OVP, magdadagdag ng ruta para sa kanilang libreng sakay kasabay ng pagsisimula ng transport strike ngayong araw
Category
🗞
NewsTranscript
00:00Magdadagdag ang Office of the Vice President ng mga ruta sa kanilang libreng sakay, kasabay ng isa sa gawang transport strike ngayong araw.
00:07Si Isaiah Mirafuente sa Report Live. Isaiah?
00:13Rise and shine, Diane! Kasabay ng tatlong araw, pagsisimula ng tatlong araw ng transport strike ng grupong Peston at Manibela.
00:21Magdadagdag ang Office of the Vice President ng karagdagang ruta para sa kanilang libreng sakay o OVP bus.
00:28Simula ngayong araw, may bagong biyahin ng OVP bus dahil may libre ng masasakyan para sa biyahing PITX hanggang Naic, Cavite and vice versa.
00:37Karagdagan ito para sa 11 kasalukuyang ruta ng bus mula sa opisina ni Vice President Sara Duterte.
00:44Sa ngayon, may apat na bus na bubabiyahin na sa buong Metro Manila.
00:47Dalawa na katestino para sa ruta ng EDSA bus carousel at dalawa rin sa Quiapo patungong Commonwealth and vice versa.
00:55Mayroon din mga bus mula sa Office of the Vice President sa Cebu, Bacolod, at Dabao.
01:01Diane inaasahan mamaya magkakaroon ng inaugurasyon ang bagong ruta ng OVP bus dito sa Paranaque Integrated Terminal Exchange o PITX.
01:10At sa pinakang huling ulat niya ng Office of the Vice President, mayroon ng 1,300,000 pasahero ang naserbisyuhan o pasaherong naserbisyuhan ng kanilang libreng sakay.
01:22Nandito tayo ngayon sa PITX at kapansin-pansin ang unti-unti ng pagdagsa ng mga pasaherong papasok sa kanilang mga trabaho at sumasakay ng mga bus dito.
01:32Partikular dito sa gate 10 o ito yung biyahing EDSA carousel mula dito sa PITX hanggang sa Monumento and vice versa.
01:40Kanina napansin natin, medyo nagkakaroonan ng mga kaunting build up ng pila dito sa gate 10.
01:46Pero ayon sa dispatcher, hindi naman daw gaanong kadalas ito nangyayari dahil maraming bus ang dumaraan dito sa PITX.
01:55Maraming salamat Isaiah Mirafuentes.