24 Oras Weekend is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Ivan Mayrina and Pia Arcangel. It airs on GMA-7, Saturdays and Sundays at 5:30 PM (PHL Time). For more videos from 24 Oras Weekend, visit http://www.gmanews.tv/24orasweekend.
#GMAIntegratedNews #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
#GMAIntegratedNews #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Category
🗞
NewsTranscript
00:00Tumaob, ang motorbangka na yan sa bayan ng tubigong Bohol.
00:09Ayon sa Philippine Coast Guard, dahil yan, sa malaking alon at malakas sa hangin na sinuong
00:14nito, naaligtas ang sampung sakay nito.
00:19Sa Tagkawayan, Quezon, hinahanap ang dalawang lalaking sakay ng lumumbog na bangka sa ilog
00:25kahapon na umaga.
00:26Kwento ng pulisya, bumangga ang bangka sa mga bakal ng ginagawan tulay.
00:31Dahil malakas ang Agos, tuluyang lumumbog ang bangka.
00:34Nakaligtas ang 4 sa 6 na sakay, kabilang ang bankero.
00:40Ekslusibong nakuhanan ng GMA Integrated News ang pagdating sa Amerika ng viuda ng PNP
00:45officer na nasawi sa air disaster sa Washington, D.C.
00:49Naroon siya para kilalanin ang bangkay ng kanyang mister.
00:52Nakatutok si Jonathan Andal.
00:57Paglapag sa Washington, D.C., hindi napigilang umiyak ni Rio ang may bahay ni Pulis Colonel
01:03Pergentino Malabed, Jr.
01:05Naroon siya para opisyal nakilalanin ang bangkay ng mister na si Bong, na isa sa mga pasahero
01:10ng American Airlines Flight 5342 at kasama sa 67 nasawi, matapos nitong makabanggaan
01:17ang isang Black Hawk helicopter.
01:19Nasa Amerika noon si Malabed para inspeksyonin ang all-purpose vest na binili ng PNP.
01:26Para alalahanin ang mga nasawi, may inilagay ng makeshift memorial malapit sa pinangyarihan
01:31ng insidente.
01:34Sumalubong kay Rio, sinapulis ata si General Moises Villaceran, Jr., Consul General Donna
01:39Rodriguez at kinatawan ng American Airlines.
01:42Mula airport, dinala siya sa hotel, bago'y sa ilalim sa briefing, habang hinihintay na
01:47maproseso ang pagbabalik Pilipinas ng labi ng kanyang mister.
01:50We don't know kung kailan i-release ng ating authorities, mayroon kasing expert na medical
01:57expert yan na nag-examiner, na nag-determine muna kung pwede na i-release o hindi.
02:02So marami pa tayong gagawin, so it takes how many days muna bago siguro mailabas po natin.
02:08Tiniyak ni Consul General Rodriguez na tututukan nila ang documentation ng mga labi ni Malabed
02:14para agarang maiuwi sa bansa.
02:16Di nagpa-interview si Rio, pero ipinaabot niya ang pagpapasalamat sa mga nagdarasal
02:20at nakikiramay sa kanilang pamilya.
02:23Sinpulis ata si Villaceran, itinuturing daw kapatid si Malabed at isa raw sa mga pinakamagaling
02:29na kadete ng PNP Academy Class of 1998.
02:33Bago ang trahedya, nagpadala pa sa kanya ng memo si Malabed para sa isang courtesy call.
02:38Actually, medyo workaholic ang tao na to, no?
02:41Matagal siya dyan sa DL o Directorate for Logistics. Nakaangat siya sa class niya eh.
02:47Nagpahatid din ang pakikiramay sa U.S. Ambassador to the Philippines, Mary Kay Carlson
02:52sa pamilya at katrabahong na ulila ni Malabed.
02:54Para sa GMA Integrated News, Jonathan ang dala ng katutok 24 oras.
03:01Nag-viral ang isang pedestrian lane sa Marikina dahil ang timer sa traffic light nito,
03:06aba, 10 segundo lang.
03:08Ikaw ba, kaya mo iyang tawirin?
03:10Yan ang tinutukan ni Darlene Kay.
03:16Paulit-ulit ang paalala sa lahat na tumawid lang sa tamang tawiran.
03:22Mahigit siyam na rang aksidente ang kinasangkutan ng pedestrians ang naitala sa unang bahagi ng 2024
03:27base sa datos ng GMA Integrated News Research.
03:31May namatay sa 28 na insidente, habang may sugata naman sa 879.
03:37Pero, saan ba lulugar ang pedestrians kung sa mismong itinakdang tawiran,
03:42nababanga pa rin sila?
03:44Ayon sa Republic Act 4136 o Land Transportation and Traffic Code,
03:48prioridad ang pedestrians sa may kalsada na may crosswalk o pedestrian lane,
03:52maliban sa intersections kung saan may traffic enforcer o traffic light.
03:56Sa mga kalsadang walang tawiran, kailangang magbigay daan ang pedestrians sa mga sasakyan.
04:02Pero sa isang bahagi ng Ibonifacio Avenue sa Marikina na may pedestrian lane,
04:06tila nakikipagpatintero sa mga sasakyan ang mga tumatawid.
04:10Mas nakakalito kasi yung iba pong sasakyan, huminto sila, yung iba hindi.
04:14Siyempre nakakatakot, baka may bigla kaming babanggat, diba?
04:18Sa kanto naman ng Sumulong Highway at Katipunan Extension sa Marikina,
04:22may tawiran with matching countdown pa ang pedestrian sign.
04:26Ang problema, sampung segundo lang ang oras para tumawid.
04:33Napagkatuwaan tuloy yan ng netizens.
04:37Pati ako, kumasa sa challenge.
04:40Simula na ng sampung segundo, tignan natin kung kakayanin ko.
04:43Kailangan, kung hindi ka naglalakad ng mabilis, talagang tumatakbo ka para umabot.
04:483, 2, 1.
04:50Umabot tayo doon sa timer, saktong-sakto lang.
04:53Pero kasi isipin nyo medyo bata pa ako.
04:55Paano kung yung tumatawid, senior citizen, PWD, may dalang bata o kaya buntis,
05:01kakayanin ba nila yung sampung segundo?
05:04Masyado maiksi naman yun, di ba?
05:07Eh kung lalo na kung matanda ka, pareho ko, 85 na ako,
05:13eh hindi naman ako pwedeng tumatakbo.
05:15Sa isang mensahe, sinabi ni Marikina Mayor Marci Teodoro
05:19nasa MMDA daw galing ang traffic light pero nag-iimbisigan na rin siya ukol dito.
05:23Sinusubukan pa namin kunin ang pahayag ng MMDA.
05:26Para kay Gus Lagman ng Automobile Association of the Philippines,
05:29may kakulangan sa pagpapatupad ng mga batas sa kalsada.
05:32Dapat laging maingat ang mga motorista lalo kapag nasa intersection gaya rito.
05:37Kapag intersection, dapat mag-minor sila, di ba?
05:40So it's safer to cross sa mga intersections.
05:45Bukod sa mga motorista, dapat responsable rin ang pedestrians.
05:49Sa isang bahagi ng Aurora Boulevard sa Quezon City,
05:52maraming tumatawid sa hindi naman tawiran at kahit may footbridge sa malapit.
05:58Malaki rin daw ang maitutulong ng mas magandang mga infrastruktura,
06:02gaya ng signages at iba pang teknolohiya gaya nitong sa Makati City.
06:14May sensor sa may pedestrian lane,
06:16kaya mapipigilan ng tangkang pagtawid sa gitna ng traffic.
06:19Para sa GMA Integrated News, Darlene Cai nakatutok 24 oras.
06:32.