Sen. Villanueva vs Cong. Zaldy co! “Kung maglalabas po kayo ng baho , dapat naman siguro maligo ka muna!”

  • 3 months ago
Binuweltahan ni Senate Majority Leader Joel Villanueva si Ako Bicol Party-list Representative Zaldy Co.

“Kung maglalabas po kayo ng baho , dapat naman siguro maligo ka muna!” sabi ni Villanueva sa kanyang privileged speech matapos magbukas ang sesyon kanina.

Unang itinanggi ni Villanueva ang mga naging pag-atake ni Co noong nakaraang linggo na siya ay may mga nakabinbing kaso sa Office of the Ombudsman.

Kasunod nito, inilitanya na ng senador ang mga kontrobersiya na kinasangkutan ni Co.


Recommended