• last year
Malayo pa...pero malayo na! Ika nga, healing their inner child ang maraming netizen na proud na ibinahagi ang kanilang small to big achievements sa social media!


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Malayo pa, pero malayo na. Ika nga, healing their inner child ang maraming netizen na proud na ibinahagi ang kanilang small to big achievements sa social media.
00:15Pakinggan natin ang boses mo sa pagtutok ni Darling Kai.
00:21Maraming netizens ang napapahashtag feeling blessed ngayon.
00:25Viral kasi ang trend kung saan may mga nagbabahagi ng kwento ng kanilang mga small wins o simple ang pangarap na unti-unting natutupad.
00:32Halimbawa, hindi na raw maraming tubig ang inilalagay sa instant noodles.
00:37Kwento naman ang isa, wala nang alambre ang kanyang chinelas.
00:41Raving na lang din daw ang sardina sa halip na ulam sa araw-araw.
00:45Hindi na rin daw nagpapanggap na busog ang mga magulang nila para lang makakain ang mga anak.
00:50Relate na relate dyan si Jessica, 36 na taong gulang.
00:54Sa sobrang hirap daw ng buhay noong lumalaki siya, hindi sila nakakakain ng tatlong beses sa isang araw.
01:00Ang damit nga raw nila, galing pa sa relief goods mula sa simbahan.
01:04Hindi raw kasi sapatang kita ng kanyang nanay sa pagtitinda ng merienda at kanyang tatay na construction worker.
01:10Naranaso ko na yung magdildil ng asin sa kanin, yung pinagprituhan ng toyo, iaanas sa kanin para lang makakain kami.
01:17Once po na may natarado sa panindan na may natitinda, yun yung kinakain namin ng gabihan.
01:23Hindi man siya nakapagtapos ng pag-aaral, nagkaroon naman siya ng magandang trabaho bilang sales representative.
01:29Kaya ngayon, nakakain na niya ang mga pagkain pinapangarap niya lang matikman.
01:45Simple para sa iba, pero para sa mga lumaking kapos sa buhay, napakalaking bagay na.
01:52Sa mga time po na yun, yung mismong ultimong, mga chichiria lang na kahit 7 pesos po talaga, medyo mahirap po talaga sa amin.
01:58Pero noong tumagal po, ngayon po, medyo naka-ascenso na po talaga kami.
02:06So yung mga ganun-ganung bagay po, within reach na po talaga namin.
02:12Mga bata pa lang ako, naghiram-hiram na po akong cellphone. Ngayon po, may nakatrabaho na po ako, nakakabili na po akong cellphone.
02:18Dati po nagbubay po ako, ngayon nakamutot na.
02:21Base sa datos ng Philippine Statistics Authority o PSA, na bawasa na raw talaga ang bilang ng mahirap sa paglipas na mga taon.
02:28Bumaba ang kabuang bilang ng mga pamilyang Pilipino na itinuturing na mahirap,
02:32o yung kumikita ng mas mababa sa poverty threshold na 13,873 pesos kada buwan.
02:38Pero ibig sabihin pa rin yan, halos 18 milyong Pilipino o halos 3 milyong pamilya ang mahirap.
02:45Kaya masasabi raw ni Jessica na mahirap pa rin ang buhay.
02:49Kung inunlad po, konti lang. Kasi kung sasabing inunlad, meron ako na ipundar na ganito.
02:56Pero hanggang ngayon po still, nangungupahan pa rin kami. May pangarap ko pa rin yung makabili kami ng sarili naming bahay.
03:03Gayunman, malaki na raw ang inusan. At yan ang labis niyang ipinagpapasalamat. Kaya kahit malayo pa, malayo na.
03:13Message ko po sa mga kagaya ko dati, huwag sumuko. Grow lang. Pagsikapan yung buhay kasi hindi naman permanente na nandyan ka.
03:23Para sa GMA Integrated News, Darlene Kaye nakatutok 24 horas.
03:29At eto, pakinggan naman natin ang mga ipinagpapasalamat ng ating mga kapuso online.
03:34Ang malayo pa pero malayo na moment ng isang netizen,
03:38hindi na kailangang mangutang ng bigas para may makain o di kaya manguhan ng bukong ibebenta para may pamasahin sa eskwela.
03:47Hashtag bless din ang ilang di na naghihintay ng birthday celebration para lang makakain ng spaghetti, Shanghai o cake.
03:56Kung dati naman problema ang ulam para sa ilang netizen, hindi na yan iniisip gaya ng panghihingin ng malunggay sa kapitbahay
04:03o pagbabudget ng isang delata ng sardinas para sa pamilyang may anim na miyembro.
04:09Makatulong naman sa pamilya financially ang achieve na achieve ng ilan.
04:14Meron ding going strong sa kanilang fitness journey at pangarap na travel na napupuntahan na.
04:21Pero higit pa sa lahat ng yan, para sa isang netizen, every gising is a blessing na dapat araw-araw ipinagpapasalamat.
04:30Mga kapuso, pwede mo rin iparinig ang boses mo sa social media accounts ng 24 oras.

Recommended