• 7 months ago
Aired (May 23, 2024): Inamin ni Makmak na ginamit niya lamang ang
kanyang ex na si Shane para mapagtakpan ang kanyang totoong kasarian
dahil natatakot siya sa p’wedeng sabihin ng ibang tao. Panuorin ang
video #It’sShowtime

Category

😹
Fun
Transcript
00:00Nung nalaman mong ganoon yung dahilan, gaano ka ka na-hurt?
00:04Nasaktan po ko, pero hindi naman totally, sobrang sakit talaga.
00:08Bakit? Hindi mo siya din ganun minahal?
00:10Hindi, kasi kung akin po, meron din po kasi akon dalawang kuya gay din po.
00:15So, kung sa kanila po mangyayari yun, parang kung nasa sitwasyon niya yung dalawang kuya, siguro gagawin din nila yun.
00:23Naunawaan mo siya?
00:24Opo, naunawaan ko siya na ginawa niya yun.
00:26May galit ako, pero hindi po sobrang lala ng galit ko sa kanya.
00:30Sinintindi mo yung sitwasyon?
00:31Opo.
00:32Buti me.
00:34Tawag dito, naiintindihan niya kanya kasi alam niya eh.
00:37Na-expose siya sa ganun, may kapatid siya eh.
00:39Opo, opo.
00:41Ay hirap kasi talaga ng ganyan.
00:44Alam mo yung, hindi ko sinasabing tama yun, kasi ako ginawa ko din yun eh.
00:49Nag-girlfriend ako, kasi parang ganun din, para baka maging lalaki ako, maging straight ako.
00:56Pinipilit naming maiba yung totoong pagkatao namin, para lang maging mabuti kayo sa amin.
01:06Kasi kung magiging ganun kami, lulukohin nyo kami, aasarin nyo kami,
01:11pagagalitan kami sa bahay, pwede kaming itakwil, lalayuan kami, magiging iba ang pagturing nyo sa amin.
01:18At dahil sa sobrang takot ng nararamdaman namin na gagano ninyo kami,
01:22pinipilit naming ibahin yung totoong kami at lukohin ang mga sarili namin,
01:27para lang magustuhan nyo kami at tanggapin nyo kami.
01:32Ganun yun kahirap.
01:35Hanggang sa ma-realize namin na, hanggang sa mag-mature na lang kami na,
01:39hindi, hindi namin kailangan ng pagtanggap nyo.
01:41Tanggap nyo kami o hindi, tanggap namin ang mga sarili namin,
01:44at itutuloy ko kung ano yung tinaitibok ng puso ko at hindi ko babaguhin ang pagkatao ko.
01:51Ganun sya kahirap.
01:53Kaya maraming tulad natin na gumawa nito.
01:56But again, that is not right.
01:59Hindi tamang, hindi tamang gumamit ng ibang tao at makapanakit ng ibang tao
02:04para maisalba at itago mo ang iyong sarili.
02:20www.mooji.org

Recommended