o 63 na mga yan ay magmumula sa mga party list.
21:17Eh talaga bang marginalized o underrepresented ang kakatawanin nila?
21:24Sa pag-aaral ng election watchdog ng kontradaya,
21:28natuklasan nilang 40 sa party list ay konektado sa mga political dynasty.
21:3325 naman ay sa mga malalaking negosyo.
21:3618 naman ay konektado sa mga polis o militar.
21:4019 isa, mayroon daw kahinahinalang advokasya.
21:447 ang may kaso kaugnay sa korupsyon.
21:46Ayon sa isang political scientist, may problema talaga ang party list system
21:51kaya nakakapasok ang ibang hindi naman nararapat sa posisyon.
21:55Nagkaroon daw kasi ng dalawang disisyon ang Korte Suprema,
21:58kaugnay sa interpretasyon ng Party List System Act.
22:01Yung isa kay Justice Art Panganiban
22:05at yung isa naman ay si Justice Antonio Carpio.
22:09Doon sa kay Justice Panganiban,
22:14sinusugan niya yung spirit of the law ayon sa Constitution
22:19na ang party list system ay isang social justice tool
22:25na dapat ay para sa mga marginalized at underrepresented
22:30at iba't ibang sektor ng lipunan.
22:33So nakalista yung ibang sektor at iba pa.
22:38Para naman kay Justice Antonio Carpio,
22:42ito ay proportional representation.
22:45Ito ay tungkol sa partido.
22:48So whether partido ka ng sektor,
22:52o partido kang nasyonal,
22:53o partido ka ng reyon o lokal,
22:56ang pinalalakas mo dapat dito,
22:58partido.
22:59At hindi personalidad.
23:03Ang disisyon ni Retard Senior Associate Justice Antonio Carpio
23:06ang uminiral ngayon.
23:08Hindi kailangang niyembro ka ng sektor na nire-represent mo,
23:11basta pareho kayo ng advokasya.
23:13This opened the floodgates for all the dominant interests
23:19to raid the party list system
23:22and appropriate the spirit of the law
23:26and the party list election
23:28towards the interest of dynasties,
23:31celebrities,
23:33and even contractors.
23:35Unfortunately, yan na nga yung nakita natin
23:37na 3 in the past elections.
23:39So kung ikaw ay political family,
23:42eh ang party list,
23:42kung kontrolado mo ang progrinsya mo
23:44o ang syudad,
23:46you have 200,000 votes,
23:48at least you get one seat in the party list system.
23:50Sa ngayon,
23:51iba't ibang panukalang nakahain
23:53sa Kamara at Senado
23:54para sa reforma ng party list system.
23:57Dati na rin sinabi ni Comelect Chairman
23:59George Irwin Garcia
24:00na kailangang amyendahan ng Party List Act.
24:03Kasi may mga pumasok
24:04because padami na rin pong mga political families
24:07ang nagke-create ng party list.
24:10Kasi narealize na nila,
24:11eh bakit nga ba?
24:12Eh, tutal naman,
24:12pag nagkampanya,
24:13isang balota lang,
24:14isang sample balot,
24:14tayo na lang ang magpatakbo
24:16kesa'y magsasama tayo.
24:17So padami na rin pong ganon.
24:19And alam natin,
24:20kahit paano may buka ito kasi sila eh.
24:22Tapos yung traditional
24:23ng mga party list organizations,
24:25nawawala.
24:27Nawawala.
24:28Yan na po yung present reality.
24:30Maraming nagsasabi na dapat i-abolish na
24:32dahil wala naman silbe.
24:33Ang sa akin,
24:34hindi dapat i-abolish,
24:37kundi ayusin.
24:40Tulad ng palagi nating sinasabi,
24:42na sa kamay ng mga botanteng Pilipino,
24:45ang desisyon,
24:45kung sino ang maluluklok sa pwesto.
24:48Dapat tignan ng botante,
24:50whether kandidato yan
24:51or a party list group,
24:52ano ba yung plano,
24:53ano yung programa.
24:54Kasi kung general motherhood statements
24:57lang ang sinasabi ng isang
24:58party list group ay,
25:00iwasan natin yan.
25:01Kailangan makakita tayo
25:02ng plano o programa talaga.
25:03Sa dami ng party list
25:05na tumatakbo ngayong eleksyon,
25:07di isa lang naman
25:08ang maiboboto ng bawat isang botante.
25:10Bagamat isa lang,
25:12siguraduhin ang boto mo
25:13ay kakatawan sa sektor
25:14na kadalasan ay walang boses
25:17para matulungan.
25:19Para sa GMA Integrated News,
25:20ako si Niko Wahe,
25:22ang inyong saksi.
25:2433 araw na lang bagong eleksyon 2025
25:27at tuloy-tuloy
25:28ang masugid na panunuyo
25:30ng mga kanilato
25:30sa pagkasenador
25:31sa iba't ibang bahagi ng pansa.
25:34Ating saksihan!
25:40Nakipagdayalogos
25:40sa mga mangisda
25:41ng Kalapan Oriental Mindoro
25:43si Ronel Arambulo.
25:45Kasama niya,
25:46si Liza Masa.
25:49Si Representative Arlene Grossas
25:51isinulong ang proteksyon
25:52ng LGBTQIA plus sa tarla.
25:54Tutol si Teddy Casino
25:55sa dredging operation
25:57sa Occidental Mindoro.
25:58Suporta sa mga lokal na lider
26:01ang binigyan diin
26:02ni Senator Pia Cayetano
26:03sa Nueva Ecija.
26:05Reforma sa K-12 system
26:06ang isinusulong
26:07ni David D'Angelo.
26:09Pagpapalakas sa mga korte
26:11laban sa korupsyon
26:12ang naisi-attorney
26:13Angelo de Alban.
26:14Lumahok sa isang prayer vigil
26:16si Namimi Doringo
26:17at Amira Lidasan
26:18sa Bogsuk, Palawan.
26:20Pagtuldok sa political dynasties
26:21ang tinalakay
26:22ng Lok Espiritu.
26:24Pantay-pantay na sahod
26:25at reforma sa lupa
26:26ang ilang sa binigyan diin
26:27ni Modi Floranda.
26:28Jerome Adonis
26:29at Danilo Ramos
26:31sa Oriental Mindoro.
26:35Pagpapalawig ng OFW Hospital
26:36ang isinulong
26:37ni Senador Bongo.
26:39Sa Pangasina
26:40naglatag ng plano
26:41sa food security
26:42si Ping Lakson.
26:43Pagpapaulad ng turismo
26:46ang isinusuro
26:47ni Senador Lito Lapid
26:48sa Laguna.
26:49Nakiisa sa araw
26:50ng kagitingan
26:51sa Lano del Norte
26:52si Congressman Rodante Marcoleta.
26:55Si Kiko Pangilinan
26:56pagpapabuti
26:56ng lagay ng magsasak
26:57at magigisda
26:58ang itinulak.
27:00Hinikayat naman
27:01ni Ariel Carubin
27:01ang mga kabataan
27:02na ipaglaban ng bansa.
27:03Nangampanya naman
27:06sa Nabotas at Malamon
27:07si Willy Rebillame.
27:10Kinoon dinan
27:10ni Sen. Francis Tolentino
27:12ang bagong pangaharas
27:13ng China
27:13sa West Philippine Sea.
27:15Pagambiyanda
27:16sa Rice Tarification Law
27:17ang gusto
27:18ni Benhur Abalos.
27:21Nagikot sa Bicol Region
27:22si Mama Kino.
27:23Patuloy namin
27:26sinusundan ang kampanya
27:27ng mga tumatakbo
27:28senador
27:28sa eleksyon 2025.
27:31Para sa GMA Integrated News,
27:33Ivan Mayrina
27:34ang inyong saksi.
27:41Umakyat na po
27:42sa mahigit isang daan
27:43ang patay
27:44sa pagbagsak ng Kismes
27:46sa isang nightclub
27:47sa Dominican Republic.
27:48Kabilang sa mga nasawi
27:49ang isang singer,
27:51governor
27:51at dating Major League
27:52baseball player.
27:54Isang daan
27:54at limamputlima naman
27:56ang naitalang sugatan.
27:57Patuloy ang paghahanap
27:58at pagsagip
27:59sa mga natabunan.
28:01Ang sa mautoridad,
28:02hindi pa nila hawak
28:03ang eksaktong bilang
28:04ng mga nasa loob
28:06ng nightclub
28:06ng mangyari
28:07ang trahedya.
28:14Nalalapit na
28:15ang pagdating
28:16ni Mikael Jr.
28:18Sa bagong post
28:19ni Megan Young,
28:20if nenext niya
28:20ang kanyang baby bump.
28:21Hindi rin nila
28:22maitago ni
28:23Mikael Dice
28:24ang excitement
28:24na makita na
28:25ang kanilang baby boy.
28:2728 weeks
28:28pregnant na ngayon
28:29si Meika.
28:32Ibinida ni Dingdong
28:33Dantes
28:33ang bagong set
28:34ng kanyang top rating
28:35game show
28:36na Family Feud.
28:38Ang ipinagmamalaki
28:39nilang set,
28:40eterno,
28:41sa ginagamit na stage
28:42ng Family Feud
28:43sa Amerika.
28:44At hindi na lang
28:45mga player
28:46ang mag-enjoy
28:46dahil maging
28:47ang studio audience
28:48may pagkakataong
28:49manalo
28:50ng cash prize.
28:52Bukod sa
28:53Family Feud,
28:54nakatakdang
28:55magbalik serye
28:56si Dingdong.
28:59Yes, definitely.
29:00So, abangan nila.
29:01Anytime this year,
29:02mag-uumpisa na po yun.
29:03Sugata na isang lalaki
29:05matapos atakihin
29:06ang buhaya
29:07sa Sofronio Española,
29:09Palawan.
29:10Ayon sa kapitan ng barangay,
29:11habang nanguhuli
29:12ng hipon sa ilog
29:13ang lalaki,
29:13ay biglang sinunggaba
29:14ng buhaya
29:15ang kaliwa niyang binti.
29:18Nakipagbunuraw
29:18ang biktima
29:19at ilang beses
29:19na sinaksak ang buhaya
29:21hanggang makawala siya.
29:23Dinala sa ospital
29:24ang biktima
29:24para gamutin.
29:27Mga kapuso,
29:27meron na po ba kayo
29:28mga balak
29:29ngayong Semana Santa?
29:31Dahil meron po
29:31mga lugar
29:32na swakpuntahan
29:33depende sa inyong
29:34magiging trip.
29:35Alamin natin yan
29:36at ating saksihan.
29:41Preskong hangin,
29:43mangandang tanawin,
29:45at tunog ng alon
29:46sa baybayin.
29:47Talaga namang relaxing
29:48ang magpunta sa beach,
29:50lalo ngayong
29:51grabe ang init.
29:52Kaya nga ang iba,
29:53sinusulit na maligo
29:55sa dagat
29:55tulad sa tong
29:56Daligan Beach
29:57sa Dagupan City.
29:59Para po mag-swimming,
30:00saka family
30:02bonding na rin po
30:03kasi minsan lang
30:04huwag kasama-sama
30:05yung family.
30:06Dahil lagsa
30:07ang beachgoers,
30:08todobantay
30:09ang mga magulang.
30:10Para po masabihan sila
30:12na huwag po silang
30:12pumunta sa malalim
30:13na parte
30:14para po hindi po silang
30:15malunod
30:15para po sa kanilang
30:16safety pot.
30:17May nakabantay
30:18ring lifeguard.
30:20Di naman
30:20pahuhuli
30:21ang mga ilog
30:21gaya ng
30:22Nabaoy River
30:23sa Malay-Aklat.
30:24Bukod sa swimming,
30:26pwedeng sumukang
30:27maligo sa kawa
30:28at iba pa ang aktibidad
30:29tulad ng
30:30all-terrain vehicle ride
30:32at zipline.
30:35Kung mapapadpad
30:36naman sa norte,
30:37sungak para
30:38sa Semana Santa
30:39ang pumunta
30:40sa Burgos,
30:41Ilocos, Norte.
30:42Bukod sa preskong
30:43hanging dala
30:44ng wind farm,
30:45may Station of the Cross
30:47na may magandang
30:47tanawid.
30:48Kung gusto naman
30:49sa mismong simbahan,
30:51ituloy na ang biyahe
30:52papuntang Pauay.
30:53Naroon kasi
30:54ang St. Augustine Parish
30:56kung saan
30:57ang mga Station of the Cross
30:58nakaukit
30:59sa mismong pader
31:00ng Pauay Church.
31:03One with nature
31:04naman ang
31:04Via Cruces
31:05sa Datu Odin
31:06Sinsuat
31:07Maguindanao del Norte.
31:09Matatagpuan yan
31:10sa Our Lady
31:10of Lourdes Grotto
31:12na presko rin
31:13dahil napaliligiran
31:14ng mga puno.
31:16May Station of the Cross
31:17para sa di makapaglakad
31:19ng malayo.
31:20At mayroon ding
31:21mas malawak na
31:22estasyong
31:22nakaukit mismo
31:23sa pader
31:24ng grotto.
31:25Pwede rin
31:26manalangin
31:26sa kapilya
31:27at sa religious image
31:29ni Our Lady
31:29of Lourdes
31:30na para sa mga
31:31deboto.
31:32Para sa GMA
31:33Integrated News,
31:34ako si Tina
31:35Panganiban Perez,
31:36ang inyong saksi.
31:39Salamat po sa inyong
31:40pagsaksi.
31:41Ako si Pia Arcangel
31:42para sa mas malaki
31:43misyon
31:44at sa mas malawak
31:45na paglilingkod
31:46sa bayan.
31:47Mula sa GMA
31:48Integrated News,
31:49ang news authority
31:49ng Filipino.
31:51Hanggang bukas,
31:51sama-sama po tayong
31:53magiging
31:53saksi!
32:01Mga kapuso,
32:03maging una sa saksi.
32:04Mag-subscribe sa
32:05GMA Integrated News
32:06sa YouTube
32:07para sa ibat-ibang balita.