P35 minimum wage increase sa NCR, sapat nga ba? | The Mangahas Interviews

  • 2 days ago
Inaprubahan ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWPB) ang dagdag P35 sa daily minimum wage ng mga manggagawa sa pribadong sektor sa National Capital Region (NCR). Ibig sabihin, mula sa P610 na minimum wage kada araw ay tataas na ito sa P645.

Umani naman ito ng batikos mula sa ilang labor groups na itinuring itong malaking insulto sa mga manggagawa. Hindi rin daw sapat ang umentong P35 sa sahod para pang-araw-araw na pangangailangan ng mga manggagawa.

Ang mga naging batayan ng RTWPB para sa dagdag-sahod, alamin sa panayam ng Regional Director ng DOLE-NCR na si Atty. Sarah Buena Mirasol dito sa #TheMangahasInterviews.