Malaking taas-presyo sa langis ipatutupad bukas

  • 9 months ago
Panibagong kalbaryo na naman ang papasanin ng mga motorista ngayong linggo. Sa ika-11 sunod na linggo sisipa muli ang presyo ng mga produktong petrolyo bukas.

₱2 ang iaakyat ng presyo ng kada litro ng gasolina, habang ₱2.50 naman ang itataas ng presyo ng kada litro ng diesel. Para sa mga bahay at negosyong gumagamit ng ga-as, ₱2 ang imamahal ng kada litro ng kerosene.

Kaya naman ang mga transport worker, kanya-kanya diskarte na kung paano mairaraos ang hanapbuhay sa gitna ng walang prenong taas-presyo sa langis.

Magbabalita ang aming correspondent EJ Gomez.

Visit our website for more #NewsYouCanTrust: https://www.cnnphilippines.com/

Follow our social media pages:

• Facebook: https://www.facebook.com/CNNPhilippines
• Instagram: https://www.instagram.com/cnnphilippines/
• Twitter: https://twitter.com/cnnphilippines

Recommended