Tape Inc. Sinisisi ang TVJ at GMA Network

  • 7 months ago
TAPE INC, SINISISI ANG TVJ AT GMA NETWORK?

Sa report ng website na Bilyonaryo, naghahanap diumano ng masisisi ang mga Jalosjos na namumuno sa Television and Production Exponents Inc. (TAPE Inc.) dahil sa nangyari sa noontime show na 'Tahanang Pinakamasaya'.

Ayon sa Bilyonaryo, hinarap ng President and CEO ng TAPE na si Jon-jon Jaloslos ang mga empleyado nito at inanunsyong hanggang March 6, 2024 na lang ang produksyon ng programa.

Idiniin nila na kaya pumasok ang pamilya nila at kinontrol ang operasyon ng TAPE ay dahil nalulugi na ito mula sa mismanagement at early retirement packages ng ilang executives ng kumpanya.

Sinabi rin ng mga Jalosjos na malaki ang epekto ng pag-alis ng TVJ sa kita ng TAPE Inc.

Tila nagpasaring naman si Jon-jon sa GMA Network dahil parang planado na diumano ang papalit na programa sa noontime slot ng Kapuso network.

"Salamat sa inyo, naniwala tayo. Hindi ko alam kung planado...basta alam ko lang, ang galing. Sa pag-alis nila may bagong show sila." sabi ni Jon-jon Jalosjos.

'Tahanang Pinakamasaya' ang noontime show ng TAPE Inc. na hindi na mapapanood sa TV simula March 8, 2024.

Recommended