ISMOL FAMILY Soundtrack: "Ang Saya Saya" (2014)

  • 2 years ago
Sung by 1:43

Wala nang mas sasaya pa sa pamilyang Pinoy. Kaya handog ng GMA-7 ang pinakabagong comedy-serye na magpapaalala sa iyo na walang kasing saya ang buhay mo basta kasama ang mga taong pinakamamahal mo.

Kilalanin natin ang Pamilyang Ismol. Padre de pamilya nito si Jingo Ismol (Ryan Agoncillo), ang Super Dad, responsableng asawa na magpapatunay na kaya niyang maging haligi at ilaw ng tahanan, habang ang kanyang asawa ay nasa abroad.

Si Majay Ismol (Carla Abellana), ang Wonder Mom, mabuting maybahay ni Jingoy. Handang gawin ang lahat para sa kanyang pamilya. Kaya naman nung kinailangan niya umalis ng Pilipinas, hindi ito nag-dalawang isip para maging welder sa Dubai.

Anak naman nila Jingo at Majay ang cute boy na si PJ (Marc Justine Alvarez). Sidekick ni Jingo at super sweet sa kanyang lola.

Siguradong aabangan ng mga manonood ang Ismol Family, dahil kasama sa cast ang mga batikang komedyante tulad nila Ms. Carmi Martin who will be playing Mama A, the ‘Cougar Mother-in-law’ of Jingoy na magtatayo ng bandera ng mga babaeng may edad na pero may asim pa. Makikigulo din sa pamilyang Ismol ang kapatid ni Majay at tatay ni Yumi na si Bobong na gagampanan ni Mike “Pekto” Nacua.

Kasama din sa cast Ismol Family sina Bianca Umali as Yumi, anak ni Bobong. Mikael Daez bilang Bernie ang Bestfriend ni Jingoy, Kevin Santos as Lance, ang “Boy toy” ni Mama A, Miguel Tanfelix bilang Tan-Tan, ang classmate ni Yumi na laging nakabuntot sa kanya at si Natalia Moon as Natalia ang Foreigner Kasambahay na may “pusong pinoy” at social media addict.

Hangad ng programa na bigyang halaga ng mga televiewers ang mga simpleng bagay at isapuso nila ang sumusunod: “Gaano man kaliit ang laman ng bulsa, kaya mong maitawid ang buhay ng masaya ang inyong pamilya”.

Copyright © 2014 GMA Network, Inc.
No copyright infringement intended