BUENA FAMILIA Soundtrack: "Nasaan ang Dating Tayo" (2015)

  • last year
Artist: Julie Anne San Jose

Mayaman ang pamilya Buena, tinitingala sa society. Si Arthur Buena ay isang magaling na investment adviser. Ang asawa niyang si Bettina ay involved sa maraming social activities. Ang apat nilang anak na sina Celine, Darling, Edwin at Faye ay nag-aaral lahat sa exclusive schools. Ang tingin ng lahat ay perfect ang Buena family.

Noon din babalik si Josephine Carter, ang dating assistant ni Arthur na lihim niyang mistress, and in fact, nagkaanak siya rito. Maghihiganti siya kay Arthur at sa pamilya nito at magtatagumpay si Josephine. Dahil dito, mababago ang buhay ng mga Buena. Si Bettina na hindi sanay sa hirap at kahihiyan ay magkakaroon ng isang nervous breakdown at kailangang ilagay sa isang facility kaya't mawawalay siya sa mga anak.

Lalong naging madali kay Josephine na pabagsakin ang pamilya Buena. Ililipat niya sa kanyang pangalan ang ilang properties ng mga Buena at palalayasin niya sina Celine, Darling, Edwin at Faye. Magkakahiwa-hiwalay ang magkakapatid at bilang panganay, gagawa ng paraan si Celine para mabuo silang muli.

Sa tulong ni Harry, iipunin ni Celine ang mga kapatid na naligaw ng landas at magtatagumpay siya. Kung si Celine ay pangarap na mabuo ang mga Buena, si Darling naman ay gustong maging isang singer. Makikilala ni Darling si Kevin at siya ang magiging tulay para maabot niya ang pangarap.

Tuwang-tuwa si Celine dahil unti-unting mabubuo ang pamilya niya. Pero noon din lalabas ang isang sikreto. Ampon lang si Celine. Shocked si Celine. Inipon niya ang isang pamilyang hindi naman pala siya kasama. Hahanapin din niya ang totoo niyang magulang na walang iba kundi si Josephine!

Ano ang magiging reaksyon ni Celine 'pag nalaman niyang ang babaeng sumisira sa kanila ay ang tunay pala niyang ina? Iyan ang madramang kuwento na tatakbuhin ng Buena Familia.