• 45 minutes ago
Narito ang maiinit na balita sa Balitanghali Express ngayong Huwebes, Pebrero 6, 2025:


-Lalaki, sugatan matapos pagbabarilin ng riding-in-tandem


-Pres'l Communications Office: Termino ni PNP Chief Rommel Marbil, extended hanggang June 2025


-VP Sara Duterte, in-impeach ng Kamara sa botong 215; Articles of Impeachment, ipinadala na sa Senado


-EXPLAINER: Rules of Procedure sa Impeachment Trial kay VPSD


-Babaeng naglalakad sa isang eskinita sa Brgy. Pembo, naholdap; suspek, tinutugis


-Lalaki, patay matapos mahulog mula sa puno ng niyog at mabagok ang ulo


-17, sugatan nang mabangga ng van ang isang closed van


-Kaso ng dengue sa Region 1 ngayong taon, umabot na sa 470; 2, nasawi


-Sweetness nina Miguel Tanfelix at Ysabel Ortega, kinakikiligan online


-PHL Statistics Authority: Unemployment rate nitong December 2024, 3.1% o 1.63M na Pinoy


-Dalawang nagpapanggap umanong PAOCC personnel, arestado


-WEATHER: Maulang panahon, asahan sa ilang panig ng bansa ngayong araw


-Motorcycle rider, sumemplang at muntik magulungan ng delivery van


-DOTr, nakikitang palalawigin pa ang serbisyo ng EDSA Busway imbes na tanggalin ito


-Lalaki, patay matapos pagbabarilin ng dating karelasyon ng kanyang live-in partner; suspek, tinutugis


-Lalaki, patay nang barilin sa ulo; suspek, nakatakas


-Blackpink, usap-usapan online matapos ilabas ang teaser ng "2025 World Tour" nila


-Dating Pangulong Joseph Estrada, unang na-impeach na presidente ng bansa


-INTERVIEW: ASST. PROF. PAOLO TAMAS, PHILIPPINE BAR ASSOCIATION | CONSTITUTIONAL LAW PROFESSOR


-Pampasaherong city bus, pinigilang makabiyahe matapos makitaan ng ilang paglabag sa roadworthiness inspection


-Ilang Kapuso stars, umawra sa "Latina Makeup Challenge"


-Lalaking kukuha sana ng police clearance, arestado nang madiskubreng may warrant of arrest sa kasong attempted rape


-Sunog, sumiklab sa ikapitong palapag ng gusali sa Padre Rada St.; 6 na residente, nailigtas/


Lalaki, arestado dahil sa pagbebenta ng ilegal na droga; mahigit P1.3M halaga ng umano'y shabu, nasabat


-Dalagita, tumalsik matapos sumabog ang manhole na nilagyan niya ng paputok


-Lalaking senior citizen, patay matapos tagain ng kanyang anak


-Sayawan, idinaos sa huling gabi ng burol ng isang lalaki


-Senate Pres. Escudero: Walang impeachment trial habang naka-break ang Kongreso; sa June 2 pa ang balik ng sesyon


-DMW: Main Office at 4 na branches ng isang learning center na nag-aalok ng ilegal umanong trabaho sa Japan, ipinasara


-Alagang aso, kayang buksan ang gate sa kanilang bahay nang walang tulong


For Kapuso abroad, subscribe to GMA Pinoy TV (http://www.gmapinoytv.com/) for GMA programs, including the full version of Balitanghali.

Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time).

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Transcript
00:00Magandang tanghali po, oras na para sa maiinit na balita.
00:12Magandang tanghali po, oras na para sa maiinit na balita.
00:42Tila pangkaraniwang umaga lang ito sa Barangay 187 Tala, North Caloocan noong January 24.
00:53Maya-maya, nabulabog ang mga residente ng tuloy-tuloy na putok ng baril.
00:58Ang mga tao, nagtakbuhan.
01:05Pinagbabaril na pala noon sa basketball court ng barangay ang 55 anos na lalaki.
01:11Anim na tama ng bala ang tinamo ng biktima.
01:14Kwento niya, nagwawali siya sa court nang bigla siyang pagbabarili ng isang lalaking nakasuot ng helmet.
01:21Mga ilang segundo lang habang nagwawalis ako gano'n, nakita ko agad pag ganoon ko, nakatotok na sa akin yung baril.
01:30Patakbo akong palayo sa kanya pero nilalapitan niya ako.
01:33Binaril niya ako ng binaril.
01:35Pagdating dun sa looban, ramdam ko pa may pumapasok pang bala sa kadawan ko.
01:40Nasaksihan pa rao ng 12 anos niyang anak ang pangyayari.
01:43Base sa investigasyon ng pulisya, riding in tandem ang nasa likod ng pamamaril na patuloy pa nilang tinutugis.
01:51Hinala ng biktima, kasabot din sa pamamaril ang ilang opisyal ng barangay na nasa lugar na mangyari ang insidente.
01:58Kilala rao kasi siya na kritiko ng ilang proyekto sa barangay.
02:03Ang alam ko yung gunman, hard killer yun diba? So yun yung nasa isip ko.
02:10Noong pinagbabaril ako, andun sila.
02:13Ang pinagtataka ko lang, yung bumabaril sa akin talagang walang habas.
02:19Parang wala siya nakikitang mga opisyal ng barangay na mga nakainiformin.
02:24Ayon sa pulisya, ang lumalabas sa laysay ng biktima at testigo...
02:29Yung tao ng barangay ay sila ay nakipagsabotan, nakipagtulungan upang gawin sa kanya yung ganong pangyayari.
02:38Paliwanag naman ang barangay nagkataon lang na nandun sila nung mangyari ang pamamaril.
02:44Agad pa nga rao silang tumawag ng pulis.
02:47Ang purpose namin magpupunta dun talagang trabaho lang.
02:51Wala po kami kinalaman talaga totally talagang pangyayari.
02:56Patuloy na inaimbestigahan ang mga otoridadang nangyaring pamamaril.
03:00Frustrated murder ang reklamong haharapin ng mga sangkot sa krimen.
03:04Bea Pinlac nagbabalita para sa GMA Integrated News.
03:09Extended hanggang Hunyo ang termino ni Police General Romel Francisco Marbil bilang hepe ng Philippine National Police.
03:16Batay sa inilabasan ang random ng Malacanang ngayong umaga,
03:20inaprobahan ni Pangulong Bongbong Marcos ang four-month extension ng termino ni Marbil
03:25sa kabila ng compulsory retirement sa age ng 56.
03:30Bukas na dapat nakatakdang magretiro si Marbil.
03:33Noong January 20, sinabi ng Pangulo na napakahalaga ng leadership stability sa PNP,
03:39lalo na ngayong panahon ng eleksyon.
03:43Pitong batayan ang tinukoy sa impeachment complaint na inendorso ng mahigit dalawang daang kongresista
03:49para ma-impeach si Vice President Sara Duterte.
03:52Ang isa po sa mga kapatid ng VP, tinawag na politically motivated,
03:57ang pagmamadali-umanon na maisulong ang impeachment proceedings.
04:01Balitang hatid ni Tina Panganiban Perez.
04:06There is a motion to direct the Secretary General to immediately endorse to the Senate
04:11the impeachment complaint.
04:13Having been filed by more than one-third of the membership of the House,
04:17or a total of 215 members, is there any objection?
04:22The Chair hears none.
04:24The motion is approved.
04:26The Secretary General is so directed.
04:29The session is suspended.
04:42Sa huling araw ng sesyon, inimpeach ng kamara si Vice President Sara Duterte,
04:47matapos 215 na kongresista,
04:50ang nag-endorse sa impeachment complaint.
04:53Sobra yan sa kailangang 102 o one-third ng lahat ng kongresista
04:58para hindi na ito dinggin sa kamara.
05:00Sa listahan ng mga pumabor,
05:02nanguna ang pangalan ni Presidential son at Ilocos Norte Representative Sandro Marcos.
05:08Wala naman sa listahan si Pampanga Representative Gloria Arroyo,
05:12na kilalang kaalyado ng mga Duterte.
05:15Itong batayan ang tinukoy sa ika-apat na impeachment complaint
05:19na inendorso ng mga kongresista.
05:21Una na ryan, ang bantang binitawan ang bises sa isang live broadcast
05:25laban sa Pangulo, First Lady at House Speaker,
05:29kung papatayin daw siya.
05:31May kinakusap na ako na tao.
05:33Sabi ko sa kanya,
05:34kapag pinatay ako, patayin mo si BBM, si Lisa Araneta at si Martin Romales.
05:41No joke. No joke."
05:43Kasama rin ang paglustay umanaw ng pangalawang Pangulo
05:46sa confidential funds ng Office of the Vice President
05:49at ng Department of Education noong siya ang kalihim nito.
05:53At ang pamimigay umanaw ng regalong pera sa ilang official ng DepEd
05:57na may kinalaman sa procurement.
05:59Kasama rin sa articles of impeachment,
06:02ang umanaw'y hindi maipaliwanag na yaman ng bise.
06:05Binanggit rin ng murder at conspiracy to commit murder
06:08kabilang ang kahugnayan umanaw ng Vice President
06:11sa extrajudicial killings sa Davao City noong mayor pa siya.
06:16Pati ang mga hakbang umanaw ng bise
06:18na naglalayon daw makapag-destabilize ng gobyerno.
06:22Isa sa mga binanggit noon,
06:24ang pagdalon niya sa maisong rally
06:26kung saan binatikos ng ama niyang si dating Pangulong Duterte,
06:30at si Pangulong Bongbong Marcos.
06:32Tulad ng pagsasabing hindi marunong maging presidente
06:35ang nakaupo at ang pahayag na ito.
06:44Pinakahuling batayan sa impeachment,
06:46ang mga kinilos at sinabi raw ng bise
06:49ay pagpapakita ng pagtataksil sa tiwala ng taong bayan
06:53at mag-abuso sa kapangyarihan
06:55na patunay raw na hindi siya ang cop na maglingkod sa gobyerno.
06:59Si Vice President Sara ang unang bise presidente na impeached sa kasaysayan.
07:04Pero hindi pa siya maaali sa puesto
07:06dahil kailangan pang magsagawa ng paglilitis ang Senate Impeachment Court.
07:11Ang tatlong impeachment complaints na inihain noong Desembre
07:15laban kay Vice President Sara Duterte
07:17ay hindi na itatransmit sa Senado,
07:20kundi sa archives na lang ng Kamara.
07:23Mula sa Kamara, linala ang articles of impeachment sa Senado.
07:29Base sa rules of impeachment ng Senado,
07:32si Senate President Chis Escudero
07:34ang magpe-preside sa impeachment proceedings.
07:37Kasamang iba pang Senado,
07:39tatayun silang mga judge sa impeachment court
07:42kabilang si Senator Bato de la Rosa,
07:45na kaaliyato ng mga Duterte.
08:00Once I have studied the articles of impeachment
08:04at saka noong takbo ng trial, apolitical pa rin ako.
08:09Nag-adjourn na ng session ng Senado
08:11at hindi na talakay ang tungkol sa impeachment complaint
08:14laban kay VP Sara.
08:16Ayon kay Senate Minority Leader Coco Pimentel,
08:19posibleng sa pagbabalik ng session ng Kongreso sa Hunyo,
08:22matalakay ang tungkol dito.
08:25Pwede rin daw amyandahan ng rules
08:27at mapaaga ang pag-convene ng impeachment court.
08:31Kung magmeeting ang mga Senators,
08:34the will of the majority will be partnered.
08:36So, depending kay Senate President yan,
08:38how he wants to handle the situation.
08:40Sa normal course of events, mukhang sa June.
08:43Kasi very extraordinary yung sinasabi ko.
08:46Labay-isang kongresista ang bubuo sa prosecution team
08:50para sa impeachment.
08:51Sinisigap ng GMA Integrated News
08:53na makuha ang panic device President Duterte.
08:56Kognay ng impeachment, pero wala pa siyang official na pag-aya.
09:00Pero noong December, sinabi niyang mabuti na rin
09:03at naihain ang mga impeachment complaint
09:05para masagot niya ang mga akusasyon laban sa kanya.
09:09Ang ilan din sa mga alegasyon sa impeachment complaint
09:12dati na niyang itinanggi.
09:14Ang kapatid naman ng vice na si Davao City 1st District
09:18Representative Paulo Duterte,
09:20sinabing desperate at politically motivated
09:23ang anyang pagmamadali sa impeachment laban sa kanyang kapatid.
09:27Political persecution umano ang pagmamaniobra ng ilang mambabatas
09:32para makakalap ng pirma
09:34at mapabilis ang wala anyang basehang impeachment case.
09:38Sinisigap din namin makuha ang payat ni dating Pangulong Rodrigo Duterte
09:42na nauna ng sinabing tata yung legal counsel para sa kanyang anak.
09:47Tina Pangaliban Perez, Nagbabalita, para sa GMA Integrated News.
09:53Sinubukan po ng balitang hali na kunan ng pahayag
09:57ang vice presidente kaninang umaga.
09:59Ang sagot po ng Office of the Vice President,
10:01magbibigay sila ng statement kung available na ito.
10:04Nasa Senado na nga po ang bola sa kahihinatna
10:07ng pag-impeach ng Kamara kay Vice President Sara Duterte.
10:11Dadaan po ito sa pagilite sa Senado na siyang magpapasya
10:15kung matatanggal sa puesto ang Vice President.
10:18Sa Rules of Procedure on Impeachment Trials ng Senado,
10:21ang Senate President ang presiding officer o mamamahala sa impeachment trial.
10:26Siya at ang mga iba pang senador ang magsisilbing judge sa kaso.
10:30Required silang maging politically neutral
10:33at hindi dapat maka-apekto sa kanilang boto ang anumang ugnayan nila sa vice.
10:38Kung may session pa ang kongreso, tuloy-tuloy po ang paglilitis ng impeachment court
10:43maliban sa weekends at holidays.
10:45Pero dahil nag-adjourn na nga po ang kongreso kahapon
10:48para bigyang daan ang kampanya sa eleksyon,
10:51pwedeng magtakda ng ibang schedule ang Senado para tipunin ang impeachment court.
10:56May kapangyarihan din ang Senado na magpatawag ng mga witness
11:00at patawan ng parusa ang mga hindi susunod sa patakaran sa impeachment trial.
11:08Para tuloy ang mahatulan ng vice,
11:10hindi bababa sa two-thirds na mga senador o labing-anin na boto ang kailangan.
11:15Kung bigo po ang impeachment, mananatili siya sa pwesto
11:18at hindi po pwedeng sampahan ulit ng impeachment complaint sa loob ng isang taon.
11:29Tinutukan ng baril at hinablot pa ng lalaking yan
11:32ang bag ng isang babae sa isang eskinita sa barangay Pembo sa Taguig.
11:36Ang babae natumba pa at nabitawan ang kanyang cellphone.
11:40Tumayo siya at sumigaw para makahingi ng tulong.
11:43Nakuha ng suspect ang cellphone at bag ng biktima na may lamang laptop at wallet.
11:48Kwento ng biktima, naglalakad siya sa C5
11:51nang mapansin niyang sumasabay sa kanya ang isang motorosiklo,
11:55sakay ang suspect.
11:56Nang makarating sa eskinita, sinundan parao siya nito at doon na hinold up.
12:01Inireport na sa barangay at puli siya ang insidente.
12:07Patay ang isang lalaki sa Zampaloc, Maynila
12:09matapos makulog mula sa puno ng nyog at mabagok ang ulo.
12:14Balitang hatid ni Jomer Apresto.
12:18Sa unang tingin, nakakalain mong kung ano lang ang nahulog mula sa punong ito
12:23sa bahagi ng Jundra Street sa Zampaloc, Maynila nitong Martes ng tanghali.
12:27Pero, ang nalaglag, 51-anyos na lalaki.
12:31Ayon sa barangay, nautusan ang lalaki na magputol na mga toyong dahon sa puno ng nyog.
12:37Kasi po doon sa kantong yon, may nagpa-park na van.
12:41Pero hindi po taga barangay namin, sa kabila po yata siya.
12:45Since yung puno ng nyog is marami ng toyong dahon,
12:51sabi niya papabawasan niya para hindi babagsak sa sasakyan niya.
12:56Bago ang aksidente, makikita pa ang may-ari ng van na inabante ang kanyang sasakyan.
13:01Inayos naman ang lalaki ang kanyang lubid at saka siya umakyat sa puno.
13:05Maya-maya, bigla na lang siyang nahulog at nabagok ang ulo.
13:09Ayon sa kanyang asawa, sabay pasa na silang magtatanghalian o mga oras na mangyari ang aksidente.
13:15Di ko expect na papanig siya sa puno. Ang trabaho talaga niya, gumagawa ng bahay.
13:19Sabi, panlimas na sa aakyat, umayaw yung apat.
13:23Na-extra niya kasi bayaran po namin ang bahay.
13:25Sasaguti naman daw ng may-ari ng van at may-ari ng puno,
13:29ang gasto sa burol at pagpapalibing sa lalaki.
13:32Wala ring sinisisi ang pamilya ng lalaki dahil aksidente raw ang nangyari.
13:36Dito sa bahaging ito na matay ang 51 anos na biktima.
13:40Kung mapapansin ninyo, e tad-tad na mga panawagan na bawal ang magparada dito sa lugar.
13:45Pero sa kabila niyan, marami pa rin mga sasakyan ang iligal na nagpaparada dito sa nasabing kalsada.
13:52Sabi naman ng barangay, mas dadalasan nila pag-iikot para pagbawalan ang illegal parking.
13:58Sa ano naman kami, nagro-road clearing kami.
14:01Tsaka sinasabihan din naman namin yung mga tao, park at your own risk.
14:05Joe Merapresto nagbabalita para sa GMA Integrated News.
14:12Ito ang GMA Regional TV News.
14:18Balita mula po sa Luzon, hatid ng GMA Regional TV.
14:21Sumalpok sa isang closed van sa pangasinaan ng isang van na puno ng mga turista.
14:26Chris, anong lagay ng mga sakay?
14:30Unitinakbos hospital ang nasa labing pitong sakay ng dalawang sasakyan.
14:34Ang isa sa kanila naputulan ng paa.
14:37Yan at iba pang mainit na balita hatid ni Jerek Pasilyaw ng GMA Regional TV.
14:44Labing pito ang sugatan sa banggaan ng isang van at isang closed van sa barangay Umanday, Bugalyon, Pangasinan.
14:50Sa investigasyon, pabulinawang van na may sakay ng mga turista nang sumalpok sa closed van.
14:55Itinakbos hospital ang driver ng closed van na naputulan ng paa, kanyang pahinante.
14:59Maging ang labing apat na sakay ng van.
15:01Wala pang pahayag ang mga sangkot sa aksidente.
15:06Isang milyong pisong halaga ng marihuana ang sinira sa taniman ng Tinglayan, Kalinga.
15:10Sa report ng Kalinga Police Provincial Office, natagpuan ang limang ektaryang marihuana plantation sa barangay Lokong sa bayan ng Tinglayan.
15:17Matapos sirain, ay sinunog ng mga otoridad ang mga tanim na marihuana.
15:21Kumuha rin ng ilang samples ang mga otoridad para isailalim sa pagsusuri.
15:25Walang nahuli sa operasyon.
15:27Jarek Pasilyaw ng GMA Regional TV nagbabalita para sa GMA Integrated News.
15:35Dalawa na ang namatay dahil sa denge dito sa Region 1.
15:38Bula rito sa Pangasinan at sa La Union ang dalawang nasawi.
15:41Sa kabuan, batay sa DATOS ang Center for Health and Development Region 1, 470 na ang mga kaso ng denge mula January 1 hanggang 25 ngayong taon.
15:51Mas marami yan sa naitalang 269 cases sa parehong panahon noong nakaraang taon.
15:57Ang pagulan sa unang dalawang linggo ng Enero ang nakikitang dahilan ng ahensya sa pagdami ng mga kaso ng denge.
16:04Ilan sa mga dapat tandaan para makaiwas sa denge, takpan at palagi ang linisin ang mga imbakan ng tubig, panatilihin ang kanilisan sa bahay.
16:13Huwag bagimbak ng mga basura na pwedeng pangitlugan ng lamok tulad ng gulong at mga container.
16:19Magsuot ang mga damit na nagbibigay ng proteksyon sa balat gaya ng long sleeves at pantalon.
16:25Magpulampo para hindi makagat ng lamok kapag natutulog.
16:28At pwede rin gumamit ng mosquito repellant lotion.
16:37Best latest na mga mare at pare!
16:40Kilig overload ang hatid online nina sparkle artist Miguel Tan Felix at Isabel Ortega o Isagel.
16:49Yan ang matamis na surprise kiss na gumulat kay Isabel while posing sa kanyang US TikTok video.
17:01Napa-wow ang ganda naman kasi si Miguel habang pinapanood si Isabel.
17:07Hindi naman maitago ang saya at tawa ni Isabel na nagpa-OMG at sana all sa fans.
17:14Meron na yang 1 million views online.
17:19Speaking of Miguel, if in Lex Nya at iba pang mga Batang Riles boys ang kanilang new look.
17:25Looking handsome as ever sa kanilang hairstyles na Batang Riles version 2.0.
17:31Si Miguel, Kokay De Santos, Raheel Birria at Anton Vinzon.
17:35Chica nila very excited sila sa pag-experiment ng kanilang looks.
17:40Dapat daw abangan ang mas mature, responsible at matinding bakbakan sa serie.
17:46Gabi-gabi yan mula lunes hanggang gernes 8.50pm sa GMA Prime.
17:53Mainit-init na balita, nabawasan po yung mga Pilipinong walang trabaho o unemployed noong huling buwan ng 2024.
18:00Ayon sa Philippine Statistics Authority, 1.63 million ang mga walang trabaho nito pung December o katumbas ng 3.1% ng labor force ng bansa.
18:11Bahagyang nabawasan kumpara sa 1.66 million na unemployed noong November 2024.
18:17Kabilang po sa mga pinaka maraming bagong trabaho nitong December ay sa mga sektor ng Agrikultura, Construction at Security.
18:255.48 million naman ang mga underemployed nitong December.
18:30Sila po yung mga merong trabaho pero mas mababa naman sa kanilang kakayahan o kaya'y nakukulangan sa kanilang kita.
18:38Ayon sa National Economic and Development Authority o NEDA, ang anilay steady o halos walang pagbabago sa unemployment rate ay indikasyong gumaganda na raw ang kalidad ng trabaho ng mga Pinoy.
18:51Samantala, bistado sa Maynila ang dalawang nagpapanggap o manongtauhan ng Presidential Anti-Organized Crime Commission.
18:58Ang modus nila, hingan ng pera ang mga kaanak ng naarestong POGO workers kapalit ng pangakong mapapalayaraw sila.
19:07Ang kalitang hatid ni Salima Refran, Exclusive.
19:22Tinatanggipan ang mabaing ito ang pagtanggap ng marked money sa entrapment operation ng PNP-CIDG, AFP at PAOC sa isang visa consultancy office sa Intramuros sa Maynila, Miyerkulis ng gabi.
19:34Ang siste, nagpapakilala sila bilang mga taga-PAOC, Bureau of Immigration at NBI at kayang magpalayaraw ng mga naarestong POGO worker.
19:44Nakakapagtanggal din daw sila ng pangalan sa mga ide-deport at maging sa blacklist ng BI.
19:51Arestado ang babae at isa pang lalaking empleyado ng opisina.
19:55Si Era, nakuna ng pinagbubuntis nasa matinding stress para lang makapagbayad ng hinihinging 1.1 million pesos ng mga suspect.
20:05Isinanglapa nga ng mga magulang ng nobyo niya ang kanilang bahay sa China para lang makapagbayad.
20:25Naaresto naman sa raid sa Parañaque ang asawa ni Nice at pinagbayad ng 1.1 million pesos.
20:42Pero ang problema, hindi ang PAOC, kundi BI ang nakaaresto sa asawa niya.
20:56Visa consultancy firm rawang opisinang ito pero nago-offer daw sila ng extra service.
21:02Yan ay pagsa-saayos ng iba't-ibang mga dokumento para sa mga banyaga.
21:08Nakita dito ang iba't-ibang mga dokumento, mga passports at mga alien certificates of registration.
21:16Ang lahat ng ito iproproseso ng mga otoridad para sa kasong inihahanda sa mga nahuling suspect.
21:23Ayon sa PAOC, nasa radar na nila ang opisina dahil sa pagiging fixer nito para maging peking Pilipino ang mga dayuhan.
21:30May mga reports na kami natatanggap last year pa, even last year, about sino ba yung fixer o sino ba yung ponduwit na lumalakad ng mga papeles ng mga Chinese.
21:45Especially those who are working sa mga Pogo operations, lumalakad ng mga passport nila para magkaroon sila ng Philippine passports,
21:53magkaroon sila ng birth certificate from PSA and even death certificate kung may gusto silang patayin,
22:00tapos papalitan nila ng bagong identity, gagawa nila ng bagong certificate. Ito yung hinahanap namin."
22:07Marami na raw na biktima ang grupo, kabilang ang mga nanay ng mga Pogo babies.
22:13Gate ng PAOC may mga kasambot rawang grupo sa iba't ibang ahensya ng gobyerno.
22:18Ang mga yan, hindi naman natin titigilan yan, talagang tutugisin natin.
22:22Naaharap ang dalawa sa patong-patong na reklamong robbery extortion, usurpation of personal authority, estafa at grave coercion.
22:31No comment po.
22:33Tumanggi silang magbigay ng pahayag.
22:35Sani Manifra, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
22:44Uulanin ulit ang ilang bahagi ng bansa ngayon pong Webes.
22:47Ayon sa pag-asa, asahan ang katamtaman hanggang malalakas na ulan sa may Northern Samar, Eastern Samar, Dinagat, Surigao del Norte at Surigao del Sur.
22:57Tina-alerto ang mga residente sa bantanang baha o landslide.
23:01Halos buong Visayas at Mindanao ang uulanin sa mga susunod na oras, base po yan sa rainfall forecast ng metro weather.
23:08Asahan din ang ulan sa ilang panig ng Northern Luzon, Aurora at Southern Luzon.
23:13Mababa naman ang chance ang ulanin ang Metro Manila.
23:16Apektado po ngayon ang shear line ang Visayas.
23:19Hanging-amihan naman ang umiiral sa Luzon, habang Intertropical Convergence Zone ang nakakaapekto sa Davao Region at ilang panig ng Karaga Region.
23:28Naitala ng pag-asa ang 13.8 degree Celsius na minimum temperature sa La Trinidad, Benguet.
23:3414.6 degree Celsius sa Baguio City, habang 23.1 degree Celsius naman dito sa Quezon City.
23:43Mula po sa pinakakanan o rightmost lane ng isang kalsada sa Imus Cavite, bigla nalang gumewang pakaliwa ang isang motorcycle rider.
23:52Ayun, sumemplang ang rider sa kabilang lane at nahagi po ng kasalubong na delivery van.
23:57Mabuti na lamang at hindi po siya nagulungan ng van.
24:01Sabi po ng may-ari ng dashcam video, umuulan noon kaya posibling nadulas ang rider.
24:07Hindi na nakuhanan pa sa video kung maayos ang lagay ng rider.
24:14Nakikita na Department of Transportation na mas palalawigin pa ang serbisyo ng bus at sa busway.
24:21Sinabi po yan ni Transportation Undersecretary Jesus Ferdinand Ortega sa panayam ng unang hilit bilang tugon.
24:28Sa mungkahi ng MMDA na tanggalin na ang EDSA busway para maibsan ang trapiko.
24:34Ayon sa DOTR, pinakamabisang paraan din ng transportasyon sa Metro Manila, ang EDSA bus carousel.
24:41Malaking tulong daw ito sa milyong-milyong pasahero kaya mas mainam na palawigin ang serbisyo ng busway.
24:48Sabi naman ng MMDA, tatanggalin lang ang EDSA busway hanggat hindi nadaragdagan ang kapasidad ng MRT3.
24:59Ito ang GMA Regional TV News!
25:04Balita naman sa Visayas at Mindanao mula sa GMA Regional TV.
25:08Patay po ang isang lalaki sa Santa Barbara, Iloilo matapos pagbabarilin ng dating karelasyon ng kanyang ka-live-in.
25:16Sarah, ano ang dahilan ng pamamaril?
25:19Connie, kawalan ng closure sa pagitan ng suspect at dating niyang karelasyon,
25:24ang isa sa mga itinuturing na ugat o manon ng krimen.
25:28Yan at iba pang mainit na balita hati ni John Sala ng GMA Regional TV.
25:35Walong tama ng balang kumitila sa buhay ni Alias Nono sa Santa Barbara, Iloilo.
25:40Ang itinuturong na sa likod ng krimen, ang dating karelasyon ni Alias Maymay, na live-in partner ng biktima.
25:47Kwento ni Maymay, nagkausap ba ang biktima at sospek sa kanilang bahay.
25:51Pero biglang bumunot ng balil ang sospek at binaril si Nono.
25:55Nakuhanan pa ng CCTV camera ang pagtakbo palayo ng biktima.
26:00Hindi na nakuhanan ang sumunod na tagpo pero naabutan daw ng sospek ang biktima,
26:05muling pinagbabaril bago tumakas.
26:08Ayon kay Maymay, sinabihan pa ng kanyang dating karelasyon ng biktima na wala siyang sama ng loob
26:14at tanggap niya ang bagong relasyon.
26:16Malin lang daw at huwag ipagdadamot sa kanya ang mga bata.
26:20Pero sabi na kapatid ng sospek, posibling nagalit ang sospek dahil wala raw closure ang kanyang kapatid at si Maymay.
26:27Pursigidong pamilya ni Nono, nasampahan ng reklamo ang tinutugis pang sospek.
26:34Arestadong isang tricycle driver sa Lapu-Lapu, Cebu matapos siyang saksaki ng kanyang kapwa tricycle driver.
26:40Ayon sa isang saksi, nagpambuno dahil sa hindi pagkakaintindihan ng dalawa sa parking area sa barangay poblasyon.
26:48Hindi raw alam ng saksi kung saan nakakuha ng kutsilyo ang sospek.
26:52Patuloy na nagpapagaling sa ospital ang biktima na nagtamu ng sugat sa kanyang likuran.
26:57Narecover ang ginamit na kutsilyo sa krimen.
26:59Nahaharap sa reklamong frustrated homicide ang sospek na tumangging magbigay ng pahayagan.
27:07Huli, ang 24-anyos na lalaking sospek sa Intrepid Operation ng Regional Anti-Cybercrime Unit 10 sa Cagayan de Oro City.
27:14Ang sospek inireklamo ng blackmailing ng dati niyang kasintahan.
27:18Base sa embesigasyon ng pulisya, nakikipaghiwalay ng biktima sa sospek.
27:22Pero dahil ayaw makipaghiwalay ng lalaki, doonan niya ginamit ang mga hubad na larawan ng biktima bilang panakot na ipopost sa social media.
27:31Nakumpis ka ang cellphone ng sospek.
27:33Ayon sa pulisya, aminadong lalaki sa ginawang pananakot sa biktima.
27:38Naharap siya sa patong-patong reklamo.
27:40Wala siyang pahayag sa media.
27:42John Sala ng GMA Regional TV, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
27:49Mapibilis na balita tayo sa Negros Occidental.
27:53Patay ang isang lalaking 22-anyos matapos barilin habang nakatambay sa basketball court sa Barangay Bagtik sa Silay City.
28:02Sa ulo tinarget ang biktima ng dipakilalang salarin na mabilis tumakas.
28:07Ayon sa pulisya, isa sa mga tinitingnang motibo ang kasong pagnanakaw na dating kinasangkutan ng biktima.
28:14Sa San Carlos City naman, patay rin sa pamamaril ang isang lalaking 41-anyos sa Barangay Kodkod.
28:21Nag sa cellphone daw ang magsasaka ng lapitan ng mga salarin.
28:25May persons of interest na ang pulisya na dati raw nakaalitan ng biktima.
28:31Trending once again ang K-pop superstars na BLACKPINK.
28:40Kasunod yan ang ginalabas na teaser para sa BLACKPINK 2025 World Tour.
28:45Wala pang inire-reveal na details tungkol sa tour dates at locations nito.
28:50Kaya ang blinks manifesting na BLACKPINK in our area.
28:55Kasabay ng napipintong tour, busy rin si Jenny, Jisoo, Lisa at Rose sa kanilang solo music and acting careers.
29:03Si Lalisa usap-usapan online dahil sa newly released teaser ng single niyang Born Again.
29:10Featured diyan ang artist na si Doja Cat at Rey.
29:16Si Vice President Sara Duterte ang unang Vice President na na-impeach sa Pilipinas.
29:21Balikan po natin ang iba pang mga opisyal ng bansa na humarap sa impeachment sa balitang hatir ni JP Soriano.
29:31Isa ito sa mga di malilimutang tagpo ng administrasyo ni Pangulong Joseph Estrada noong taong 2000.
29:37On the verified complaint for impeachment against His Excellency President Joseph Ejército Estrada
29:43for alleged bribery, graft and corruption, betrayal of public trust
29:49and culpable violation of the Constitution.
29:52Ang pagbabasa sa plenaryo ng Kamara ng articles of impeachment laban kay Estrada,
29:57sinubukan pang pigilan ng kanyang mga ka-aliyado.
30:01In section 3, paragraph 4 of article 11 of the Constitution of the Philippines,
30:06in section 13 of the Rules of Procedures and Impeachment Proceedings to wit,
30:11in case the verified complaint or resolution of impeachment is filed.
30:16The speaker allows to raise a point of order.
30:18Endorsement of the complaint, resolution to the Senate, a verified complaint.
30:22Pero nabigo sila.
30:24Accordingly, the Secretary General is immediately directed to transmit to the Senate
30:31the impeachment complaint constituting the articles of impeachment
30:35together with the verified resolution of endorsement.
30:40Session is suspended.
30:42Dahil dito, si Estrada ang naging kauna-unahang Pangulo ng Bansa na na-impeach.
30:54Hindi ma natapos ang kanyang impeachment trial bonsod ang pagsiklab ng EDSA 2
30:59na nagpatalsik sa kanya sa pwesto.
31:01Dahil kay Estrada na buhay sa bokabolaryo ng mga Pilipino ang salitang impeachment.
31:08Ito yung prosesong nakasaad sa saligang batas para sa pagpapatanggal sa pwesto
31:13ng mga Pangulo, Bisepresidente, mga Miembro ng Korte Suprema
31:17at Pinuno ng mga Constitutional Commission, gayun din ng Ombudsman.
31:23Sa pagsasaliksik ng GMA Integrated News Research,
31:26unang nasubok yan taong 1949 pa lang
31:29ng sampahan ng reklamong impeachment sino'y Pangulong Elpidio Quirino.
31:34Taong 1964, naharap din yan si Pangulong Diosdado Macapagal
31:39at noong 1985 si Pangulong Ferdinand Marcos Sr.
31:44Lahat ng reklamong iyan na basura.
31:47Nagamit din ang prosesong ito laban kay Pangulong Cory Aquino noong 1988
31:52pero hindi rin nagtagumpay.
31:54Si dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sinampahan
31:57ng mga magkakasunod na impeachment complaint mula noong 2005
32:01hanggang 2008 pero wala ni isang nagtagumpay.
32:06Naharap din yan sina dating Pangulong Maynoy Aquino noong 2014
32:10at Rodrigo Duterte noong 2017 pero lahat ay nabasura rin.
32:16Impeachment complaint against Vice President Sara Z. Duterte.
32:21Is there any objection? The chair hears none.
32:24The motion is approved.
32:26Ang pagkaka-impeach ngayon,
32:29Ang pagkaka-impeach ngayon ni Vice President Sara Duterte lumikhari ng kasaysayan
32:35dahil siya ang kauna-unahang vice-presidente na na-impeach sa bansa
32:40pero hindi siya ang unang vice na naharap sa reklamong impeachment.
32:47Si Estrada naharap na rin dito noong panahong vice siya noong 1994.
32:52Gayun din sino'y Vice President Gloria Macapagal-Arroyo noong taong 2000.
32:57Pawang hindi nagtakumpay ang mga yan.
33:00May nagha-hindi ng impeachment complaint kina Vice President Noli de Castro noong 2005
33:05at Leni Robredo noong 2017.
33:08Pero walang nag-endorsong mamabatas sa mga ito.
33:13Sa kabuan, limang opisyal na ng bansa ang na-impeach matapos ang EDSA revolusyon.
33:19Yan ay sina Pangulong Estrada noong taong 2000,
33:22dating Ombudsman Merceditas Gutierrez noong 2011,
33:26dating Chief Justice Renato Corona noong 2012,
33:29dating Comilect Chairman Andres Bautista noong 2017,
33:33at ngayon si Vice President Duterte.
33:38J.P. Soriano, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
33:44Para mas maunawaan ang proseso ng impeachment kay Vice President Sara Duterte,
33:48kumausa po tayo ng eksperto sa batas.
33:50Nakasalang si Philippine Bar Association Committee on Public Issues and Public Relations member
33:55and Constitutional Law Assistant Professor Paolo Tamase.
33:58Magandang umaga at welcome sa Balitang Hali.
34:02Magandang umaga rin sa inyo.
34:04Ano ang unang reaction ninyo sa mga nangyari kahapol patungkol sa impeachment kay Vice President Sara Duterte?
34:12Siyempre nakagugulat ang pagtuloy ng impeachment laban kay Vice President Duterte.
34:19Alam po natin na makailang complaint na rin ang nahihain sa kongreso mga nakaraang buwan.
34:26Pero wala po kasing kagalawan doon sa mga complaint na iyon.
34:30So nung natuloy siya kahapon, kahit mga abogado po nagulat sa mga nangyari.
34:36Pero pa-explica lamang po sa amin itong proseso ng impeachment.
34:40Kasi may mga nagtatanong po na vice president po siya, ano daw mangyayari sa kanyang,
34:46kumbaga trabaho naman bilang isang vice habang nagsasagawa ng impeachment trial sa kanya?
34:52So kapag impeached po ang isang official, hindi pa siya natatanggal sa position.
34:57Nabibigyan po siya ng pagkakataon na maghahain ang kanyang mga depensa kapag nagkaroon ng trial sa Senado.
35:05So dahil hindi pa naman na tumutuloy ang trial at hindi pa nagde-decision ng Senado,
35:11may vice president pa rin si VP Tete at patuloy lang ang kanyang mga tungkulin sa gobyerno.
35:18At ito nga nag-adjoin kahapon ng session ng Senado.
35:22May mga nagsasabi na pwede mag-convene agad-agad kung gugustuhin ng impeachment court ng Senado.
35:29Ano ang pros and cons nito kung saka-sakali na sila magbalik agad sa session before the elections or after?
35:38So bilang pananaw ko as an academic, tungkulin ng Senado na mag-tipon upang pag-decisionan itong impeachment complaint.
35:48Hindi po porket naka-recess, hindi naman sila pwede mag-tipon.
35:52Dahil hindi naman legislative itong ginagawa ng Senado kung nagtapayit sila ng impeachment cases.
35:58May pros and cons po pero political po yung pros and cons na iyon.
36:02Merong efekto sa nalalapit na halalan at baka na efekto na nalalapit na halalan yung decision ng Senado kung itutuloy yung impeachment.
36:12At magkaka-election na nga, banggit ninyo na posibleng magbago yung mga kongresistang prosecutor pati yung senator judge.
36:20Ano ang mangyayari kung abutin ng pagpapalit sa pwesto o yung bagong regular session ng Congress ang impeachment trial?
36:27Parangka lang, hindi malinaw sa batas ngayon kung ano ang mangyayari.
36:34Kung lumampas yung impeachment sa June 30, magka-itay pa ang pananaw ng mga akademiko.
36:39Sa panig ko, palagay ko dapat magtapos din yung trial sa June 30 dahil nag-iiba ang Kongreso pagdating sa June 30. Iba na ang Senado na uupo.
36:50So yung pending business in the Senate and the House, hindi pwede tumawid ng Kongreso at kasama rin ang impeachment.
36:58Maraming salamat sa inyong mga binigay sa aming insights about the impeachment. Thank you.
37:03Maraming salamat din.
37:04Ayan po naman si Assistant Professor Paolo Tamase ng Philippine Bar Association.
37:09Isa namang pampasaherong city bus ang pinigilang bumiyahe mula sa Paranaque Integrated Terminal Exchange o PITX kanina.
37:16Resulta po yan ang random roadworthiness inspection na isinagawa ng Special Action and Intelligence Committee for Transportation o SAICT.
37:24Ang nasabing bus nadeskubring walang kaukulang rehistro.
37:29Expired na rin ang dalang nitong fire extinguisher at hudhud na po yung mga gulong.
37:34Dahil dyan, pinatigil muna ang bus sa Pamamasada at pinalipat ang mga pasahero.
37:40Tumanggi magpa-interview ang bus driver.
37:42Tinayak po ng SAICT na magpapatuloy ang pag-iinspeksyon maging sa mga provincial bus.
37:47Sinisiyasat din daw nila ang ilan pang mechanical aspect ng mga bus gaya ng signal light, taillight at mga preno.
38:01Kagwapa ba oits ng ilang kapuso stars na umawra sa Latina Makeup Challenge?
38:12What an entry from Cassily Gaspi!
38:20Plakado mula props, transition at makeup transformation.
38:24Almost 6 million na ang views niyan.
38:27Casually slaying din sa challenge si Sangre Faith LaSilva.
38:30Kuhang-kuhang eksena kahit nasa loob pa ng sasakyan.
38:33Napa-throwback din ang isang celebrity makeup artist featuring Megan Young.
38:38Glowing ang kapuso, ang beauty ng kapuso actress sa entry.
38:43Kukuha lamang po sana ng police clearance pero diretso kulungan na ang isang senior citizen
38:48matapos madiskubre na may warrant of arrest siya para sa kasong attempted rape.
38:53Balitang hatid ni EJ Gomez.
38:56Sa visa ng arrest warrant, dinakip ng mga polis ang 67 anyos na lalaking ito sa Angon Rizal noong Martes.
39:02Akusado siya sa kasong tangkang pangahalay sa 16 anyos na Dalagita.
39:08Ayon sa polisya, kukuha sana ng police clearance ang akusado para sa kanyang trabaho bilang taxi driver.
39:15Pero nadiskubring may kinakaharap pala siya.
39:19Sa records ng polisya, taong 2015 na ganap-umano ang krimen sa binangonan ni EJ Gomez.
39:25Ang isang celebrity makeup artist featuring Megan Young.
39:29Kukuha lamang po sana ng police clearance pero diretso kulungan na ang isang celebrity makeup artist featuring Megan Young.
39:32Kukuha sana ng police clearance para sa kanyang trabaho bilang taxi driver.
39:36Pero nadiskubring may kinakaharap pala siya.
39:39Ang suspek, hindi niya alam na may existing warrant.
39:43Sa records ng polisya, taong 2015 na ganap-umano ang krimen sa binangonan ni Rizal.
39:48Ang victim is a 16-year-old minor.
39:51Ang masaklab dito is pamangkin ng friend niya mismo.
39:56Friend ng suspect.
39:57Dinala niya sa motel.
39:59Ang victim nakatakas kapag nakipaglaban yung victim nakatakas.
40:09Ayun sa akusado, alam niyang inereklamo siya ng pamilya ng biktima.
40:19Pero di raw niya alam na may arrest warrant na pala.
40:23Aniya, hiningan pa siya ng pera ng kanyang kaibigan na magulang ng biktima.
40:27Nangihirap po kasi ng pera sa akin.
40:30Yung magulang, yung babae.
40:33E ngayon po, hindi ko po napahiram.
40:36Hinolda pa ako eh.
40:38Nabigay ko yung pera ko.
40:41Na 4 mil mahigit po yun.
40:44Aminado rin siyang dinala niya ang minor de edad sa isang motel.
40:47At nagkaroon din umano sila ng relasyon.
40:50Pero itinangina ang paratang na attempted rape.
40:53Hindi ko tinangka. Ginalangkulan ko siya.
40:56Saan po? Anong ginawa niyo?
40:57Sa balikat. Ginalangkulan siya.
41:02Tapos po?
41:03E ngayon, nagsisigaw na. Yung bata.
41:06Nagsisigaw na na.
41:08Nire-rape mo ko. Nire-rape mo ko.
41:11Di kitang nire-rape po eh.
41:13Sabi kong ganun.
41:15Di kitang nire-rape.
41:17Pero nabanggit din niya.
41:19E may gagawin sana. Gawin niya lang. Hindi na nartuloy.
41:23E baala ko sana umano.
41:26Umano po?
41:27Yung makapag-isa. Isang job.
41:31Sa custodial facility ng Angono Municipal Police Station na kadetain ang agusado.
41:37EJ Gomez nagbabalita para sa GMA Integrated News.
41:42Eto na ang mabibilis na balita.
41:45Nasunog ang ikapitong palapag ng gusaling yan sa Padre Rada Street sa Tondo, Manila kahapuan.
41:51Kita pa sa video ang isang residenteng na trap na nasa bintana.
41:55Nasagip mula sa gusali ang anim na residenteng na trap.
41:58Hindi raw sila nakalabas dahil mausot na ang fire exit.
42:02Batay sa embesigasyon, nagsimula sa isang apartment unit ang sunog.
42:06Limang pamilya ang apektado sa insidente.
42:09Pinataya namang isang milyong piso ang halaga ng tinsala ng sunog.
42:14Arestado sa buy-bust operation ng isang lalaki dahil sa pagbibenta ng ilegal na droga sa barangay Ibabang Iyam, Lucena, Quezon.
42:23Nakuha po sa suspect ang mahigit sa 60 gramo ng umanoy shabu na may street value na mahigit 1.3 million pesos.
42:30Walang pahayag ang suspect na mahaharap sa kaukulang reklamo.
42:38Kita sa camera ang pagupo ng dalagitang yan malapit sa ilang manhole sa Chongqing, China.
42:44Maya-maya e biglang sumabog po ang mga yon.
42:47Tumila po naman ang dalagitan.
42:49Napagalamang nagsindi siya ng paputok sa isa sa mga manhole.
42:52Ayon sa mga otoridad, nagtamu siya ng mga bali sa katawan at malalangpaso sa ulo.
43:01Ito ang GMA Regional TV News.
43:05Patay sa pananaga ng sarili niyang anak ang isang lalaking senior citizen sa Davao City.
43:11Batay sa embesigasyon ng pulisya.
43:13Pumunta ang mag-ama sa bahay ng kanilang kaanak para makipag-inuman.
43:17Pero bigla na lang may narinig na kaguluhan sa bahay sabay labas ng anak na may dalang bolo.
43:23Natagpuan namang duguan ang bitima.
43:26Ayon sa isang kaanak, sinugatan pa ng sospek ang kanyang sarili para palabasing una siyang tinaga ng kanyang ama.
43:33Dati na raw humingi ng tulong sa barangay ang ibang kaanak ng sospek para iparehab siya dahil sa pabago-bagong ugali.
43:41Pero hindi raw pumayag ang bitima dahil wala naman daw sakit ang kanyang 26 anos na anak.
43:47Desidino ngayon ng mga naulila ng bitima na sampahan ng reklamong pagpatay ang sospek na nagpapagaling sa ospital.
43:54Wala pa siyang bahayan.
43:58Bawal daw ang saad sa huling gabi ng burol ng isang lalaki sa Bacaray Locos Norte.
44:04Sa harap ng kabaong ng lalaki, party mode at todo bigay sa pagsayaw ang mga kaanak at kaibigan.
44:11Ganyan daw nila piniling alalahanin ng Yumao dahil mahilig din siyang sumayaw noong nabubuhay pa.
44:18Pero kalaunan, hindi rin napigilang maiyak ng mga nasa burol.
44:23Namatay sa aksidente ang lalaki sa edad na 23.
44:28Walang mangyayaring impeachment trial kay Vice President Sara Duterte ngayong nakabreak ang Kongreso.
44:35Yan ang pahayag ni Senate President Cheese Escudero sa isang presscon ngayong umaga.
44:39Sa June 2 pa, magbabalik ang sesyon ng Kongreso matapos ang eleksyon sa Mayo.
44:44Kahapon, natransmit na po sa Senado ang kopya ng articles of impeachment laban sa Vice President.
44:50Pero nag-adjourn ang mga senador ng hindi tinalakay ang tungkol sa impeachment.
44:55Sabi ni Escudero, hindi nila mamadaliin at hindi nila labis na iaantala ang tungkol sa impeachment trial ni Duterte.
45:03Iginiit niya na hindi sila magpapapressure kanino man.
45:07Kaninang umaga rin na nawagan ang makabayan bloc na ipatawag na ang mga senador para masimula na ang impeachment trial.
45:14Sabi nila, disservice sa taong bayan kung hindi aaksyon agad ang mga senador.
45:20Mainit-init na balita, ipinasara ng Department of Migrant Workers ang isang learning center na iligal umanong nagaalok ng trabaho sa Japan.
45:30Sa utos ni Migrant Worker Secretary Hans Leo Kakdak, kinandado ang main office ng learning center sa Panabo Davao del Norte.
45:38Ngayon din, ang apat na branches nito na nasa Maynila, Rosario, Cavite, Davao City at General Santos City.
45:46Ayon sa DMW, hinihikayat nilang mag-enroll ang kanilang mga biktima sa four-month language training sa halagang halos 34,000 pesos.
45:56Nahaharap sa illegal recruitment charges ang pamunuan ng learning center at ang kanilang officers.
46:03Permanente na rin silang denied sa overseas recruitment program ng gobyerno.
46:09Mapapa talaga ba?
46:15Sabi nga, mapapa talaga rao ba kayo sa kanyang gawain?
46:19Kasi itong isang aso sa Infanta Quezon, e ano ba ang cowbility na yan?
46:25Ah, ito na. Mukhang nakatulog yata sa pansita ng asong si Gravy.
46:30Inabutan na rao kasi ng masungit na palahon at napagsara ng pintuan.
46:36Pero ang alaga, caring-caring yung solusyonan.
46:39Push lang ng push at samahan pa ng ilang kagat sa handle.
46:42O, nagpahinga!
46:44Pero hindi nawala ng pausensya hanggang sukses sa nag-open sesame.
46:51Ang problema lang, nabuksan pero nakalimutan yatang isara.
46:56Viral yan online with more than half a million views.
47:01Trending!
47:03Pwede na maging akit mo.
47:06Akit aso!
47:08At ito po ang Balitang Hali, bahagi kami ng mas malaking misyon.
47:11Ako po si Connie Sison.
47:13Kasama niyo rin po ako, Aubrey Carampera.
47:15Para sa mas malawak na paglilingkod sa bayan, mula sa GMA Integrated News,
47:19ang news authority ng Filipino.
47:35.

Recommended