• 2 years ago
Isaac Pitbull Cruz, ang boksingerong nagpahirap kay Gervonta Tank Davis.
Sino ang mag-aakala na ang super underdog na alaga ng MP Promotions e muntikan ng masilat ang bata ni Floyd Mayweather.

Kung may game plan na sisilipin ni Ryan Garcia para talunin si Gervonta Davis, yan ay ang blueprint na ginamit ni Pitbull Cruz kontra kay Tank.
Bukod sa tight guard, body punches at left hooks, swak din ang measured aggression at timing ni Pitbull.

Kaya hindi nakakapagtaka na after ng bakbakan, nakuha ni Isaac Cruz ang respeto ni Tank Davis ng sabihing, ‘kahit na hindi daw nanalo ang mehikano, may panibagong boxing star daw sa 135 pound division.


Well kung tutuusin, kabado nga ang kampo ni Tank Davis habang binabasa ni Jimmy Lennon Jr ang socres ng mga hurado.

At ng malaman ang unanimous decision win pabor kay Davis, parang tumama sa lotto ang coach ni Tank na si Calvin Ford.

Si Rolly Romero na sana ang makakalaban ni Tank Davis noon, kaso dahil sa nasampahan ng kaso itong si Rolly boy, natapik ang balikat ni Isaac Cruz as a late replacement para tapatan si Davis.
Kaya x7 ang panalo kung tataya ka kay Pitbull Cruz.

Ganun pa man, In less than 5 weeks, nakakabilib pa din ang matinding paghahanda ni Isaac Cruz kontra kay Gervonta Davis.


Tale of the tape tayo mga idol.
Lamang sa height at reach itong si Davis.

Si Gervonta Davis ay may unbilibabol ring record na 25 wins with 24 knockouts o may 96% knockout rate.



Samantalang ang dehadong si Isaac Cruz ay may kartadang 22 wins, 1 loss, 1 draw and with 15 wins by Knockout o may 62.5% knockout percentage.


Panoorin nyo mga idol ang magandang laban na nagpakilala sa puso at tapang ni Isaac Pitbull Cruz.

#tankdavis #pitbullcruz #davisvskingry

Category

🥇
Sports

Recommended