Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 2 days ago
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:30Galing daw siya sa Palawan bago siya nagkasakit.
00:32Tukoy na ho ba natin dito sa Pilipinas talaga nakuha itong bakteriya na tumama po sa kanya?
00:38O papaano ho ba yung ugnayan sa inyo kung meron man?
00:42Yes, dyan tayo nahihirapan na Connie dahil lahat tayo sabay-sabay nating nabasa yung showbiz report mula sa Los Angeles Times kasi isa nga siyang batikang aktor.
00:51Ang ating alam lang na informasyon ay di mo meron nga siyang infection at ang tawag nila ay aggressive bacteria.
00:58Pinatanong ho namin na sa Dubai at sa Mexico na rin sa dalawang mga lugar through our WHO International Health Regulations or IHR system.
01:07Kasi hindi ho natin pwedeng panghimasukin dahil wala na ho sa Pilipinas yun, number one.
01:12And number two, nagtanong rin po tayo sa ating mga local health centers, mga surveillance units.
01:17Wala naman po tayong report na nakukuha.
01:20Yung itahong narinig natin mula dun sa publicist ni Manuel, ang sinasabi ay medically induced coma.
01:28Ipaalala ho natin sa lahat ng mga kapuso, pag sinabi ho yung medically induced, hindi ho yun dahil sa bakteriya.
01:33Kasama ho yan sa proseso ng paggamot sa kanya dahil habang naka-ICU siya, ay kailangang patulugin para hindi po siya nasa-stress dahil malamang sa malamang naka-intubate po yung kanyang baga.
01:44Okay. At wala naman din ho tayong natatanggap na parang sabihin na natin, notifiable na disease, patungkol po dyan.
01:55Wala po. Wala ho tayong natatanggap. In fact, Connie, ang hinala namin, ito ay isang bakteriya na makikita sa ating mga dagat.
02:03Hindi ho sa harmful, basta hindi tayo kakain ng hilaw na lamang dagat at huwag tayong lalangway ng may sugat.
02:10Kasi yun yung dalawang paraan kung paano pwedeng makapasok sa ating katawan ang mikrobyo na nasa dagat.
02:16Alright. At tungkol naman ho sa tag-init tayo, kasagsagan nga ho ng mainit na panahon,
02:21papaano ho natin maaring ingatan ang ating mga sarili laban po sa mga sakit, no?
02:25Lalong-lalong na doon sa mga nasa danger level na mga lugar.
02:30Yes, Connie. Ang pinakasuse sa ating heat-related illnesses, yung heat stroke, heat cramps, yung heat exhaustion,
02:37ay tayo dapat laging hydrated. Seven to eight glasses of water kada araw ang dapat ating iniinom
02:44para hindi tayo matuyuan, maliban na lamang kung tayo ay pasyente na may kidney disease.
02:49Segundaan ko na rin, Connie, nung mga ibang madalas na tatanong sa amin.
02:53Sunburn, mag-ingat ho tayo mula 9am hanggang 4pm, yan po yung pinaka mataas yung sikat ng araw.
03:00Gumamit ho tayo ng sunblock, SPF 30 pataas, para huwag tayo ma-sunburn at mag-re-apply every two hours.
03:06Mag-ingat tayo sa mga batang naglalangoy na huwag malunod, lagi hong babantayan at sa food poisoning na rin.
03:13Pag may kilinuto tayo, may binaon tayo, dapat in two hours nakakain natin dahil mabilis hong mapanis ang pagkain sa init ng panahon.
03:20Oho, at ito naman, meron din tayong balita naman tungkol sa ashfall, dyan po sa May Negros Island.
03:27Unang-unang marami hong nasasabi nga talagang mahirap ito, delikado sa mata, sa ating paghinga.
03:33Na ano ho ang maari nilang magawa, lalong-lalong na dun sa nahihirapan na huminga kapag nalanghap ang abo mula sa vulkan.
03:43Tama yun, Ms. Connie.
03:44Ang pinaka-mabisang gawin para sa nahihirapang huminga ay kung kaya, umalis dun sa lugar.
03:50Kaya nga, ang dapat po dito, pag sinabi ng ating local government dun sa Negros Island region,
03:54pag sinabi nila na mag-evacuate, sila kasi nakakaalam kung saan yung takbo ng hangin.
03:59Ayon na rin sa fee box at pag-asa.
04:02At the same time, pwede tayong gumamit ng ating N95 mask. Yan po yung ideal.
04:06Pero pwede rin naman po ang medical mask.
04:08Or kung wala hong mask, kahit anong tela na pwede natin basain ng konti ng malinis sa tubig at itakip sa ating ilong at bibig.
04:16Sa mata, mag-gumamit po tayo ng goggles kung meron po tayo.
04:20Kung wala po ating gumamit ng salamin or kung nasa loob tayo ng isang kwarto, naabutan tayo, Ms. Connie.
04:27Isarado na natin yung mga bintana at yung mga pintuan, yung mga siwang lagyan ng mga tawag natin ng mga tela
04:33para hindi pumasok ang abo habang ito ay nahuhulog.
04:36Alright, maraming pong salamat, Asak, sa inyo pong ibinahagi sa aming mga tips at impormasyon na yan. Thank you.
04:43You're welcome, Connie. Ingat.
04:45Yan po naman si Assistant Secretary Albert Domingo ng DOH.
04:50You're welcome.

Recommended