Narito ang maiinit na balita sa Balitanghali Express ngayong Miyerkules, Enero 1, 2025:
-Mga nasabugan ng paputok, patuloy na dumarating sa Tondo Medical Center
-DOH: Lahat ng ospital at health facility sa bansa, naka-code white alert hanggang Jan.6
-Mga naka-costume, bumida sa New Year's Street Party sa Tondo
-Biktima ng ligaw na bala, umabot na sa 18
-Sunog sa unang araw ng bagong taon, sumiklab sa Malabon at Q.C.
-Usok, bumalot sa ilang lugar sa Manila matapos ang pagsalubong sa bagong taon
-DENR: Karaniwang bumababa ang kalidad ng hangin pagkatapos ng salubong sa bagong taon
-Weather update: Ilang bahagi ng Davao City, lubog sa baha
-Petron, may bawas-presyo sa LPG epektibo ngayong araw
-Ilang taga-Pangasinan, dumalo muna sa New Year's Eve mass bago salubungin ang bagong taon
-3 kotse at 2 motorsiklo, nagkarambola
-All-out performances ng Sparkle stars at PPop groups, tampok sa Kapuso Countdown to 2025
-PBBM at VPSD, nagpaabot ng New Year greetings
-Iba't ibang parties at firework display, bumida sa New Year celebration sa Boracay
-Pagsalubong ng bagong taon sa Davao City, napuno ng ingay sa kabila ng firecracker ban
-Ilang Kapuso celebrities, nag-flex ng kanilang new year celebration
-Interview: F/Supt. Annalee Carbajal-Atienza, Chief, Pis Bureau of Fire Protection
-Mga residente at turista sa Baguio City, nag-indakan sa Salubong 2025 concerts
-23 firecracker-related incidents, naitala sa East Ave. Medical Center
-Interview: P/BGen. Jean Fajardo, Spokesperson, PNP
-2 babae, patay sa lumubog na motorbanca; 6 na iba pa, nakaligtas
-Tambak na mga basura, tumambad sa iba't ibang bahagi ng Metro Manila kasunod ng mga pagdiriwang ng bagong taon
-Luneta, unti-unti muling dinaragsa ng mga namamasyal ngayong huling araw ng long weekend
-Pagsilang ng tinaguriang New Year babies ngayong araw, inabangan sa ilang ospital
-Iba't ibang "diskartips" sa natirang spaghetti sa handaan, bentang-benta online
For Kapuso abroad, subscribe to GMA Pinoy TV (http://www.gmapinoytv.com/) for GMA programs, including the full version of Balitanghali.
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time).
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
-Mga nasabugan ng paputok, patuloy na dumarating sa Tondo Medical Center
-DOH: Lahat ng ospital at health facility sa bansa, naka-code white alert hanggang Jan.6
-Mga naka-costume, bumida sa New Year's Street Party sa Tondo
-Biktima ng ligaw na bala, umabot na sa 18
-Sunog sa unang araw ng bagong taon, sumiklab sa Malabon at Q.C.
-Usok, bumalot sa ilang lugar sa Manila matapos ang pagsalubong sa bagong taon
-DENR: Karaniwang bumababa ang kalidad ng hangin pagkatapos ng salubong sa bagong taon
-Weather update: Ilang bahagi ng Davao City, lubog sa baha
-Petron, may bawas-presyo sa LPG epektibo ngayong araw
-Ilang taga-Pangasinan, dumalo muna sa New Year's Eve mass bago salubungin ang bagong taon
-3 kotse at 2 motorsiklo, nagkarambola
-All-out performances ng Sparkle stars at PPop groups, tampok sa Kapuso Countdown to 2025
-PBBM at VPSD, nagpaabot ng New Year greetings
-Iba't ibang parties at firework display, bumida sa New Year celebration sa Boracay
-Pagsalubong ng bagong taon sa Davao City, napuno ng ingay sa kabila ng firecracker ban
-Ilang Kapuso celebrities, nag-flex ng kanilang new year celebration
-Interview: F/Supt. Annalee Carbajal-Atienza, Chief, Pis Bureau of Fire Protection
-Mga residente at turista sa Baguio City, nag-indakan sa Salubong 2025 concerts
-23 firecracker-related incidents, naitala sa East Ave. Medical Center
-Interview: P/BGen. Jean Fajardo, Spokesperson, PNP
-2 babae, patay sa lumubog na motorbanca; 6 na iba pa, nakaligtas
-Tambak na mga basura, tumambad sa iba't ibang bahagi ng Metro Manila kasunod ng mga pagdiriwang ng bagong taon
-Luneta, unti-unti muling dinaragsa ng mga namamasyal ngayong huling araw ng long weekend
-Pagsilang ng tinaguriang New Year babies ngayong araw, inabangan sa ilang ospital
-Iba't ibang "diskartips" sa natirang spaghetti sa handaan, bentang-benta online
For Kapuso abroad, subscribe to GMA Pinoy TV (http://www.gmapinoytv.com/) for GMA programs, including the full version of Balitanghali.
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time).
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
Category
🗞
NewsTranscript
00:00Magandang tanghali po!
00:11Oras na para sa maiinit na balita!
00:13Bagong taon na! Nakakatutok pa rin po ang buong pwersa ng GMA Integrated News sa pinakamalalaking balita.
00:38Kabilang sa ating babantayan ng sariwang sitwasyon ngayong unang araw ng 2025.
00:42At kaugnay po sa mga insidente ng firecracker-related injuries sa ilang ospital,
00:46maguulat mula sa Tondo Medical Center sa Maynila si Sandra Aguinaldo.
00:50Nasa East Avenue Medical Center sa Quezon City naman si Ian Cruz.
00:55Tinututukan din natin ang latest sa ilang New Year pasyalan.
00:58Nasa Baguio City si AJ Gomez, habang nasa Boracay si John Sala ng GMA Regional TV.
01:07Dahil po sa mga pagpaputok para sa pagsalubong sa bagong taon, may mga kinailangan isugod sa ospital matapos masabugan ito.
01:24Tulad na lang sa Tondo Medical Center sa Maynila kung saan tuloy-tuloy pa rin ang pagdating ng ilang pasyente.
01:30Mayuulat on the spot si Sandra Aguinaldo.
01:33Sandra!
01:38Hanggang ngayong umaga nga meron pa rin ilang cases na dinala dito sa Tondo Medical Center.
01:43Bagamat ito ay sinasabi ng doktor sa atin na mga minor injuries na lamang.
01:48Sa kabuan po ay 39 fireworks-related injuries ang kanilang naitala.
01:54Mula po ito sa 7 kahapon kaya masasabing may paglundag talaga sa numero overnight.
01:59At meron din po sila nga case ng stray bullet, isa lamang ito.
02:03Ayun po sa pamunuan ng ospital ay 12.02 ng madaling araw nagsimula yung pagdating ng mga pasyente.
02:11Isa po dito ay kailangan ng maputulan ng kamay dahil nasira na rin ito sanhinang paputok.
02:18Nang tanungin po ang pasyente kung bakit nangyari yun sa kanya,
02:21ang sinabi po niya ay hindi na niya maalala dahil na rin sa kalasingan.
02:25Meron din isinugod matapos masabugan ng kwitis sa bibig at isang bata naman na natamaan ng luces sa mata.
02:32Batay raw sa ama ng bata, hindi agad sumindi ang luces kaya sinilip ito ng bata at doon na ito sumindi.
02:39Ayon kay Dr. Nicolo Bolseco ng Tondo Medical Center,
02:43meron din silang cases ng gunshot wounds at vehicular accident dito.
02:48Naiiyugnay po ito sa pagsalubog ng bagong taon dahil sa karamihan dito ay yung pasyente ay nakainom o kaya lasing.
02:55Sa Dr. Jose R. Reyes Memorial Medical Center naman,
02:59mula 17 kahapon ay nasa 87 na ngayon ang isinugod sa kanila hospital dahil sa firecracker related injuries.
03:07Yung 70 dyan ay isinugod nito lamang pong magdamag.
03:1110 cases daw dito ay kailangang putulin ang kamay o kaya dahil ito ay nagkalasuglangsug na yung daliri.
03:19Ayon kay Dr. Wenceslao Lauderez, ang medical chief ng hospital.
03:25Nag-update din po tayo mula sa Philippine General Hospital at sinabi po sa ate na 11 cases naman po
03:31ng firecracker related injuries ang naisugod doon sa magdamag.
03:36At inaantabayanan natin Raffi at Connie yung assessment naman mula sa Department of Health
03:42para naman sa pagkakabuang bilang ng mga nasaktan dahil po sa pagsalubong sa bagong taon nationwide.
03:50So yan muna po pinakauling ulat bula dito sa Tondo Medical Center.
03:55Raffi, Connie?
03:56Mananatiling naka-code white alert naman ang lahat ng hospital at iba pang health facility sa bansa hanggang January 6.
04:04Ibig pong sabihin yan lahat ng healthcare workers ay handang rumisponde sa anumang medical emergency, anumang oras.
04:11Sa ilalim din ng code white, pinaigting ang koordinasyon ng mga tanggapan ng Department of Health sa iba't-ibang ospital.
04:18Dinagdagan din ang mga gamot at iba pang supply sa emergency at operating rooms.
04:24Inaasahan na rao ng DOH na maraming medical emergencies tuwing Pasko at bagong taon kaya nakataas ang code white.
04:31Sabi pa ng DOH, hindi dapat baliwalain ang sugat o paso dahil sa paputok kahit pamaliit lamang ito.
04:39Ugasan na ganito ng samon at malinis na tubig.
04:42Tapalan ng gaza o malinis na tela at diinan ang bahaging may sugat para tumigil ang pagdurgo.
04:50Para naman sa mga tinamaan ng paputok sa mata, magpadaloy ng malinis at maligamgam na tubig sa naapektuhang mata.
04:58Wag gagamit ng malamig na tubig o ng hielo.
05:02Wag na ring kalikutin o kamutin ang nasugatang mata at takpan ito ng malinis na tela o gasa.
05:09Magpunta rin po sa emergency room para mabigyan ng pangontra sa tetanus.
05:14Sakali namang makalunok ng paputok, wag daw pipilitin ang nakalunok na magsukah.
05:20Pakainin sila ng hilaw na puti ng itlong.
05:23Kung bata, 6 hanggang 8 piraso.
05:268 hanggang 12 piraso naman sa mga nakatatanda.
05:30Paalala rin po ng DOH na pumunta sa pagamutan para sa agarang lunas.
05:36Kung may mga timbahay sa pagsalubong sa bagong taon, may mga piniling lumabas at doon nakisaya kasamang pamilya at mga kaibigan.
05:44Gaya ng Taonang Street Party sa Tondo, Maynila.
05:47Balita natin ni Vamalegre at Bea Pinla.
05:52Basta Tondo New Year Party, magdamagan yan.
05:55Ganito ang naging eksena sa Dagupan Street, Barangay 155, Tondo, Maynila, kung saan isinasago ang kanilang taon ng costume party.
06:03Pinaglaanan ng oras, pinag-isipan, tanagyang kareer para sa cash prize.
06:07Paukulay, malikain, at pakabugan.
06:10Tulad ng isa sa mga nanalo na si Rondel De Los Santos na nag-costume bilang zombie.
06:21Ang pamunuhan ng barangay naman, tiniyak na may sapat na mga tauhan para bantayan ang pagdiriwang.
06:33Pagyuting ng alas 12 ng hating gabi, all out ang naging pagdiriwang ng mga taga-Tondo.
06:38Sa Yoseco Street, party kung party!
06:42Naglalakasan ng mga paputok at napuno ng pulburahang ere.
06:48Marami naman ang pinigay mag-pump up the volume na safety first ang katake.
06:52Dinahan sa ingay ng trotot, ang iba pa sa ingay ng mga sasakyan tulad ng motorsiklo.
06:58Sa Velasquez Street naman, pati ang mga nakabantay ng mga firetruck
07:01naka-join sa pag-iingay sa kanilang mga wang-wang
07:03habang nakabantay at nabibigay ng firemen visibility sa pagdiriwang sa kalye.
07:27Happy New Year! Welcome 2025!
07:32Napuno ng kulay ang kalangitan.
07:37Masasayang hiyawan at kantahan sa iba't-ibang sulok ng nungsod,
07:41malalakas na kantahan,
07:46tunog ng trotot at iba pang paingay sa mga kalsada
07:49at kaliwat ka ng handaan ng mga pamilya't magkakabarkada.
07:53Kanya-kanyang gimmick ang mga taga-Quezon City
07:56para i-welcome ang 2025 with a bang.
07:59Sa Quezon Memorial Circle, libo-libo ang nagtipon para makiisa sa New Year countdown,
08:04nakijaming sa performances ng ilang OPM artists
08:07at nanood ng makulay na fireworks display.
08:10Si Nanay Vergie, kahit senior citizen na,
08:13nakakasabay pa rin sa mga tugtugan at kasiyahan sa countdown.
08:17Kasi masaya dito.
08:19Matakot kami sa patung-tutok mga bata.
08:22Kaya dito na lang.
08:24Taong-taong kami dito eh.
08:25Maganda dito kaya masaya.
08:27Ang ilang apo niya, inabutan na nga ng antok kakahintay sa New Year.
08:32Matunog lang dito.
08:34Magdaladala kami ng mga sapin.
08:38Tapos magkain.
08:40Ngayon lang.
08:41Ang pamilya ni Lorraine dito na rin naglatag ng medyanoche nila.
08:45First time daw nila na hindi timbahay ngayong salubong sa New Year.
08:49Para magbago yung ano namin.
08:52Yung pag-celebrate namin.
08:53Tsaka gusto rin kasi namin manood ng ano ngayon.
08:55Yung mga experience, yung year-end party.
08:58Kakaiba talaga kasi nandito kami lahat.
09:01Tsaka mayroong mga ano nga.
09:03Ayan, banda.
09:05Mahilig din kasi silip na banda yung mga bata mahilig eh.
09:08Ang iba naman,
09:09pinasiglang mga kalsada at bahay nila sa pagsalubong sa bagong taon.
09:13Kahit simple lang daw ang handaan,
09:16ayos na basta't kasama ang mga mahal sa buhay.
09:19Masaya and then kompleto yung family namin.
09:23Kahit na konting salo-salo lang kami, masaya kami ngayong taon.
09:27Walang nagbabago sa ingay namin.
09:29Kasabay ng kabi-kabilang ingay,
09:31ang pag-asam na naway matupad ang mga hiling ngayong 2025.
09:35Maskin walang pera, basta masaya.
09:38Walang sakit.
09:39Sama-sama pa rin.
09:41Wala naman na kasi parang okay naman lahat eh.
09:44Maging okay kaming lahat.
09:47And nakagraduate ako ngayong taon.
09:50Bay up in luck?
09:52Bam Alegre, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
09:57May labing walong kaso na ng indiscriminate firing
10:00o iligal na pagpapotok ng baril sa pagsalubong sa bagong taon.
10:04Batay po yan sa datos ng Philippine National Police as of December 31 kahapon.
10:09May apat lingna italang sugatan matapos tamaan ng ligaw na bala.
10:13Labing tatlo ang naaresto.
10:15Karamihan po mula sa Region 4A o Calabarzon.
10:18May dalawa naman sa Northern Mindanao,
10:21habang tigi-isa sa Metro Manila,
10:23Western Visayas, Central Visayas,
10:26pati sa Zamboanga Peninsula.
10:28May siya na rin na baril na nakumpis ka,
10:30ang polisya.
10:33Kasabay ng pagpasok ng bagong taon,
10:35sumiklabang sunog sa ilang bahagi ng Metro Manila.
10:38Isang commercial establishment ang kinupok ng apoy sa Barangay Flores sa Malabon.
10:43Ayon sa Bureau of Fire Protection,
10:44nagumpisa ang sunog mag-alauna kaninang madaling araw.
10:47Naapula ito bandang alas otso ng umaga.
10:50Walang napaulat na nasaktan sa intidente
10:52at inaalam pa ang sanghinang apoy.
10:55Nagkaroon din ang sunog sa isang bahay sa Barangay Kamuning sa Quezon City.
10:59Nahirapang makalapit ang mga bumbero dahil sa makitid na daan.
11:03Naapula din naman ang sunog sa loob ng isang oras.
11:06Tatlo ang sugatan.
11:08Inaalam pa ang tahalagan ng pinsala at pinagmulan ng apoy.
11:13Matapos ang pagpapotok at mga fireworks display sa Manila para sa pagsalubong sa bagong taon,
11:28binalot ng makapal na usok ang ilang lugar gaya ng Divisoria kaninang madaling araw.
11:33Gayun din sa bahagi ng Jones Bridge papuntang Padre Burgos Avenue.
11:37Namuo ang smog kasabay ng pagbuhus ng katantamang ulan.
11:41Ang smog ay nabubuo dahil sa polusyon sa hangin gaya ng usok galing sa mga papotok.
11:48Babala ng mga eksperto, delikado yan sa kalusugan lalo na para sa mga may asma at posible ring magdulot ng cancer.
11:55Malitang hatin ni Bernadette Reyes.
12:00Naggaganda ang fireworks display.
12:03Ihaw-ihaw ng barbecue
12:06at pagbubukas ng makina ng mga sasakyan tuwing salubong sa bagong taon.
12:11Pero ang mga nakagawian natin ito, malaki palang epekto sa kalusugan at sa kapaligiran.
12:17Ayon sa Air Quality Management Section ng DNR Environmental Management Bureau,
12:22kung ikukumparang salubong 2023 sa salubong 2024,
12:26base sa datos mula sa mga monitoring stations sa Marikina, Kaloocan, Makati at Pateros,
12:32nakapagtala ng 243% increase sa PM10 concentration o mga pinong alikabok sa pagitan ng 12am hanggang 2am.
12:41150 micrograms per normal cubic meters lang ang katanggap-tanggap.
12:45Ito yung mga areas na marami hong activities na related sa fireworks.
12:51May time na ang peak ay 12 midnight, pero may pagpapapotok ng ating kababayan.
12:58Pero may time na hanggang alas 2 sa alas 3, mas tataas pa siya.
13:01Lalo na pag nag-settle na po yung mga pollutants sa ground level.
13:06Ito yung air quality monitoring equipment na ginagamit ng DNR EMB
13:11para masukat ang air pollutants sa kapaligiran gaya na lamang ng mga pinong alikabok.
13:16Merong 30 units kagaya nito na nakasetup sa 16 na regyon sa bansa.
13:21Babala ng DNR EMB, may masamang epekto ang air pollutants
13:25gaya ng papotok at usok sa katawan ng tao pati sa kapaligiran.
13:29Mas delikado ito lalo sa mga mycomorbidities tulad ng asma at cancer.
13:34Itong mga fine particles na ito ay maaaring makapinsala sa ating bloodstream
13:40at sa ating respiratory system.
13:42At sa case po ng pagpapotok, meron hong toxic substances,
13:51mga metal salts kung saan ito ay maaaring mag-cause ng cancer
13:58or these are carcinogen toxic materials.
14:00At ngayong malamig ang panahon, maaaring mas mahirapan ng mga air pollutants
14:05na ma-disperse o kumala.
14:07Makatutulong raw sana kung uulan.
14:09Abing rekomendasyon po ay sundin natin po yung community-based na firecracker areas
14:16kung saan doon na lang tayo sa itinatalagang lugar.
14:21Kung mayroon tayong mga comorbidities at may kasama tayo, may comorbidities sa bahay,
14:27ay mas maganda hung huwag na natin silang expose o huwag na tayong lumabas din
14:32para hindi tayo ma-expose sa mataas na level ng pollution.
14:36Bernadette Reyes, nababalita para sa GMA Integrated News.
14:41Nalubog sa baha ang ilang bahagi ng Davao City.
14:48Baha ang ilang kaysada kasunod ng mahigit isang oras na buhos ng malakas na ulan.
14:53Tumirik-tuloy ang ilang sasakyan.
14:55Pinatunog din ang sirena para ipaalam sa mga residente na lumikas na dahil sa posibleng pag-apaw ng sapa.
15:03May ilang residente ang pinalikas dahil sa taas ng tubig.
15:06Patuloy ang assessment ng CDRRMO sa mga napingsala dahil sa pagbaha.
15:12Ayon sa pag-asa, ang pag-ulan sa Davao City ay dahil sa ITZZ o Inter-Tropical Convergence Zone.
15:19Magpapatuloy ito ngayong unang araw ng 2025.
15:22Apektado rin po ang iba pang panig ng Mindanao, Visayas at Palawan.
15:27Shearline naman ang magpapaulan sa ilang bahagi ng Northern Luzon.
15:32Base sa rainfall forecast ng metro weather, uulanin ang halos buong bansa sa mga susunod na oras.
15:38Posibleng ang heavy to intense rains na maaaring magdulot ng baha o landslide.
15:43Asahan din po ang ulan dito sa Metro Manila.
15:45Mga kapuso, sa pagpasok ng buwan ng Enero, posibleng may isang bagyo ang mamuo o pumasok sa Philippine Area of Responsibility.
15:53Ayon sa pag-asa, may chance ang mag-landfall sa Eastern Visayas o Caragar Region ang potensyal na bagyo.
16:00Maaari po namang lumihis ito ng bansa.
16:31Ito ang GMA Regional TV News.
16:39Ito na po ang GMA Regional TV News para sa pagsalubong sa bagong taon ng ilang Tagalog.
16:45Chris, kamusta ang celebration niyo diyan?
16:51Connie, napuno ng kasiyahan ang pagsalubong ng bagong taon sa iba't ibang bahagi dito sa Pangasinan, pati na rin sa La Union.
16:59Yan ang balit ang hatin ni Jasmine Gabriel Galvan ng GMA Regional TV.
17:05Ilang oras bago ang pagsalubong sa bagong taon.
17:08Sama-samang dumalo sa New Year's Eve mass ng ilang Pangasinayan sa Saligayang Pangasinan.
17:13Taim-team na nagdasal ang bawat isa na sana matupad ang kanilang kahilingan.
17:18Ilan sa aming mga nakausap na nagsabing sana, swerte ang dala ng taong 2025.
17:23Dalangin nila ang pagkakabuklud ng pamilya, magandang pangangatawan at kalusugan.
17:30Matapos ang misa, nagliwalo lang kalangitan dahil sa napakagandang fireworks display.
17:38Napagaganda po na salubungin natin ang bagong taon.
17:41We hope for something different. We hope for something new.
17:48We hope na mababago kung ano man yung sitwasyon natin for the better.
17:54Ang pamilya Martinez sa Lukaw, Dagupan, Sati, animoy may concert.
18:00Ang likantahan with matching sayawan ng bawat member ng pamilya.
18:07Wish ko po na magkaroon ng more blessings, good health.
18:14I hope that we can spend more time together as a big family, more events like this.
18:20Sa Kalasho, Pangasinan, pulang-pula naman ang pamilya Lopez sa pagsalubong ng bagong taon.
18:26May pa mini games para sa mga member ng pamilya.
18:29Pula ang napiling nilang kuya na sauta damit para i-manifest daw ang happiness, prosperity and luckness 2025.
18:36Ito ang choice ng mga anak ko.
18:39Sabi nila ang red ay nagbibigay ng magandang biyaya when New Years come,
18:53when it comes to New Years or Christmas and New Years.
18:57Sa Pilipinas talaga, hindi mo maikukumpara sa ibang bansa.
19:02Enjoy naman sa mga kapaputok ang pamilya ito.
19:06Tradesyon na rin ang kanilang pamilya ang magpuputok sa pagsalubong sa bagong taon.
19:10Pero isinasaalang-alang pa rin nila ang kaligtasan ng pamilya.
19:14Napuno rin ang kasiyahan ng pagsalubong sa bagong taon sa probinsya ng La Union.
19:19Nagliwa ng kakalangitan dahil sa mga nagagandahang fireworks display.
19:23Ang pamilya ito sa Ago'o La Union.
19:25Bukod sa pagpaputok, nage-enjoy rin ang mga chikiting, sa sayawan at maging sa iba't ibang palaro.
19:32Jasmine Gabriel Galba ng GMA Regional TV, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
19:41Nagkarambola naman ang limang sasakyan sa Abukay, Bataan.
19:44Batay sa inisial na informasyon, sangkot sa disgrasya ang tatlong kotse at dalawang motorsiklo.
19:49Inaalam pa ang kabuang bilang ng mga nasugatan pero may nakitang dalawang tao na nakahandusay sa kalsada.
19:56May ilan na bang naipit sa kanilang sasakyan?
19:59Tinutukoy pa ang sanhi ng insidente.
20:06Happy New Year makamari at pare!
20:09Thankful ang kapuso star sa mainit na suporta sa Kapuso Countdown to 2025 kahit naging maula ng panahon.
20:17Looking forward din ang ilan sa kanila ngayong bagong taon.
20:21Balit ang atid ni Jamie Santos.
20:27Happy New Year!
20:33Pagsapit ng alas 12 ng hating gabi, makulay na fireworks display ang dumagdad sa makulay na pagsalubong sa 2025.
20:42Hindi nagpatinag ang mga kapuso star na Sinururu Madrid,
20:47Bianca Umali,
20:49Ai-Ai de las Alas sa kabila ng pagulan.
20:53Hindi rin umalis sa kanilang mga pwesto ang mga nagtungos sa Jimmy Kapuso Countdown to 2025,
20:59Isa sa Puso.
21:01Sobrang sayaraw ni Ai-Ai na first time makasama sa Jimmy Countdown.
21:05I'm so looking forward for 2025 and nakita niyo naman umaambon so meaning nun lahat tayo ibibless ni Lord
21:15at lahat tayo magkakaroon ng maraming trabaho, lahat tayo ay magkakaroon ng magandang health.
21:23Taon-taon na raw sinasalubong ni Isabel Ortega ang bagong taon na working at performing para sa mga kapuso.
21:31Salamat na salamat po sa pag-celebrate ng New Year of course with us.
21:35Sobrang nag-enjoy kami and every year talaga ginagawa namin ang point na maka-celebrate ng New Year with all of our kapuso.
21:41Very fulfilling naman para kay MMFF Best Supporting Actor at Lolong Staruru Madrid na nakisaya siya at nakapagperform.
21:53Makasarap din po sa pakiramdam bala na alam mo yun, you're doing this para po sa mga kapuso natin.
22:00What a great year, what a great year for me. At lahat po yun ay pinagpapasalamat ko po siyempre sa Panginoon Diyos
22:08at siyempre po sa mga kapuso natin na walang sawang sumusuporta from Black Rider to Green Bones
22:14and hopefully next year January abangan niyo po ang Lolong.
22:19More blessings at work din ang nilulook forward ni Betong Sumaya.
22:23Grabe, thank you Lord for the blessings. It's amazing.
22:26More blessings, more shows para patuloy tayo makapagbigay ng happiness sa mga kapuso.
22:35Ilang minuto bago magpalit ng taon, dagdag sa saya at kinang ng Kapuso Countdown
22:40ang isa sa mga pinakainabangan na performance ng SB19.
22:46Kabilang din sa mga Kapuso star na nagtanghal ng mga pasabog na performance
22:52ay sina Julian San Jose, Raver Cruz, Christian Bautista, Sania Lopez, at Kailin Alcantara.
22:59Rain or shine, hindi natinag ang mga piniling sa Pasay sa Lubungin ang kanilang bagong taon.
23:05Marami sa kanila maaga pa lang pumila na para makakuha ng magandang puesto
23:10at parang kitang-kita raw nila ang kanilang mga favorite jimmy stars.
23:15Matag-il, saan ka pa?
23:16Filial Rizal po.
23:17Matag-back, filial.
23:18So, unang oras ka dumating dito?
23:19Mga 10am po. 5.30 po kami ngang madaling araw po niya.
23:22As a student, syempre po, balik-skwela, stress na naman. So, ito po yung stress reliever namin.
23:27Kasi po, andito po yung mga idol po.
23:29Sino ba ang iyong pinakakaabangan?
23:31SB19 po.
23:33Sinong favorite?
23:34Si Ken po.
23:35So, anong feeling pag makikita na sila mamaya?
23:37Masaya po.
23:39So, okay lang po kahit umaambun, dinito yung panahon?
23:42Okay lang po, basta po nakikita ko po sila.
23:45Gusto ko lang naman po mag-explore ng bago. Kasi mas okay po sa akin na nandito po ako.
23:48Sana po lahat ng mga worst na experience ko, ma-reset na lahat.
23:52Sa mga town na nagdaan eh, lagi na lang po ako nasa bahay.
23:55Kaya mas pinili ko rin yung ganito para maiba naman.
23:58Para po ma-experience nila sa iba na lugar.
24:02Jamie Santos, nagbabalita para sa Jimmy Integrated News.
24:07Parehong sumentro sa pagharap sa mga pagsubok ang New Year's message
24:11ni na Pangulong Bongbong Marcos at Vice President Sara Duterte.
24:15Binanggit ng Pangulo ang sunod-sunod na kalamidad sa bansa
24:18na naging hamon sa pagkakaisa at tatag ng mga Pilipino
24:22na way gamitin daw ang malasakit, tapang, at bayanihan noong panahon ng sakuna
24:27para sa pagbangon at pagunlad ng Pilipinas.
24:30Ang paghimok naman ang bises sa masamang harapin ng mga Pilipino
24:34ang mga darating na pagsubok sa 2025.
24:37Nagpapasalamat rin daw ang bises sa mga kababayan nating patuloy na nagmamahal sa bansa
24:43at patuloy na nagsisikap na magkaroon ng mas magandang tinabukasan.
24:58Kabi-kabilang parties at fireworks na display
25:01ang gumida sa New Year celebration sa Isla ng Boracay sa Malay Aklan.
25:05Pero tumambad din po ang mga basura matapos ang pagdiriwang.
25:09May ulat on the spot si John Sala ng GNA Regional TV.
25:13John?
25:17Connie, ulan ang bumungad kanina sa mga turista dito sa Isla ng Boracay.
25:21Kaya nga yung mga nakasanaya na maaga pa lang na paliligo sa beach
25:25ay pinagpaliban muna ng ilan sa ating mga turista dito sa isla.
25:29Sa halip nga na haling araw ay ulan ang sumalubong sa mga turista sa Isla ng Boracay
25:35ngayong unang araw ng 2025.
25:37Alasais kaninang umaga nang nagsimulang umulan sa isla
25:41kaya naging kakaunti lang ang mga turistang lumabas at namasyal
25:45o nag-enjoy dito sa beachfront area.
25:47Mayroong mga ilan nilan na naligo at tumambay pa rin kahit umuulan.
25:51Perfect daw kasi dahil walang ibang tao at parang nasolo nilang isla.
25:56Ang relaxed vibes ngayon sa beachfront area ay kabalik tara naman
26:00sa naging sinaryo kagabi na halos mapuno na nga ang lugar
26:04ng mga turista na nanood sa New Year's countdown at ng engranding fireworks display.
26:10Hindi nga binigo ng labing isang hotels at iba pang mga establishmento
26:14ang mga turista dahil sa loob ng mahigit 20 minuto
26:18ay napawaw ang mga ito dahil sa ganda ng mga fireworks.
26:21Yun nga lang kung anong kadaami ang mga turista kagabi hanggang kaninang madaling araw
26:28ay ganun din ang mga kalat na iniwan nila sa beachfront area.
26:32Maaga pang naglinis ang maintenance team ng Malay Aklan LGU
26:36sa mga iniwang paper cups, plastics, wrappers, at bote ng alak
26:41sa beachfront area ng mga nanood ng fireworks display.
26:45Panawagan ng local government unit ng Malay Aklan sa mga turista
26:48ay clay go or clean as you go at para mapanatili daw ang ganda at kaayusan sa Boracay Island.
26:55Narito po ang pahayag ng ilan sa aming nakapanayam.
27:02Ngayong umaga, it feels refreshing na umulan.
27:06We're welcomed by the rain and it's a blessing.
27:09Pero kagabi, grabe yung crowd dito.
27:13At saka, it's a new experience din sa family namin na pumunta dito.
27:19Dapati ligpit nila sa sarili, dalin nila sila sa resort para mabawasan yung basura sa beach.
27:25Para hindi napagbuta ng umaga, para hindi naman tingnan ng bisitang marami dito palang basura sa Boracay.
27:33Connie, ngayon nga ay bagyang gumanda ang panahon,
27:36kaya marami ulit ang tumatambay dito sa beachfront area ng Boracay
27:40para mag-sightseeing at ma-enjoy ang kagandahan ng isla.
27:44Connie?
27:45Maraming salamat at Happy New Year sa iyo, John Sala ng GMA Regional TV.
28:04Mahigit dalawang dekada nang may firecracker ba no pagbabawal sa mga paputok sa Davao City.
28:10Sarah, paano nanggaging pagsalubong diyan?
28:15Rafi, masaya at maingay pa rin naman ang selebrasyon dito sa Davao City kahit bawal magpaputok ang mga residente.
28:23Yan at iba pang pagsalubong sa bagong taon sa Mindanao sa Balitang Hatid ni R. Jill Relator ng GMA Regional TV.
28:34R. JILL!
28:40Sa Davao City, bagamat walang paputok kahit sa firecracker bag sa lungsod,
28:45masaya pa rin sinalubong ng mga dabawan nyo ang bagong taon.
28:49Pinaingay ng musika ng mga banda at party DJs
28:53ang pagsalubong sa 2025 sa isinagawang year-end countdown sa Coastal Road Esplanade
29:00bago ang countdown napuno ng performances ng Davao Talents at Banda ang aktibidad.
29:06Iba't-ibang diskarte naman ang ipinamalas ng mga dabawan nyo upang maingay at masaya salubungin ang bagong taon.
29:14Sa isang barangay, nagsilabasan at naggumpulan sa gilid ng kalsada ang mga residente upang masayang batiin ang mga dumaraan.
29:24Party feels naman na nagsasayawan na ang mga magkakapitbahay na ito.
29:30Umarangkada rin ang mga naglilibot ng mga motorcyclo at tricycle na may malalakas sa speakers na tila naging mobile party music.
29:41Dagdag paingay rin sa pagsalubong ng bagong taon ang mga torotot na nakagawian ng gamitin ng mga bataman o matatanda upang ligtas sa pagsalubong ng bagong taon.
29:54Sa Tagum City Davao del Norte naman,
29:59nagsilabasan sa kanilang mga bahay ang mga tagawmenyos upang saksihan ang magarbong fireworks display.
30:07Isinagawa ito sa unang pagkakataon sa Tagum City flyover.
30:11Namangha ang mga tagawmenyo ng magningning ang talangitan sa fireworks display na tumagal ng sampung minuto.
30:19Happy New Year!
30:22Nakagawian na ng LGU Tagum ang pagsasagawa ng fireworks display sa tuwing pagsalubong ng bagong taon na dinarayo pa ng mga tagakalapit na bayan.
30:32Bago ang countdown, may programang handog kung saan tampok ang song and dance performances ng mga kabataang tagummenyos.
30:42Masayang sinalubong ng ilang residente sa General Santos City ang bagong taon.
30:47Kahit may naranasan na panandali ang ulan sa ilang lugar.
30:51May nagpapapotok ng umalay regulated firecrackers at pyrotechnic.
30:59Sinabayan din ng mga alternatibong paraan ng pag-iingay tulad ng pagpukpuk ng mga kitchen utensil.
31:06Ang iba, gumamit ng torotot.
31:09Nagmistulang picnic ground naman ang Plaza General Santos dahil sa ilang pamilya na naghintay roon para salubungin ang bagong taon.
31:18Kwento ng ilan, enjoy sila magbanding kasama ang pamilya.
31:22Mas happy, mas happy kasi maraming nakikita.
31:26Mas kipiliin naman dari mag-spend o mag-new year o mag-kawin-kawin.
31:32Ari Jill Relator ng GMA Regional TV, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
31:43Mga mari at pare ipinlex ng kapuso stars ang kanikanilang New Year celebration.
31:49Si Harte Evangelista ipinost ang New Year celebration with the hubby Senate President Cheese Escudero and family.
31:57Instant cutie rin si Harte with her 2025 headband kasama si mommy Cecile and sister Camille.
32:04Family goals na malang lagas pi family na nag-new year sa Japan.
32:09Si Ashley Ortega Ibinida ang bonding with co-sparkle star Shuvi Etrata with her 2025 headband.
32:16Si my Ilonggo Girls star Jillian Ward enjoys a New Year karaoke.
32:24Update tayo sa mga sunog ngayong unang araw ng bagong taon.
32:27Kawusapin natin si Fire Senior Superintendent Annalie Carbajal Atienza,
32:31Chief Public Information of Service ng Bureau of Fire Protection.
32:34Happy New Year po ata. Welcome back sa Balitanghali.
32:37Magandang tanghali po. Happy New Year.
32:40Ano po mga naging dahilan itong mga nangyaring sunog dito po ngayon sa Metro Manila?
32:46Ayon po sa data natin, ang nakikita natin dito ay electrical ignition pa rin po.
32:54At may pareho po yung apat. The rest po ay still, ina-identify pa po ang cost.
33:00At wala naman pong firecracker related na sunog?
33:05Over the evening hanggang kanina hanggang now, negative pa po tayo related sa firecrackers.
33:13Ang last po ay kahapon ng 12 noon.
33:16Okay. Kumpara po noong nakarang taon, bumaba ba yung bilang ng mga insidente ng sunog sa pagsalubog po sa bagong taon?
33:23Yes po. Meron po tayong 35 noong 2024 at 43 noong 2023.
33:33Ano po may attribute, saan po kayo may attribute ito, itong pagbaba ng sunog ngayong pagsalubog sa 2025?
33:41Masasabi po natin yung pag-iingay natin lalo na dito sa social media kung saan talagang malaki naging impact ng ating pagpapaalala.
33:51At ganoon na rin po yung collaboration with the local government unit and yung participation ng community mismo.
34:00So masasabi natin at some point tumaas na ang kanilang kaalaman at nagiging lesson na po talaga yung mga hindi magandang nangyari sa mga iba nating kababayan.
34:10Pero syempre kulang pa rin po. So may room for improvement pa rin po for next year?
34:15Yes po. Ganoon pa rin po. Atin pa rin po itong i-emphasize lalo lalo na yung residential areas dahil majority ng mga insidente nitong nakaraang taon ay sa residential po.
34:28Okay. Maraming salamat po sa oras na binahagin niyo sa Balitang Halim.
34:31Thank you po. Happy New Year. Ingat po tayong lahat. Sa agarang responde po, dial lang po 911. Thank you.
34:37Si Far Senior Superintendent Annalie Carbajal Atianza ng BFP.
34:41Masaya ang naging salubong sa bagong taon ng mga residente at turista sa Baguio City. At ngayong unang araw ng 2025, sinusulit pa ng ilan ng pamamasyar sa City of Pines.
35:03May ulat ang the spot si EJ Gomez. EJ?
35:12Rafi, Happy New Year no? At dito pa rin tayo sa Baguio City.
35:16Kaninang umaga, medyo kaunti pa yung mga bakasyonista natin na lumalarga no sa iba't ibang tourist spots dito sa City of Pines.
35:24Dahil yan siguro sa silaay puyat o nagpapahinga pa no matapos niya ang magdamagang pagsalubong sa bagong taon.
35:32Pero ngayon na tanghali na ay medyo dumami na yung mga sasakyan sa kalsada pati na rin yung mga kapuso natin na pumupunta na sa iba't ibang destination dito sa Summer Capital of the Philippines.
35:50Nagsimula ang pagsalubong ng bagong taon dito sa Summer Capital of the Philippines sa haluhalong musika at sayawan sa DJ party sa Rose Garden.
35:59Ang mga chikiting maging ang mga oldies, humataw ang ilang oras. Ay! Nako! Ang mga chikiting humataw! Yes! Nang ilang oras bago ang New Year.
36:08Kanya-kanya picture din ang mga bakasyonista with their family and loved ones.
36:12Nagkaroon naman ang concert sa Melvin Jones Grandstand. Ilang oras din bago ang countdown.
36:18Meron ding sayawan, kantahan at mga palaro sa mga nagabang sa bagong taon.
36:23Nagliwanag ang kalangitan pagsapit ng alas dose ng madaling araw, ang opisyal na pagpasok ng taong 2025.
36:31Nag-enjoy daw mga dumayo rito. At ngayong unang araw nga ng taon, marami sa kanila todo pasyal na sa mga tourist spots dito sa Baguio City. May ilan pa nga na first time visitors pa.
36:43Rafi, nandito tayo ngayon sa Burnham Park at kita ninyo sa aking likuran. Ito yung mga kapusa natin na nag-e-enjoy nga sa pag-ride ng mga bisikleta.
36:59Ilan sa kanila dyan ay nandito na bago pa yung pagsalubong sa bagong taon.
37:04Habang yung iba naman ay first time daw at ito nga yung first stop nila na destination sa kanilang trip dito sa summer capital ng bansa.
37:14Happy New Year po ulit sa ating mga kapuso. Rafi?
37:17Maraming salamat EJ Gomez.
37:20Bukod naman po sa mga biktima ng paputok, meron ding mga na-accidente at nasangkot sa gulo habang sinasalubong ang 2025 na dinila sa East Avenue Medical Center sa Quezon City.
37:32At may ulit on the spot si Ian Cruz. Ian, Happy New Year!
37:40Yes Connie, kaka-update nga lang anong ngayon dito sa East Avenue Medical Center at mula sa 23 ay 24 na yung firecracker related injuries na naitala dito sa East Avenue Medical Center dito sa Quezon City.
37:52At Connie, pinakabata dyan yung nga 9 years old na naputokan sa kamay ng unknown na paputok.
37:57Habang pinakamatanda naman ng 61 years old na senior mula sa Bukawi, Bulacan na tinamaan ng whistle bomb.
38:03Sa ngayon ay hindi pa na naglalabas ng comparative stats sa ospital kung marami ba ang naputokan sa salubong 2025 kung ikukumpara sa salubong 2024.
38:12Ngayong umaga, wala pang nadala na panibagong firecracker related injuries dito sa ospital.
38:16Pero sa nakuha nating informasyon, maraming aksidente na naganap sa kasagsagan ng pagsalubong ng bagong taon.
38:21Gaya ng 11 anos na bata na nabangga ng motor ng nakainom na rider habang nanunood ng fireworks.
38:27Marami rin kaso ng stabbing at pugbugan kung saan isa sa pinakahuling dinala dito sa ospital ang isang lalaking tagka ng Baliches.
38:34Doon naman Connie, sa Quirino Memorial Medical Center dito pa rin sa Quezon City.
38:38Sinabi nito ng Errol Gonzales na sigla December 31 hanggang sa mga sandaling ito nasa 17 na firecracker related injuries ng ospital.
38:46Isa pa rin ang patuloy na naka-admit, mas pataas ito sa 13 o 14 cases noong salubong 2024.
38:55So Connie, patuloy pa rin naka-standby ang mga medical personnel dito sa East Avenue Medical Center.
38:59Dahil nga may mga instances in the past na yung mga bata ay namumulot ng mga hindi sumabog na paputok at pinapasabog nila yan.
39:08Yung iba nga ay naaksidente. Pero sana huwag nang mangyari yan para hindi na nga tumaas yung statistics ng naputokan dito sa East Avenue Medical Center.
39:16Mula rito sa East Avenue, Happy New Year sa inyo Connie.
39:19Happy New Year din muli sa iyo Ian Cruz at maraming salamat.
39:24Update naman po tayo sa pagbabantay ng Philippine National Police sa pagsalubong sa bagong taon.
39:30Pausapin po natin si Police Brigadier General Gene Fajardo.
39:33Happy New Year po at welcome sa Balitang Hali.
39:36Magandang umaga po ma'am Connie at Happy New Year po.
39:41Makikibalita lamang po kami gaano po karaming kaso ng paggamit po ng ilegal na paputok yung inyo po naitala sa pagsalubong sa bagong taon.
39:51Yes ma'am as of 6am today ay nakapagtala na po tayo ng more or less 1,360 cases of illegal possession, use and sale of firecrackers po.
40:02At ano ang kakaharapin ng mga nahulihan nito?
40:07Ang mga kaso na nakakaharapin nila ay violation ng Republic Act 7183 po na mayroong penalty na more or less 20,000 to 30,000 po.
40:19At mayroong posibilang pagkakulong na hindi po bababa ng 6 buwan hanggang 1 taon po.
40:24Okay at kumpara nung nakaraang taon ba, mas dumami ba yung mga firecracker related injuries at mga nakumpis ka na ilegal na paputok this year?
40:35Mas malaki ang nakumpis ka ng mga paputok ngayon compared to last year. Malaki ang itinaas ngayon.
40:43More or less 593,094 ang nakumpis ka ng firecrackers with estimated value of 3.9.
40:55Ano bang nakikita ninyong dahilan bakit husumipa ngayong taon itong mas maraming bilang na nagpaputok ng mga ilegal?
41:04Ang tinitingnan natin dyan ay again yung mga tradition talaga yung ating mga kababayan na talagang sinasalubog nila ng paputok itong pagsalubog sa bagong taon.
41:17At hindi naman nagpulang ang gobyerno even the PNP and Department of Health sa pagpapalala na huwag sana tayong gumamit ng mga ilegal na paputok.
41:28Bagi po sa datos ng PNP ma'am ay nasa 297 yung naitala po nating injured as a result ng paggamit ng ilegal na paputok. At isa naman po yung namatay sa Region 3 particularly yung sa kuya po na Vice Gija po.
41:45Alright marami po salamat sa inyong update sa amin. Iyan po naman si Police Brigadier General Gene Fajardo.
41:50Thank you ma'am.
41:58Galawa ang patay sa lumubog na motorbanka sa dagat na sakop ng Laoang Northern Samar nitong lingko.
42:05Natagpo ang palutang yutang ang mga labi ng dalawang babaeng edad 68 at 50.
42:11Kabilang sila sa walong pasahero ng motorbanka na papuntaraw noon sa isla ng Batag.
42:16Ayon sa embesigasyon ng Laoang Police, walang pahintulot mula sa Philippine Coast Guard ang paglalayag ng naturang motorbanka.
42:24Masamaraw ang panahon noon sa dagat at naglalakihan ang mga alon. Ito raw ang naging dahilan ng paglubog ng motorbanka.
42:32Ligtas naman ang iba pang anin na sakay ng motorbanka.
42:37Tambak-tambak ng basura ang tumambad sa ilang bahagi ng Metro Manila sa unang araw ng bagong taon.
42:42May ulat on the spot si Bernadette Reyes. Bernadette?
42:47Rappi, sa bahagin ng Taos Avenue Southbound sa Libertad sa Pasay, tambak ang mga basura mula sa pamilihan.
42:53Apat na truck ang nakolek ng basura mula nang simulan nila ang paglilinis ilang oras lang matapos ang putukan.
42:59Bandang alasete naman na umaga, ay binuksan na muli ang sinarang bahagin ng kalsada.
43:04Samantala sa kahabaan naman ng Recto Avenue sa Manila, tumpok-tumpok na ang basura.
43:09Sa Divisoria, nagpastaong na itong basura gayang ng mga gulay at kruta.
43:14Maaga pa lang nagsimula ng maglinis ang Department of Public Services ng Manila City Hall para agad mahakot ang mga basura.
43:21Samantala sa kahabaan naman ng Recto Avenue sa Caloocan, isang gilyera rin ng basura ang makikita.
43:26Sa Quezon City Circle naman kung saan nagkaroon ng New Year Countdown, may maayos na garbage disposal kaya agad nalingis ang kapaligiran.
43:34Yan muna ang latest mula sa pangingikot natin. Rappi?
43:37Maraming salamat, Bernadette Reyes.
43:44Sabang holiday, sinusulit na po ng ilan nating mga kapuso ang pamamasyal gaya sa Luneta.
43:49At may ulit on the spot, si Ivan Mayrina. Happy New Year, Ivan!
43:56Connie, hindi napigilan ng bahagyang ulan ang ilan nating mga kababayan para mamasyal dito sa Luneta sa unang araw ng bagong taon.
44:03Sa ngayon, Connie, nakikita natin lalo pa dumarami ang mga kababayan natin nagpupunta nito at nakakatulong yung makulimlim na panahon para maging mas komportable ang kanilang pamamasyal.
44:13Tulad ng tradisyon na ng maraming Pilipino, sinasamantala ang New Year's Day holiday ng ilan para magsama-sama bilang isang pamilya na mamasyal dito.
44:21Ang pamilya Cordon na mula pa sa Laguna, nakamatching t-shirts pa na nakita natin kanina at tagbaon ng pangsalo-salo para sa kanilang picnic ngayong araw.
44:29Ito rong ang kaisa-isang araw na magkakasama sila na buo bilang isang pamilya at mahalagang araw ito na hindi pwedeng palampasin para magbanding.
44:37At para naman sa mga pinagpala ng may masayang love life, dito rin piniling magdate.
44:42Ang masayang pagsasama buong taon, sisimulan sa isang araw ng banding sa unang araw ng taon.
45:08Kony, isa sa dinarayo rito ang wide open spaces na siyempre gustong-gusto ng mga bata.
45:14Marami sa mga nakikita natin dito may kasamang mga malilita bata patakbo-takbo sa lirito.
45:18Malakas ang loudspeaker na nagpapatutok ng mga Christmas songs.
45:22At mamaya ang gabi, maaaring magkaroon din ng lights and sound show dito sa Luneta na isa rin sa mga dinarayo rito.
45:29Hanggang alas 10 ng gabi pwedeng mamasyal.
45:33Dito sa Luneta, ngayong unang araw ng bagong taon.
45:36Happy New Year sa iyo, Kony.
45:38Happy New Year din sa iyo, Ivan, Myrina, at maraming salamat.
45:43Samantala, sa ilang hospital naman sa Metro Manila,
45:46sinalubong ang countdown para masilayan ang mga tinaguriang New Year babies.
45:51Sa Dr. Jose Fabelio Memorial Hospital sa Santa Cruz, Maynila,
45:55apat na sanggol ang isinilang mula kaninang alas 12 ng ating gabi hanggang alas 5 ng madaling araw.
46:02Kabilang dyan, ang si baby Alea Jade na isinilang ng first time mother na si Leia.
46:08Alas 11 pa lamang daw ng umaga nitong December 31, ay naglilabor na si Leia.
46:14Napawiraw ang pagod at sakit niya na makita ang kanyang baby girl.
46:20Ayon sa pamunuan ng Fabelio Hospital, nasa ligtas na kalagayan ang mag-ina at sanggol na isinilang.
46:32Basta Pinoy, noche buena o medyo noche, bida ang Pinoy Spaghetti.
46:37Sarap naman kasi. E ano naman kaya ang pupwedeng gawin?
46:40Sa natirang Spaghetti natin, may discard tips dyan ang isang netizen.
46:47Kabilang sa level up niyang menu sa Spaghetti, ang Baked Spaghetti.
46:52May pinirito rin gaya ng lumpiang Spaghetti at tortang Spaghetti na parang okoy.
46:57Aba aba aba, kung hindi kapasol dyan, may sopas ala Spaghetti rin para sa mga mahilig naman sa sabawa.
47:03At para naman, sa mahihilig, sa matamis, may Spaghetti ala float.
47:08Sa dami na kanyang Spaghetti hacks, may mahigit 2.6 million views na yan sa TikTok.
47:14Certified Trending!
47:18Happy New Year mga Kapuso! Ito po ang Balitang Hali at bahagi kami ng mas malaking misyon.
47:23Ako po si Connie Sison.
47:25Raffi Tima po.
47:26Kasama niyo rin po ako, Aubrey Caramper.
47:28Nawala ng bose.
47:30Para sa mas malawak na paglilingkod sa bayan.
47:32Wala sa GMA Integrated News, ang news authority ng Filipino.
47:36Pasok!
47:44Raffi Tima.
48:14Raffi Tima.
48:15Raffi Tima.
48:16Raffi Tima.
48:17Raffi Tima.
48:18Raffi Tima.
48:19Raffi Tima.
48:20Raffi Tima.
48:21Raffi Tima.
48:22Raffi Tima.
48:23Raffi Tima.
48:24Raffi Tima.
48:25Raffi Tima.
48:26Raffi Tima.
48:27Raffi Tima.
48:28Raffi Tima.
48:29Raffi Tima.
48:30Raffi Tima.
48:31Raffi Tima.
48:32Raffi Tima.
48:33Raffi Tima.
48:34Raffi Tima.
48:35Raffi Tima.
48:36Raffi Tima.
48:37Raffi Tima.
48:38Raffi Tima.
48:39Raffi Tima.
48:40Raffi Tima.