• 2 days ago
Lagay ng trapiko sa Andaya Highway sa Camarines Sur mula kay LTO Region 5 Regional Director Dir. Francisco Tanches Jr.

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 7:00 am | 7:30 - 8:00 am
Balitang Pambansa - 7:00 - 7:30 am | 12:00 - 12:30 pm |
6:00 - 6:30pm | 9:30 - 10:00 pm
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:30 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:30 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 10:00 pm - 10:30 pm

Saturday & Sunday:
►Sentro Balita Weekend - 1:30 - 2:00 pm
►Ulat Bayan Weekend - 6:15 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00Update sa lagay ng trafiko sa Andaya Highway sa Camarines Sur, ating alamin kasama si Regional Director Francisco Ranchez Jr. ng LTO Region 5.
00:10Director, magandang tanghali po.
00:13Magandang tanghali, Asek Queng. Magandang tanghali po sa lahat po ng tagapapinig ng PPP4, Bagong Pilipinas.
00:22Sir, una po sa lahat, kumusta po ang lagay ng trafiko sa mga oras na ito dyan sa Andaya Highway?
00:28Nag-improve na po, Ma'am Queng. May mga improvements na po.
00:33Kagabi kasi minomonitor namin dito sa Lupi area, sa Andaya Highway, ay nasa moderate to heavy.
00:43Pero sa ngayon po, nasa medyo gumaan po. Light to moderate na po.
00:51Yung papasok po, papuntang Bicol, ay mas marami ang sasakyan dyan.
00:57At yan po yung minimonitor namin, medyo nag-improve, naging light to moderate na.
01:03Yung papunta naman po from Bicol to Manila, light to moderate na rin po.
01:09Ito po kasi, ang isang dahilan dito, o yung mga kadahilanan,
01:14may mga eroded portions along Andaya Highway, specifically sa Lupi.
01:20Mga apat po yun na eroded portions.
01:23Pero ngayon po, naayos na ng DPWH. Salamat po sa DPWH, naayos na po nila.
01:30Tatlo na yung naayos. Yung isa ginagawa pa kasi medyo malambot po yung lupa.
01:36Kaya we are hoping na within the day ay matapos rin po.
01:40Pero gumagana na po yung flow of traffic, Ma'am Queng.
01:45Director, ano po hakbang yung sinagawa ng LTO Region 5 para po maibsa ng tropical na dulot nitong road repairs?
01:51Hindi po ba natin nasahan yung period na matatapos ito ay aabutin po ng Christmas season?
01:58Ano po kasi, Ma'am, ito eh.
02:00Kasi December 16, nandun na yung mga tao natin.
02:05Pero yung continuous rain kasi,
02:08ito po yung nag-erode sa mga bahagi ng lupa along Andaya Highway.
02:14Ang ginagawa po namin kasi kami po ay support group.
02:17Ang main dito, kung baga po, ang lead group dito ay yung PNP. Support group po kami.
02:26Ang role po namin dito ay yung pag-a-apprehend sa mga nagpapasaway.
02:34Yung bago nagka-counterflow.
02:36Kasi yung counterflow na yan, yun po ang isa pang dahilan na nagklaklag ang traffic.
02:42So as much as possible ayaw po namin silang huliin.
02:45Pero pag talaga nagpipilit po sila, we have no choice kundi bigyan po sila ng ticket.
02:51Kung baga po, kahit labag man sa loob namin, but we have to do that to instill discipline.
02:58Kasi kailangan po ng enforcement sa ganitong situation po dito sa Andaya Highway.
03:12Ganito po yung scheme na ginagawa.
03:15Dati po kasi, one lane pa, 30 minutes per side.
03:23Kung baga po, one side 30 minutes, other side 30 minutes nung one lane pa.
03:28Pero ngayon po, kasi nag to two lanes na, yung bahagi lang po na may one lane, dun po nag-alternate.
03:37Pero ngayon po, ngayon pwede na yung two lanes dahan-dahan na pinapapasok namin at pinaprioritize po namin yung galing sa Manila.
03:49Kasi ito po yung mga magbabakasyon talaga.
03:52Although hindi namin po naman pinapabayaan ang yung mga lalabas po ng vehicle.
03:57And we are in close coordination with PNP and the DPWH.
04:02At nandiyan din po na tumutulong ang local government units na concerned.
04:09Sir, alam naman po natin road repairs ang dahilan ng congestion nito.
04:12Kumusta ang pakikipag-ungayan ninyo sa DPWH?
04:15At kailan daw po ba matatapos itong road repairs nito?
04:19Actually po, naka-monitor kami sa isa't-isa.
04:24At yun po, yung latest na natanggap ko na text message, kasi po, di po ba?
04:31Apat yun, tatlo na yung natapos.
04:33Actually, yung isa po ay okay na daw.
04:36Kaya lang po, ayaw pa nilang buksan.
04:38Kasi malambot pa po yung lupa.
04:41Kasi paulan-ulan po sa vehicle.
04:43So, linalagyan pa po ng mga aggregates.
04:46Para po tumigas yun at kumbiga po ay ino-observe pa po.
04:52At ang sinabi naman ay hopefully within this day o hanggang bukas,
04:58yung isang natitira ay mabuksan na rin po.
05:02So sir, ano naman po ang solusyon dito sa mga bottleneck na kalsada?
05:06Dahilan din po kasi ito ng paninikip ng dali ng trapiko.
05:12Come again, ma'am?
05:13Ano po yung solusyon ninyo para doon naman po sa mga bottleneck na kalsada?
05:19Ano po, actually, gumagamit na po kami ng drone, ma'am, para lang ma-monitor namin.
05:26Kasi kung may bottleneck na kalsada,
05:28tumatakbo po doon yung mga enforcers namin para po kumbaga ay mag-guide.
05:34At saka yung effective communication system,
05:37meron po naka-deploy sa mga different areas po
05:40para kumbaga po kung let's say, nag-clog talaga,
05:44doon po papasok na naman yung isang team para tumulong po.
05:48Okay sir, mensahe nyo na lang po sa ating mga kababayan na naaapektuhan nitong traffic na ito.
05:53Sana naman walang magpaskudyan sa Andaya Highway.
05:58Opo, ma'am, in addition pala, nagbibigay din po kami ng advisory
06:02para po ma-monitor din ng mga kapatid natin na naglalakbay.
06:07At nakikita ko rin po yung PNP and DPWH, may mga advisories din po na binibigay.
06:14Ang mensahe po namin, sana po, we hope for the best.
06:18Sana tuloy-tuloy na matapos yung kalsada diyan.
06:23At maging ano lang po, maging maingat yung mga nagmamaneho,
06:27sumunod po tayo sa patakaran, kunting sakripiso lang po.
06:31Sa tingin ko po naman ay mabibigyan ng solusyon ng problema nito.
06:36Okay, maraming salamat po sa inyong oras,
06:38Regional Director Francisco Ranchez Jr. ng LTO Region 5.
06:44Salamat din po, ma'am Nguyen. Merry Christmas po.
06:47Merry Christmas, sir.

Recommended