• 9 months ago
Bandang 12:42 A.M., March 5, 2024, Martes, dumating na ang urn na naglalaman ng abo ng labi ng namayapang multi-awarded actress na si Jaclyn Jose sa chapel na pagbuburulan nito sa Arlington Memorial Chapel sa Quezon City.

Si Andi Eigenmann, anak ni Jaclyn sa namayapa na ring aktor na si Mark Gil, ang naglagak ng urn sa ibabaw ng altar na pinamamalamutian ng mga bulaklak at larawan ng aktres.

Makikita rin sa video ang dating boyfriend ni Andi na si Jake Ejercito at ang anak nina Andi at Jake na si Ellie.

Ang iba pang showbiz personalities na makikita sa video ay sina Christopher de Leon at asawang si Sandy Andolong, Alden Richards, mga kapatid sa ama ni Andi na sina Gabby Eigenmann at Sid Lucero, at ang aktres na si Amy Austria.

Ang dating aktres na kapatid ni Jaclyn na si Veronica Jones naman ang naghatid kay Andi ng urn.

#jaclynjose #andieigenmann #jakeejercito

Video: Jocelyn Dimaculangan
Edit: Rommel Llanes

Subscribe to our YouTube channel! https://www.youtube.com/@pep_tv

Know the latest in showbiz at http://www.pep.ph

Follow us!
Instagram: https://www.instagram.com/pepalerts/
Facebook: https://www.facebook.com/PEPalerts
Twitter: https://twitter.com/pepalerts

Visit our DailyMotion channel! https://www.dailymotion.com/PEPalerts

Join us on Viber: https://bit.ly/PEPonViber

Watch us on Kumu: pep.ph

Category

People

Recommended