• 4 months ago
Pagmamahal sa Wikang Pambansa, ipinanawagan ni PBBM sa mga Pilipino
Transcript
00:00Mahalin ang wikang pambansa, yan ang panawagan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa pagdiriwang ng buwan ng wikang pambansa ngayong Agosto.
00:10Ayon kay Pangulong Marcos, ang pagdiriwang ng buwan ng wikang pambansa ay mahalagang paalala sa mga Pilipino na mahalin ang wika ng bukal sa puso.
00:19Gayunman, sabi ng Pangulo, hindi lang paalala ang National Language Month, kundi imitasyon sa lahat na ipagpatuloy ang pagpapayaman sa ating wika.
00:29Hinikayat pa ni Pangulong Marcos sa mga Pilipino na tangkilikin ang mga panitikan, na tsak na magpapalalim sa pag-ibig sa ating bayan,
00:38at makapanghihikayat sa bagong henerasyon na tangkilikin ang sariling atin.
00:43Atin-aniang isa puso at isa isip ang mga lighang ito upang higit na yumabong ang ugnayan ng bawat Pilipino tungo sa isang bayang maunlad, malaya at nagkakaisa.
00:55Ilan sa mga binipisyo ng pagkakaroon ng Common Language o Wikang Panlahat ay ang ambag nito sa paggamit ng kalayaan ng bansa,
01:03alinsunod sa Proclamation No. 1041 noong July 15, 1997, na nilagdaan ni dating Pangulong Pidal V. Ramos ang Agosto bilang buwan ng Wikang Pambansa o National Language Month.

Recommended